Chapter 17

43 3 0
                                    

Nagising ako isang gabi habang mahimbing akong natutulog dahil sa panaginip ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako isang gabi habang mahimbing akong natutulog dahil sa panaginip ko. Hinahabol ko ang pag hinga ko. Pinagpapawisan din ako ng malapot. Yung panaginip ko. Pakiramdam ko ay muling nangyari ulit. Parang totoo ang mga eksena nito. Nararamdaman kong muli ang sakit na naranasaan ko. Naging sariwa muli ang ala-ala pinag daanan ko mga ilang taon na rin ang nakakaraan...

Flashback...

Ilang buwan na din ang nakalipas pag katapos mahatulan ni Hideo ng ilang taon na pag kakakulong dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Pakiramdam nito ay naging manhid na ang kalooban niya habang nasa selda siya sa Munti, nakaupo sa isang sulok, tulala. Madumi at sira sira ang suot nito na damit. Ramdam din niya ang lagkit ng buo niyang katawan ngunit hinahayaan lamang niya ito . Nasasaktan ang puso't damdamin niya sa nangyari sa kanya. Nakatulala siya habang inaalala ang bagay na pinapangarap niya dati na sa tingin nito ay hindi na matutupad pa habang buhay...Kumawala ang isang luha sa kanyang pisngi matapos maalala ang masamang balitang nakarating sa kanya kaninal lamang nang dumalaw ang kapatid niyang si Danica. Umiiyak ito. Nangangamba siya.

"Danica, bakit ka umiiyak? Anong problema?" Nag alala niyang tanong sa kapatid ngunit hindi sumasagot ito. Panay lamang ang iyak nito. Unti unting tumutubo ang takot sa kanyang dibdib.

"Kuya... Kuya si nanay... Si nanay..." Sabi nito sa kasabay ng paghagulgol nito at pag singhot.

"Danny! Umayos ka ng sinasabi mo hindi kita maintindihan..." Nag alala niyang sabi. Anong nangyari sa nanay nila?

"Kuya, si nanay kanina. Tinakbo namin sa ospital. Bigla na lamang kas siyang nahimatay. Pag karating namin sa ospital. Sinubukan pa ng doctok na iligtas si Nanay. Pero... Hindi na kinaya ni Nanay kuya!! " Napatulala ito sa narinig niya. Hindi niya malaman ang isasagot sa kapatid.

"Kuya! Wala na si Nanay!! Wala na siya Kuya!!" Aniya. Halos matumba siya sa pag kakaupo niya sa upuan. Nag uumapaw ang damdamin niya. Nag uumapaw sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa narinig at ibinalita sa kanya ng kapatid niya. Hindi! Hindi pwedeng mang yari iyo! Sabi ng isip niya. Nag uunahang tumulo ang luha niya. Wala siyang pakialam sa nakakakita sa kanya. Sobrang sakit na ng kalooban niya. Gusto niyang makita ang Nanay niya sa oras na iyon!

Naramdaman niya ang dalawang kamay ng pulis na pinatayo siya at ngayon ay tinutulak na siya pabalik sa seldang kinalalagyan niya. Ang huling nakita niya ng mga oras na iyon ay ang pag iyak ng kapatid niya. Mag isa na lamang ito. Nangamngamba din siya para sa kapatid niya.

Nababaliw na siya kakaisip sa nangyari sa kanya, sa nanay niya, sa kapatid niya. Lalong lalo na ang pag tatraydor ng babaeng pinakamamahal niya. Si Janine.

Nababaliw na siya kakaisip na kung paanong nandito siya sa sitwasyon na ito. Gulong-gulo na ang isipan niya. Gusto na niyang matapos ang paghihirap niya.

Taming The Arrogant Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon