"G come back here! Wag mo kong tatalikuran kinakausap pa kita!" Pagkasabing pagkasabi nun ng isang ginang ay bumalik naman agad si G sa lamesa.
"Ma, please. Ayoko ng pumasok sa school. Wala naman akong mapapala dun. At tsaka wala na si Gin." Walang ganang sabi ni G habang bagsak ang mga balikat na nakaupo sa hapagkainan at nilalaro ang pagkain ng tinidor.
"Ano bang nangyayari sayo anak? Simula nung mamatay ang kakambal mo, nawalan ka na rin ng buhay. Tingin mo ba magiging masaya si Gin pag nakita ka nyang ganyan? Anak. . .wala na ang kapatid mo and as much as I want him to stay and fight, naaawa na rin ako sa kapatid mo. Pagod na sya anak. Your twin brother was sick simula pa nung bata sya. And I saw him fight kasi ayaw nya tayong iwan pero anak di pwedeng selfish tayo. Yes inaamin ko namimiss ko sya araw araw and napakasakit mawalan ng anak. Umiiyak ako every night kasi sinisisi ko sarili ko kung bakit nawala si Gin. Pero anak Gin wanted you to live and be happy again. I know Gin wanted you to continue playing baseball kasi yun ang pangarap nyo. Kaya please naman anak tuparin mo yun para sa kapatid mo." Sabi ng mama ni G habang hawak ang isang kamay nya. Naluha naman si G at medyo natauhan sa sinabi ng mahal nyang ina.
Sa school. . .
"Welcome to Randell Ramirez University! I hope you will enjoy your stay!" Bati ng current president ng student council kila G, Chynns, at Angge nung papasok sila ng school.
"Uy De Castro! Buti napapayag ka ni Tita Glenda na pumasok this school year. Ano nakain mo at bigla atang nagbago isip mo?" Sabi ni Angge sabay nguya ng bubblegum habang nakaakbay kay Chynns.
"Nakonsensya ako mga tsong. Naawa ako kay mama. I know she's hurting na nakikita akong ganito. Kaya I'll try na maging masaya kahit mahirap." Malungkot na sabi ni G. Tinapik naman sya sa bakikat ni Chynns.
"Throw your bubblegum in the trash bin after, okay?" Sabi ng isang matanda na nakasmile pa habang nakatingin kay Angge.
"Yes Miss Mildred" Nagsmile back naman si Angge.
"Ang bait talaga ni Miss Mildred noh? Buti pa sya alam kung pano i-handle ang mga students di gaya ng isang yun." Turo ni Angge sa isang nakabusangot na lalaki na nasa early 40s.
"Ahhh si Mr. Ramirez. Oo nga! Ayoko din sa kanya masyado syang mayabang at matapobre. Mayaman nga pero pangit naman ang ugali." Dagdag ni Chynns na nakakunot na ang kilay.
"Bakit? Sino ba sya?" Inosenteng tanong ni G sa dalawa.
"Sya si Mr. Randell Ramirez Jr. May-ari ng school na to. Tatay nya nagpatayo ng school na to. Minana lang nya." Simple at diretsong sagot ni Angge. Tumango tango naman si Chynns bilang pagsang-ayon.
Nagpatuloy sa paglalakad ang magkakaibigan. Nag-uusap lang ang mga ito at minsan nagtatawanan hanggang sa may nakabangga kay G.
"Watch it moron!!!" Sabi ng babaeng nakabangga kay G habang pinupulot ang mga dalang gamit. Tinulungan naman sya ni G at pinulot ang isang libro tsaka binigay sa babae. Di nagsalita si G at parang wala lang sa kanya na tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Di din nya tiningnan ang babaeng nakabangga. Si Angge naman nagsalubong na ang kilay sa inis. Buti nalang pinigilan sya ni Chynns.
"Gago yun ah! Sya na nga nakabangga sya pa galit!!! Maganda sana kaso pangit ng ugali!!! Kakairita!!!" Inis na sabi ni Angge sa mga kaibigan.
"Angge, chill ka lang. Hayaan mo na. Di naman ako nasaktan eh. Ang mabuti pa tumambay nalang tayo sa canteen." Walang buhay na sabi ni G.
Habang naglalakad sila, bigla may tumawag sa kanila.
"Hoy!!! Hoy humarap ka kinakausap kita!!!" Sabi ng isang tibo na may nakalagay na Ramirez sa kanang dibdib ng damit nya.
"Bakit?!!! Ba't ka nagsisisigaw jan?!" Maangas na sagot ni Angge nung makita nyang sila ang tinutukoy ng tibo.
"Yang kaibigan mo kinakausap ko! Hindi ikaw kaya tumahimik ka kung ayaw mong madamay! (Nabigla si Angge na may kumausap sa kanya ng ganun kaya di sya nakaimik agad) Hoy ikaw! (Turo kay G) Kung sino ka man, anong ginawa mo sa girlfriend ko?!!! Sumagot ka kung ayaw mong sipain ko pagmumukha mo!!!" Galit na galit na sabi ng tibo.
"Binangga nya ko at sinabihang moron. Pinulot ko libro nya at naglakad palayo. May problema ba?" Diretso at walang ganang sagot ni G.
"Ikaw! Ikaw ang problema! Di ko gusto yang pagmumukha mo kaya sa susunod na makasalubong kita, pasensyahan tayo!!!" Mayabang na sabi ng tibo kay G.
"Di tayo nagkasalubong. Ikaw ang humabol samin. Tsaka hindi kita kilala at wala akong planong kilalanin ka. Kaya di mangyayari yang sinasabi mong "magkakasalubong" tayo ulit. Kung wala ka ng sasabihin, aalis na kami at nag-aaksaya ka lang sa oras namin." Prangkang sabi ni G bago tumalikod. Sinundan naman sya nina Chynns at Angge.
"Tatandaan ko yan De Castro! Siguraduhin mo lang!!!" Sigaw ng tibo na nakita palang may nakasulat sa likod ng shirt ni G na "De Castro".
Naglalakad sila patungong canteen at pinag-uusapan ang nangyari.
"Ang yabang talaga ng Ramirez na yun! Sarap sapakin! May pinagmanahan nga talaga!" Inis na sabi ni Angge.
"Bakit sino ba yun?" Tanong ni G.
"Yun si Kai Ramirez. Pinakasikat na athlete ng school. Anak sya ni Mr. Randell Ramirez Jr. yung may-ari nitong school. Yung kasama nya kanina yung binangga mo, jowa nya yun. Si Rhi Ramos. Tinaguriang "The Running Goddess" ng school na to. Athlete din yun. Varsity din. Ang ganda noh? Actually tsong bagay kayo." Nakangiting sabi ni Chynns at siniko siko pa si G.
"Hay naku tigilan mo ko Chynns. Di ko nga nakita mukha eh tsaka wala akong planong makipagkilala. Ang mabuti pa umuwi nalang tayo. Tinatamad nako pumasok eh." Mabilis na naglakad si G papalayo. Sinundan naman sya nina Chynns at Angge. Imbis na pumunta sila ng canteen ay umuwi nalang sila kahit kakapasok lang nila ng school ng umagang iyon.
_________________________________________________
Author's Note:
Hello mga tsong! Kumusta tong chapter na to? I hope nagustuhan nyo. See you next chapter. Thanks for reading.
- Tsong J
YOU ARE READING
RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]
FanfictionSTORY TEASER: This is a RaStro love story with a touch of sports. Baseball to be exact. Hope you will like it.