The Past

220 11 0
                                    

"Hideo, kamusta naman yung case study mo sa management class mo?" Tanong sa akin ni Janine. Tumingin ako sa kanya at sumilay sa akin ang magandang mukha nito. She is like an angel came down from heaven. Napa amo ng mukha nito. Napangiti ako sa isipang iyon.


"Maayos naman... Bakit yung sayo ba? " Sabi ko. Nakadapa ako sa damuhan ng campus namin, nakalatag kasi yung malaking scarf ni Janine.  Habang siya naman ay naka-cross upo. Ngumuso ito habang nakatingin sa libro niya.

"Ayun... Mukhang ewan. Bakit ba kasi hindi ako kasing talino mo?" Tumuwa ako sa itsura niya. Minsan talaga tong si Janine ay parang bata.

Si Janine. Siya ang kaisang isang babaeng hinayaang kong makapasok sa buhay ko pwera sa nanay at kapatid kong si Danica. Siya din ang babaeng minahal ko simula bata palang kami. I could give her the world but then hindi pa sa ngayon. I need to study really hard para mabigay ko ang buhay na gusto niya.

Ginulo ko ang buhok niya habang nakapanguso pa din siya.


"Ano Hideo? Bakit ba hindi ako kasing talino mo? Ikaw parang ang dali dali lang para sayo maipasa yung mga subject mo. E ako? Mukhang mababagsak ko na naman ang tong subject na to!" Inis na sabi nito.


I couldn't help but to smile. Sa mga ganitong pagkakataon ay alam kong nagmamaktol ito. She is. Sanay na sanay na ako sa kanya. Pero para pa ding bago sa kin ang lahat sa tuwing tinititigan ko siya.


"Kaya mo yan, Janine. Hindi ba magiging reporter ka pa?" Sabi ko. Na nakapag pa liwanag ng  mukha nito dahil sa sinabi ko.

"Tama! Magiging reporter pa ako. " Kumpiyansang sagot niya.


Mapait na napangiti ako ng maalala ko ang mga panahon na baliw na baliw ako. Baliw na baliw sa pagmamahal.
Sa isang babaeng.



Its been years pero napaka-sariwa pa din sa akin ng lahat. Kung paano ako na punta na lamang dito.


Mula sa seldang iyon tanaw ko ang isang hindi kalakihan na telebesyon. Rinig ko ang bawat salitang minumutawi ng babaeng nagbabalita doon. I could help but to feel the anger na nakatanim na ata sa aking puso. There was the woman that used to be my world.


Mukhang nakuha na naman niya ang lahat ng gusto niya. But I soon as I get out of here. I promise to myself that I will get back all the time and things that I've lost because of some trash of word called Love...

Taming The Arrogant Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon