TLS 5: First Teammate

1.7K 78 10
                                    

Tulad nga ng sabi ng mga magulang ni G ay doon na naglunch ang mga bagets. Si Rhi naman ay umalis na after lunch. Gusto pa sana nya magstay pero galit na galit na tumawag si Kai at hinahanap sya. Nagdahilan nalang sya at di nya sinabi na nasa bahay sya ng mga De Castro kasi siguradong mas pag-iinitan ni Kai sila G.

Kinahapunan napag-usapan nila ang tryouts at naalala din nila na ngayong araw na yun gaganapin. Di naman sila papayag na di makakasama sa team ng department nila kaya gumawa ng paraan si Chynns. May ilang kakilala din syang tinawagan. Ilang saglit pa ay nakakuha na sya ng impormasyon.

"Tsong, ano uunahin ko bad news o good news?"

"Good news na muna. Di naman siguro ganun ka bad ang bad news mo diba? Hahaha" Pabirong sabi ni G.

"Okay sige. The good news is pwede pa tayo magtry out kahit kelan natin gustuhin. Kaya pwede ka pang makapagpagaling bago sumabak." Paliwanag ni Chynns.

"Eh ano yung bad news?" Curious na tanong ni Angge.

"Parang may idea na ko kung ano yang bad news mo Aya Chynns. Wag naman sana." Naiiling na sabi ni Gyn.

"The bad news is walang team."

"Ha?" Si G.

"Hano daw? Haru jusko bingi na ata ako! Tama ba yung narinig ko? Walang team?! Anong walang team Ortaleza?" Si Angge na nahulog ang isusubo sanang cake sa gulat.

"Sabi na eh." Si Gyn.

"Teka teka linawin mo nga tsong. Di ko maintindihan eh." Si G na nakakunot na ang noo.

"Diba good news pwede tayo magtry out kahit kelan daw natin gusto? Kasi wala ngang team ngayon ang department. Nagresign na yung president ng baseball team ng department natin kasi wala namang players na gustong sumali at kung meron man, pinapahiya lang ng grupo ni Kai sa field. Wala din daw kasing coach yung department natin simula nung gumraduate yung player-coach na si Clay 4 years ago. Kaya kung sasali daw tayo, we'll start from scratch talaga."

"Ahh ganun lang naman pala eh." Simpleng sabi ni Angge na nagpatuloy na sa pagkain ng cake.

"Oh ba't parang di ka worried Angge? Hello! Magsastart po tayo from scratch and the intrams is in 2 weeks!" Si Chynns.

"What?" Si G. Nalulon naman bigla ni Angge ang kakasubo pa lang na cake.

"HA?!!! BA'T NGAYON MO LANG SINABI?! TARA NA TRYOUTS NA TAYO! (Nagpause bigla si Angge halatang nagmamadali kanina) Or should I say MAGPAPA-TRYOUTS???" Natawa nalang ang lahat sa sinabi nya.

After 2 days, magaling na si G. May bugbog pa sa sikmura nya pero okay na sya. Sa loob din ng dalawang araw na yun ay walang tigil ang pangungumusta ni Rhi kay G through Angge and Chynns.

Papunta na sila Chynns at Angge sa school. Si G nama'y paalis na din ng bahay.

*1 message received

From: Rhi

"Hi Chynns. Papasok na ba kayo ng school today? Si G okay na ba? Masakit pa ba bugbog nya? If yes, what can I do to help? Text mo nalang ako please pag may nangyari sa kanya ulit Chynns."

End of Text Message

"Ge, tingnan mo to si Rhi and sweet kay tsong. Hehehe bet ko may gusto to kay tsong eh. Pupusta ka?"

"Baliw! Syempre alam ko yun noh! Tinititigan nga nya si G nung naglalunch tayo kila Tita nung isang araw eh. Yiiieeee kinikilig tuloy ako. Ang lupet talaga nyang si De Castro eh noh? Tsk tsk tsk. (biglang may naisip) Ah alam ko na! Akin na phone mo Chynns."

"Bakit? Anong gagawin mo?"

"Wait lang may gagawin lang ako saglit. Kung gusto mo tumingin ka." Sinilip ni Chynns ang tinatype ni Angge sa phone nya.

RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]Where stories live. Discover now