Chapter 16

40 4 0
                                    

She cutted me out

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

She cutted me out. Alam kong may karapatan siyang umasta ng ganya sa akin ngayon. Nagawa ako nang hindi maganda sa kanya. At kahit sa sarili ko ay nagagalit ako. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

Dumating kami sa restaurant na pina reserve ni Jacklyn para sa amin nang quarter to 12. Maganda din dahil mas nauna kamini Celine sa ama niya. Ayokong pag hintayin si Mr. Ferrer hangga't maari. Mataray naman akong pinapakitunguhan ni Celine. Nahuhuli ko pa siya paminsan minsan na umiirap sa kawalan. Lalo na kapag nakikita niya akong nakatingin lamang sa kanya.

A staff from the restaurant accomodate us to the table that reserved for us. Nagpasalamat ako sa kanya. Pinanood ko naman si Celine na naupo sa kaharap kong lamesa. Nakahalukipkip ito nang brasa

"Tss, bakit ba kasi kailangan pati ako idamay mo dito, Hideo? Huh? The last time I check wala akong kinalaman sa kung anong meron sa negosyo mo that includes me being with you in your so-called lunch meeting..." Anya sa mataray na tono. Umirap na naman ito.

"You are included here, ofcourse. Dahil you are being requested ng taong makakasama natin ngayon. And You have no choice but to be with me." Sabi ko kanya. Muli ay napairap na naman ito. Hindi na muli siyang nagsalita. Tahimik itong nag hihintay.

Mga ilang minuto din ang tinagal ng pag hihintay naman para kay Mr. Ferrer. Natanaw ko siyang papasok ng restaurant. He was accomadate by the staff sa kinaroroonan namin. Agad akong tumayo ng pagkakaupo.

"He's here." Pasimpleng sabi ko kay Celine. Kaya napatayo na din ito.

"Mr. San Juan." Aniya ni Mr. Ferrer sa akin. Nakipag kamay ako dito bilang pag bati sa kanya. Nakita ko naman naka awang ang bibig ni Celine habang nakatingin sa ama niya.

"Dad..." Sa mahinang usal ay sambit nito. Lumapit siya sa ama niya at hinalikan niya sa pisngi.

"Dad, i didn't know na ikaw pala ang ka lunch meeting ni Hideo." Ani Celine. Nakaupo na ulit kami. But this time ay sa tabi ko na siya naupo. Kaharap ko naman si Mr. Ferrer.

"Hindi ko talaga ipinasabi kay Hideo." Walang emosyon sabi nito sa anak niya. Yes, he's right. Binilin nito wag sabihin kay Celine. Hindi naman na ako nag tanong pa kung bakit. I just did what he just told me. Nag umpisa na kaming kumain. Napansin ko hindi magiliw sa pag kain si Celine.

Nag uusap naman kami ni Mr. Ferrer tungkol sa nalalapit na business proposal niya para sa kompanya namin. I just review it, and I think its a great thing to invest on their company lalo na ngayon na maganda naman talaga ang stock market nito. Isa din sa pinaka trusted na broadcasting company ang CCN.

On the other side, tahimik naman si Celine. Tinignan ko siya. She's just playing her food. Hindi ba niya nagustahan ang pagkain dito?

"Kamusta naman si Celine sa kompanya niyo, Hideo?" Mr. Hendrix ask me. Nakita kong agad na napa angat ang ulo ni Celine. Waiting for me to answer.

"She's doing good. She can easily adjust to the loads of works." I've told him. Nakita ko naman na parang nabutan ng tinik si Celine. I saw a relief on her face.

"Ganun ba. Great. Mukhang mag tatagal ang paglalagi ng anak ko sa kompanya niyo, Hideo. Magadan rin iyan para masanay na siya sa mga pasikot sikot. Alam mo naman kami ng mommy niya, We're not getting any younger. Tumatanda na kami. I want her to learn things that could benefit her." Mahabang sabi ni Mr. Hendrix. Napatango naman ako.

Natapos ang lunch meeting namin ng hindi nag sasalita si Celine. Not even a word. Which made me more feel guilty of what I did to her. Nagpaalam na din naman sa amin si Mr. Hendrix. He still have a meeting to attend too. He's too busy I guess.

Nasa tapat na kami ng sasakyan. Pasakay na dapat si Celine sa backseat pero pinigilan ko siya. Pinasakay ko siya sa passenger seat. Magtatanong pa dapat ito ngunit hindi ko na aiya binigyan pa ng pagkakataon na magsalita. Isinara ko na agad yung pintuan ko. Sinenyasan ko ang driver na bumaba. Pero bago iyon. Kumuha muna ako ng dalawang libo sa akin pitaka at inabot ito sa kanya. I've told to take a cab. Tumango naman ito.

Sumakay na ako sa sasakyan. Angal agad ni Celine ang bumungad sa akin.

"What the hell are you doing now, Hideo? " she hissed. Pero hindi ko siya pinansin sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan.

"Damn! Baka nakakalimutan mo ang ginawa sa akin, Hideo! I hate you!" Hinampas ako nito sa braso ko na naging dahilan ng pag kawala ko sa lane ng kalsada. I even lost my control. Agad kong ipinara ang company car na gamit namin. Nagpapasalamat na lamang ako na walang masyadong tao kung hindi ay baka naka disgrasya pa ako. Napahampas ako sa manibela.

"Sh*t!" I hissed.

Naramdaman kong nagulat din si Celine sa naging reaksyon ko. Tumingin ako sa kanya. I can see fear on her eyes because of what I did. Agad akong tinamaan ng konsensya. Napa buntong hininga ako. Pinaandar ko na ulit ang sasakyan. Hindi naman na umimik si Celine.

"Where do you wanna go?" I asked her. Di ko alam kung bakit ko to ginagawa. Basta ang alam ko lang gusto ko mag hingi ng tawad kay Celine sa nagawa ko sa kanya. She deserves that. And I swear to God. Nahihirapan akong mag sabi ng sorry sa kanya kasi alam kong hindi ako yun. Hindi ako yung tipo ng tao na nanghihingi ng tawad pag katapos kong gumawa ng kamalian. Maybe because that was the result of my past. Pero sa ngayon, parang responsibilidad kong mang hingi ng patawad sa kanya. I've cause her humiliation.

"I dont want to go anywhere." Sa mahinang usal ay sabi nito. Tumingin ako sa kanya ng saglit. She was facing the window. Nakatingin lamang ito sa labas.

Tinigil ko ang sasakyan ko sa banda gilid ng kalsada. Ayoko man gawin. But I need to.

"Celine..." Sa mahinang usal ay sabi ko. Para akong naduduwag na aso. Ni hindi ko agad masabi ang gusto kong sabihin. Hindi ito lumingon sa akin. Nanatili lamang ang kanyang tanaw sa malayo.

"Celine... Look about what happened last night—"

"Ano bang sabi ko Hideo? I've told you kahit ano pang sabihin mo. It will never change the fact that I hate you. I hate you now... And I will hate you forever. " sabi nito. Napatiklop ako sa mga narinig ko. Walang akong pakialam sa sinabi niya. Basta ang mahalaga masabi ko sa kanya na nanghihingi ako ng tawad it is up to her whether she will forgive me or what.

"Yea, I know you hate me now. And will hate me forever. Pero gusto ko pa din manghingi ng tawad sa iyo. I know I've hurted you. Nasaktan kita physically at lalong lalo emotionally." Sabi ko. Huminto ako sa pag sasalita hoping she would say anything pero dumaan ang isang minuto parang wala itong narinig.

"Celine, I hope you'll forgive me anyway... Maniwala kaman o sa hindi. I regretted it. I regret what I did to you. I hope you still find yourself forgiving me." Sabi ko. I thought she's going to say something... But she never said anything... Pinaadar ko na lang muli ang sasakyan.

I think she'll hate me forever.

Taming The Arrogant Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon