Chapter 43

36 4 0
                                    

-Celine

Sa ibang beach resort nga kami ng El Claraval pumunta. Halos mapa awang ang labi ko nang makita ko ang View ng lugaw. The place was breathtaking. Mula sa kulay puting buhangin nito at kulay asul ng dagat.

The almost 5 hours travel here is worth it. Kinakailangan pa namin sumakay ng bangka para lang makapunta sa beach proper nang El Claraval. Mag kahawak kamay ni Hideo nag lalakad sa buhanginan. Nililipad ang buhok kahit medyo maiksi na ito.

"Vincent's right. Maganda nga dito." Sabi ni Hideo. He was all smile. Pumunta kami sa lobby ng resort.

"For Hideo San Juan, please." Aniya Hideo sa front desk na nandoon.

"I'll check po, Sir." Magiliw naman na sabi nito. Mga ilang saglit pa ay ibinigay nito ang susi ng kwarto na pina reserve ni Hideo. Isang kwarto ito na may dalawang queen sized bed.

"Im sorry, ang kulit kasi ni Vincent I've told to reserved two room for us. Pero ang sabi niya madami daw silang guest ngayon at ito nalang ang available. Okay lang ba sayo?" Tanong ni Hideo sa akin. Inilapag ko ang hand bag na dala ko.

"Yes, okay lang sa akin." Sagot ko.

"Are you hungry? Gusto mo kain muna tayo?" Anyaya ni Hideo sa akin habang inilalapag ang gamit namin sa isan gilid. Tumango ako sa kanya. Halos mag aalas singko na din ng gabi. Medyo ginugutom na din naman ako.

"Yes, but I'll just take a bath, first." Sabi ko. Nakitang kong napalunok si Hideo at tumango sa akin.

Ganoon nga ang ginawa ko. Naligo ako sa halos kalating oras dahil sa lagkit nararamdaman ko. Dahil na rin siguro sa biyahe. Naisip ko bigla. Hindi ko pa natatanong si Hideo kung bakit biglaan kaming nag out of town. Ni hindi man lang niya ako nasabihan sa plano niyang ito.

Dala dala ko na sa loob ng cr ang buo kong bagahe para wala na akong kinakailangan. Medyo may kalakihan din ang cr ng kwarto iyon kaya okay lang na doon na din ako mag bihis.

After half an hour ay lumabas na ako ng cr at naabutan ko si Hideo na nakahiga sa isang kama at mukhang natutulog. Lumapit ako dito at tinitigan siya. Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinakatitigan ang mukha ni Hideo.

"Ang gwapo gwapo mo talaga." Hinawakan ko ang tungki ng ilong niya. Nagulat nalang ako ng bigla hinawakan ni Hideo ang kamay ko. Nagulat ako dahil gising pala siya. He open his one eye.

"Ang gwapo ko ba?" Sabi nito ng may ngiting tagumpay sa labi. Hinampos ko siya sa dibdib.

"Ang akala ko tulog ka!!" Sabi ko. Tumayo ako sa pag kakaupo ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa nangyari. Bumangon si Hideo sa pag kakahiga habang tumatawa.

"Thanks for the compliment, Celine Anne" kinindatan ako nito ng sabihin niya iyon. Kainis ang isang to!

"You heard me wrong!" Pag kakaila ko pa. Nilapitan ako nito at saka pinulupot ang braso niya sa bewang ko. Hinapit ako nito kaya naman ramdam ko ang hininga niya sa noo ko. Kapag nag angat ako ng ulo ay mahahalikan ko na siya. Kainis, bakit ba biglang ang init dito kahit naka bukas naman ang aircon. Naramdaman ko ang pag halik ni Hideo sa noo ko. Marahan at parang ingat na ingat siya. Pagkatapos niyon ay inilayo na niya ako ulit sa kanya.

"Maliligo lang din ako. Pag katapos ay baba na tayo para kumain, okay?" Sabi niya sa kin. Tumango naman ako sa kanya.

Nag hintay ako kay Hideo. Binuksan ko ang tv na nandoon para malibang naman ako habang nag hihintay. Mga ilang minuto na rin ang nakakaraan ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng cr. At halos dumulak ang dalawa kong mata ng lumabas si Hideo nang tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa katawan niya.

Taming The Arrogant Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon