"Klarisse. . .(pabulong na sabi habang nakatingin sa babaeng papalapit) a-anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ni Clay sa babae. Nasa labas ito ng mansion ng mga De Castro at inaayos ang mga dadalhin ni Glenda sa kotse. Si Clay ang maghahatid sa ginang pa opisina.
"Hi Clay. . .or should I say hi honey. I missed you." Lalapit sana at hahalik ang babae ngunit pinigilan ito ni Clay.
"Umalis ka na! Bago ka pa kaladkarin ni Tita kapag nakita ka nya dito!" Pabulong ngunit madiin at may halong galit na sabi ni Clay.
"Ohhh you make me fall in love with you even more hon. Ang cute mo kasi kapag nagagalit eh. Wala ka pa rin pinagbago. So gwapo." Sabi ni Klarisse sabay hawak sa dibdib at kagat sa labi.
"Anyway, pumunta lang naman ako dito para kamustahin ka. Masama ba yun? Masama bang kumustahin ang pinakamamahal ko?" Lumapit ulit si Klarisse at ipinulupot ang dalawang kamay sa leeg ni Clay. Pilit itong tinatanggal ng huli.
Sa di kalayuan, kakababa lang din ni Wayne ng taxi para bisitahin sana ang mga De Castro. Tanaw na tanaw nya sina Clay at Klarisse na nasa ganung posisyon. Puno ng pagtatakang sumakay ulit sa taxi si Wayne.
"Klarisse. . ." Tanging nasabi ni Clay habang iniiwas ang labi sa pilit na paghalik ni Klarisse. Di naman nabigo ang huli ng tagumpay nyang mahalikan si Clay. Kitang kita naman iyon ni Wayne na nasa di kalayuan.
"Tara na Manong. Umalis na tayo dito!" May halong galit na nasabi ni Wayne sa taxi driver.
"ANO BA?! WHY DID YOU DO THAT?!" Galit na sabi ni Clay matapos makawala sa pilit na paghalik ni Klarisse.
"DO WHAT?"
"ANG SABI KO UMALIS KA NA! UMALIS KA NA! TAPOS NA TAYO! WALA NG NAMAMAGITAN SATIN! MATAGAL NG TAPOS! NAPUTOL NA NUNG IPINAGPALIT MO KO SA IBA! LALO NA NUNG MALAMAN KO KUNG GANO KAITIM YANG BUDHI MO! KAYA WAG KA NG UMASA NA MAGKAKABALIKAN PA TAYO! DI NA KITA MAHAL! KUNG AKO SAYO UMALIS KA NA AT WAG KA NG BABALIK PA! UMALIS KA NA BAGO PA KO DI MAKAPAGPIGIL! DON'T TEST MY PATIENCE KLARISSE! YOU KNOW WHAT I CAN DO!"
"Oo na oo na! Aalis na! Just want you to know that the intrams is in 3 days. Kung ako sa inyo wag na kayong maghanda. Matatalo din naman kayo! Tsss" Tumalikod na si Klarisse at nagsimula ng maglakad papalayo.
"What?! Wtf! Di pa fully recovered ang mga kagrupo ko! Sabihin mo jan sa magaling mong tatay na wag syang madaya!" Tinawanan lang sya ng babae bago sumakay sa kotse.
"Clay? Clay anak, may kausap ka ba?" Kakalabas lang ni Glenda bitbit ang iba pa nyang dadalhin. Patakbo namang lumapit si Clay sa kanya para kunin ang mga bitbit nito.
"Ahhh wala po Tita. Wala po yun. Nagtatanong lang po ng direksyon."
"Ahhh o sya sige tayo na baka malate pa ko sa work."
Pagkatapos maihatid ni Clay ang ginang ay umuwi na sya agad para sabihin sa mga kagrupo nya ang balita. Pagdating na pagdating nya ay nandoon na ang lahat sa sala maliban kay G, Glenda at Greg. Tila lungkot, galit, o pagtataka ang makikita sa bawat isa.
"San ka galing?" Pasigaw na pagsisimula ni Top. Nagulat naman si Clay sa inasal ng kaibigan.
"Teka teka watch your tone Bro! Bakit may atraso ba ko sayo at ganyan pananalita mo?"
"Oo may atraso ka samin. Sinungaling ka, traydor ka." Malamig na sagot ni Wayne. Ikwinento nya lahat lahat sa mga kaibigan ang nakita nya.
"It's not what you think! Wala na kami ni Klarisse, matagal na! Hiniwalayan ko sya nung ipinagpalit nya ko sa iba! At lalo na nung nalaman ko na masama syang tao. Please hear me out. Hinding hindi ko kayo tatraydorin tulad ng iniisip nyo. Di ko kayang gawin yun sa pamilyang itinuring akong kapamilya. Di ko kayang gawin yun kila Tito Greg at Tita Glenda lalo na sa kinikilala kong kapatid na si G. Di ko kayo kayang traydorin kasi kayo nalang ang meron ako. Please paniwalaan nyo ko." Pagmamakaawa ni Clay sabay punas sa di matigil na pagtulo ng luha.
"At naniniwala ako sayo Big Bro. I know you. Di man kita kadugo pero sa puso ko kapatid kita at kilala kita." Si G na kakababa lang galing sa kwarto nya. Dali dali namang lumapit si Rhi para alalayan ang huli.
Hindi na napigilan ni Clay ang umiyak.
"Please forgive me kung di ko sinabi agad. Ayoko lang na malaman nyo pa kasi wala naman na talaga. Wala na. Matagal ko ng tinapos ang lahat samin. Sya lang tong mapilit makipagbalikan. Please paniwalaan nyo naman ako."
"Kung wala na talagang kayo, bakit mo sya hinalikan?" Si Wayne na halatang di pa rin naniniwala.
"Ginagago mo lang ata kami eh!" Si Top na galit na galit pa rin.
"Guys, let's hear her out. I know Big Bro won't do stupid things like that. I know may explanation kung bakit nangyari yung bagay na yun." Sabat ni Rhi habang nakaalalay pa rin kay G.
"Di ko hinalikan si Klarisse. Sya ang pilit na hinalikan ako. At kung nakita mo sana (tingin kay Wayne), itinulak ko sya papalayo at pinaalis. I don't love her anymore. Matagal na. Matagal ng tapos lahat samin. At kung hindi yun malinaw sa kanya, wala na kong magagawa dun. Please paniwalaan nyo naman ako."
"Naniniwala ako sayo Big Bro. Di mo kailangan magmakaawa. Yes nagkamali ka sa hindi pagsasabi samin tungkol sa nakaraan nyo ni Klarisse but past is past. We can't do anything about that." Si G na nakangiti cheering her Big Bro up.
"That's right. Ang importante alam na namin ang totoo and I also believe you, Big Bro. I know you're a good person." Nakangiting sabi ni Rhi.
"Kami din. Naniniwala kami sayo, Anak." Si Glenda at Greg na sweet na sweet pang magkaakbay papalapit sa sala. Napaiyak nalang na lumapit si Clay sa mag-asawa para yumakap.
Detalye pang ikwinento ni Clay ang nakaraan nila ni Klarisse. Di nagtagal naintindihan din ng lahat at naunawaan. Nagkapatawaran at masaya din silang nagsalo salo ng hapunan.
_________________________________________________
Author's Note:
What's up mga tsong? Whew long time no update. Sensya na ha. Sobrang busy lang. Di kasi ako makakuha ng inspiration. Ngayon lang ako nakakuha ng oras na di ako masyadong pagod. Kumusta kayo? Merry Christmas pala sa inyo. Advance Happy New Year na rin. Sobrang thank you sa lahat na sumusuporta at nagbabasa pa rin sa mga unfinished stories ko pati na rin sa mga completed stories. Maraming salamat. I know may 2 stories pa kong di natatapos. And tatapusin ko lang tong TLS before ko icontinue yung FE404. Namimiss ko na din yung takbo ng story na yun. Anyway, again thank you so much sa lahat ng sumusuporta at nagfollow sakin. Sagwan pa rin tayo! Umulan, bumagyo, RaStro pa rin! Let me know you're thoughts below. And don't forget to vote for this chapter. Thank you guys! 👊
- Tsong J
![](https://img.wattpad.com/cover/154443862-288-k593855.jpg)
YOU ARE READING
RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]
Fiksi PenggemarSTORY TEASER: This is a RaStro love story with a touch of sports. Baseball to be exact. Hope you will like it.