Chapter 10

63 4 0
                                    

"Celine, kailangan na nating umalis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Celine, kailangan na nating umalis. " Napatingala ako kay Hideo nang bumalik ito pag katapos tumayo dahil may tumawag sa kanyang telepono. Kunot na kunot ang noo ko. Hindi pa din naman ako pumapayag na sumama sa kanya.

"Hihintayin kita sa labas." Sabi nito sa akin. Nakita ko pang tumango lamang ito kay Janine na parang nag papaalam na. Tumalikod na ito sa amin at lumabas na nang  coffee shop.

"Hay! Nakakainis talaga ang isang yun!" Sabi ko. Na hindi matago ang pag kainis ko sa kaharap ko.

"Bakit mo siya kasama, Celine? San kayo pupunta?" Napatingin ako kay Janine na mukhang curious sa kung anong meron sa amin ni Hideo ngayon. Na kahit wala naman.

"Di ko din alam eh. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento sayo. Hindi ko din alam kung saan kami pupunta." Sabi ko. Ayokon pa sanang umalis. Gusto ko pang kasama si Janine. Pero parang wala naman akong choice kundi sumama sa ugok na yun.

"Jan, really need to go. Catch up soon." Sabi ko kay Janine. Nakipag beso beso pa ako sa kanya bago tuluyan mag lakad palayo sa kanya. Naramdaman ko agad ang init ng labas ng nasa parking lot na ako. Ang init! Its freaking 12 noon in the afternoon. Nag mamadali akong sumakay sa sasakyan ni Hideo.

"God! Ang init!" I said outloud nang makapasok na ako sa passenger seat. Tinutok ko agad ang aircon ng sasakyan ni Hideo sa akin. Tinali ko din ang buhok ko. Napatingin ako sa katabi ko na mataman na nakatitig sa akin. Inirapan ko siya. Naiinis talaga ako kanya.

"Ano?" Tanong ko. Hindi ito kumukurap kakatitig sa akin. I even saw him gulp. What the hell is his problem?

"Ano pang hinihintay natin, Hideo? Drive your car. Sobrang init dito. Tirik na tirik ang araw." Inis na muli sabi ko. Pasimpleng inayos ko ang damit ko dahil napansin kong nakababa na ito sapat na para makita ng bahagya ang dibdib ko. Tss. I should have wear something more decent to cover me up. Dapat nag turtle nalang ako at hindi nag v-neck white shirt. Pero buti nalang hindi ako nag ganoon! Ang init init!

Natihimik na nag maneho sa tabi ko si Hideo. Buti naman, dahil wala akong oras para makipag usap sa kanya. Baka buong oras lang ako umirap at umismid sa kanya sa sobrang inis ko dito.

"So, saan ba talaga tayo pupunta?" Hindi ko matiis na tanong habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.

"Basta." Sabi nito. Kesa mainis lang ako ay nanahimik nalang ulit ako. Ayoko nalang mag salita. Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakita kong nasa bandang Antipolo na kami. Pumasok kami sa malaking gate doon. Napakunot ang noo ko.

"Dito tayo pupunta?" Kahit na obvious ay tanong ko pa rin. Nginitian lamang ako ni Hideo. Maya maya pa ay huminto na ang sasakyan niya.

"Let's go, Celine. Kanina pa nila tayo hinihintay." Sabi nito. Nauna itong bumaba. Agad naman akong sumunod. Sumalubong sa amin ang isang dalagang babae na sa tingin ko ay nasa 18 years old ang edad. Maganda ito. She's wearing a white shirt saying "I love my Grandparents." Naka tokong short ito.

Taming The Arrogant Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon