Chapter 26

37 4 0
                                    

Its Monday again

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Its Monday again. Maaga akong nag handa para sa pagpasok ko sa SJC. Hindi maipaliwanag na excitement na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit.

Nagpahatid na lang din ako sa driver namin dahil wala ako sa mood na mag drive. Pagkarating ko sa desk ko ay agad sumalubong si Ms. Stacey. May inilapag siyang isang damakmak na mga papeles sa harapa6n ko. Napa awang ang bibig ko. Di makapaniwalang napatunganga ako sa dami ng mga iyon.

"Dahil matagal tagal kang nawala. Hayan, mga naiwan mong gawain." Naka taas pa ang kilay nito sa akin. Hindi naman ako kumibo tinignan ko nalang yung mga papel na iyon na nasa harapan ko. Umalis na sa harapan ko si Ms. Stacey. Maya maya lamang ay nag datingan na yung mga kasamahan ko. I greeted them. At isa isa ko ding ibinigay sa kanila yung mga nabili kong pasalubong sa kanila.


Habang nakaupo ako at ginagawa ko na yung mga naiwan kong trabaho ay nakita kong umilay at nag vibrate ang phone ko hudyat na may mag text dito. Hindi ko dapat papansinin pa kaso ngalang nakita kong pangalan ni Hideo ang nasa screen. Dammit. Biglang sumaya ang puso ko. Napangiti din ako sa kawalan. Binasa ko ito.


Good morning.

Isang simpleng bati lang mula rito ay tumatalon na agad ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ko ito. Masyado na akong nagiging familiar sa emotion na ibinibigay sa akin ni Hideo.

Nag type ako ng simpleng good morning lang din dito. I was really hoping he would reply to me message. Hindi naman ako nabigo dahil ilang saglit lamang ng makita kong nag pop out ang pangalan ni Hideo.


Hideo:

Are you Busy?



Ako:

Medyo, daming nilapag na paper works ni Ms. Stacey.



I was expecting he would reply to me. Pero higit pa roon ang naging respond nito sa huling message ko. Lalong kumabog ang puso ko nang makita ko sa screen ng phone ko na tumatawag lang naman si Hideo. My goodness.


"Hello" Sa mahinang usal ay sabi ko. Hindi maitago ang ngiti sa labi ko.



"Hi..." His baritone voice field my ears. Ang sarap pakinggan ng boses ni Hideo.


"Bakit ka napatawag?" I asked him. I can almost hear his breathing. And my goodness, na pi-picturize ko din sa isip ko si Hideo habang nag sasalita siya.

"Coffee break?" Napatingin ako sa wrist watch ko. It was effing 10 am in the morning. Damn, anong sasabihin ko sa kanya?

"Ah eh, madami kasing pinapagawa si Ms. Stacey. I need to finish this before lunch time." I've told him. Nakita ko naman si Ms. Stacey na nakatingin na sa pwesto ko. Tinititigan niya ang ginagawa ko. Pinandilatan ako nito dahil nakita niya akong nag phone lang.

"Ganun ba? Bibigay ko nalang sayo yung kape na binili ko para sayo. Punta ka sa hallway saglit." Napatayo ako nang wala sa oras ng marinig ko ang sinabi niya. Is he even serious about what he's talking about. My heart is literally pounding right now.

"Nasaan ka?" Halos nanginginig na tanong ko sa kanya.

"Im in here, sa hallway. Im waiting." Aniya. Kabang kaba ang dibdib ko. Parang lalabas na ata ang puso ko sa pag kakaalam na nasa labas lang si Hideo.

"Nasa labas si Mr. President." Anunsiyo nung isa sa mga kasamahan ko. Dali dali nag ayos yung mga kadepartment ko. Siguro ang akala nila ay bibisitahin sila nito. Napatayo rin sa kinaroroonan niya si Ms. Stacey. Bigla bigla ay parang natatae ito sa pag kakaalam na nasa labas ang boss ng lahat.






This wasn't the first time na nakita nila ito sa labas dahil yung first ko sa work nakita na nila ito doon.


Lumabas ako ng hallway at sumalubong sa akin ang nakasandal na si Hideo. He's wearing a black long sleeves polo and a pants. He's dropped dead gorgeous. Hindi siya aware na tinititigan ko na siya dahil nakatungo ito. Sa isang kamay niya ay may hawak siya naka take out na hot coffee nang isang kilalang coffee shop. Ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa phone niya. Nakasilip naman sa gilid ko ang mga kasamahan ko sa department. Nasa tainga ko pa rin ang cellphone ko, I could here him breathing. Siguro dahil sa nililikhang ingay ng mga katabi ko ay napilingon sa gawi ko si Hideo. Our eyes met. Bigla nang hina ang tuhod ko ng ngumiti ito sa akin. Pasalamat na lamang ako dahil napahawak ako sa pader na katabi ko, kundi ay baka nakahandusay na ako ngayon. Humakbang ako papalapit kay Hideo. I dismissed the phone call.


Napatayo naman si Hideo ng tuwid at inalis ang cellphone sa tainga niya.
Ramdam ko naman ang panonood ng mga tao sa likod ko pero parang wala akong pakialam. Parang si Hideo lang ang nakikita ko nang mga oras na iyon.


Magkatapat na kami ngayon at inabot niya sa akin yung hawak niyang kape.

"This one for you." Sabi niya. Hindi ako nakapag react dahil para akong na hipnotismo ng mga oras na iyon. I was caught off guard. Nakatitig lamang ako sa nangiting mukha ni Hideo.


Hindi ko din namalayan na nagpaalam na si Hideo. Naiwan akong nakatayo lamang sa hallway. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Napatanong ako sa sarili ko kung bakit ganito nalang ang dulot ni Hideo sa akin.



Pabalik na ako sa working station ko at agad sumalubong sa akin ang mga umuulan na tanong ng mga ka officemate ko. Hindi ko sila masagot dahil hindi ko din naman alam kung ano sagot sa mga tanong nila. Nakaupo na din ako sa upuan ko. Hindi pa din ako tinigilan ng mga kasamahan ko sa mga tanong nila. Nakapalibot sila sa pwesto ko. Kaya naman sinaway na sila  ni Ms  Stacey, sinabihan niya itong mga to na mag si balik na sa trabaho nila.  Napansin kong nakatingin din sa akin si Ms. Stacey. I thanked her dahil nilubayan na ako ng mga iyon. Naiwan na ako doon. Napatitig ako sa kapeng binigay ni Hideo. Hindi ko napansin na may nakalagay doon na maliit na note. Binasa ko ito.


"Have a great day. Pick you up later."

-H.


Dammit! I must be crazy right now. Iba na itong pakiramdam na pinapadama ni Hideo sa akin. And it scared me sometimes.


Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na naman siya.
I picked it up.

"Hello" I answered it.



"Did you like the coffee?" He asked me.



"Yah." Sabi ko kahit hindi ko pa naman natitikman. Pero alam ko naman na magugustuhan ko din yun. Isa pa galing sa kanya iyon.



"That's great to know." Kahit hindi ko siya nakikita ngayon alam kong nakangiti siya. At sapat na ang isipin na iyon para bumilis ang tibok ng puso ko.



"Nasan kana?" Napagat ako ng labi ng marealize ko ang sinabi ko. Dammit, anong klaseng tanong yun Celine?



"Heading back to my office. Pero mamaya may client call ako. Kakausapin ko si Vincent kasama ang Dad mo at yung kapatid ko." Sabi niya. Narinig ko ang tunog ng elavator mula sa background ni Hideo.



"Ganun ba, alright. Take care. Im gonna hang up. Dami ko pang paper works to do." Sabi ko. Grabe natatakot ako na marinig nid Hideo yung heartbeat ko ngayon. Sobrang kabog ng kabog na ito.


"Okay." I was about to hang up when I heard him saying something.


"Wait up, nabasa mo na yung note ko?" Tanong nito. Napakagat ako ng labi bago nakasagot.


"Yes." Dug dug dug, sabi ng puso ko.


"Okay then, I'll pick you up." He said and hang it up.


Dug dug dug... Patuloy na sabi  ng aking puso.

Taming The Arrogant Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon