TLS 16: Negotiation

1.3K 68 5
                                    

"Di ko mapapalagpas ang ginawa ng grupo ng anak mo sa anak ko. Magsasampa kami ng kaso. Kilala mo kami Ramirez! Kilala mo ko! Alam mo kung anong kaya kong gawin. Di ko hahayaang gawin ng anak mo sa anak ko ang ginawa mo sakin at sa asawa ko noon." Si Greg na nagpipigil sa galit.

"C'mon De Castro. Hanggang ngayon ba naman issue pa rin sayo ang nakaraan? 2018 na oh move on na. Kung ako sayo kalimutan na natin ang nakaraan. Let's settle the present issue. Kung ak--"

"Wag mo kong lecturan! Wala akong pakialam sa opinion mo. Pasalamat ka kinampihan ka ng korte nung binugbog mo ang asawa ko tulad ng ginawa ng anak mo sa magiging daughter-in-law ko. At pasalamat ka nalang pinakiusapan ako ng asawa ko na wag ng magsampa ulit ng kaso laban sayong hayup ka! Dahil kung hindi nabubulok ka na sana sa kulungan ngayon!"

"Easy, De Castro. Di ako naghahanap ng gulo. I know mali yung ginawa ko sa asawa mo na girlfriend ko noon pero inagaw mo. Pero so much of the past, wala na sakin yun. Ang concern ko lang ngayon ay ang magiging effect ng issueng kinasangkutan ng anak ko sa mga businesses ko."

"Di ka pa rin nagbabago Ramirez. Pera at pera pa rin ang importante sayo. Kawawa mga anak mo di magandang ihemplo ang tatay nila."

"It's just pure business De Castro. And besides sa kanila din naman mapupunta lahat ng mga pinaghirapan ko. So kung tutuusin maswerte pa rin sila. Anyway, back to the issue, so. . .I have a proposal. Wag na natin ipaabot pa sa korte ang issue na to. Let's settle this between us. Ayoko rin naman na makita ko pa kayong mga De Castro dito sa Pinas kaya I'm suggesting na ituloy ang baseball game ng mga anak natin sa intrams. Whoever wins, may consequence sa loser. Naalala mo tulad ng dati? (natatawa) Kaya ka nga napilitang lumipat ng Canada because you lost in our game. So. . .why not replicate this sa situation ng mga anak natin?"

"What do you mean?" Kumunot ang noo ni Greg sa sinabi ni Randell.

"If Kai's team wins, you'll leave the Philippines for good. And don't ever come back. Nagkamali na ko noon nung sinabi kong 5 years lang na di kayo pwedeng tumuntong ng Pinas. But now, I will not make the same mistake again De Castro. I don't want our paths to cross ever again. Wag kang mag-alala, I'll move the intrams kung kelan fully recovered na ang anak mo at ang mga kagrupo nya. Baka sabihin mo na naman madaya ako."

"If we win?"

"Hahaha it's not gonna happen. Tinalo na kita noon. Sisiguraduhin kong tatalunin ng anak ko ang anak mo. Pero sige for formality sake, if your daughter's team wins, you can stay here for good without me bothering you."

"Is that so? Obviously, lugi kami. C'mon Ramirez give me a good proposal kung ayaw mong idemanda kita for being a negligent administrator ng school!"

"W-Wait. Alright fine. What if. . .you can stay here in Pinas AND your daughter can also stay in my school without Kai bothering her."

"Hahaha hanggang ngayon ba naman takot ka pa ring matalo? Diba sabi mo di mananalo ang anak ko sa anak mo? Why so coward? (naiiling si Greg habang si Randell naman ay nagsisimula ng mainis) What if kung mananalo kami, ikaw ang aalis ng Pinas kasama ang pamilya mo. Ipapasara mo lahat ng businesses mo dito at lilipat ka abroad. I don't want to see your face either. How's that? Sounds great diba?"

"Teka paran---"

"Kung ayaw mo, tuloy ang demanda!"

"Alright fine deal."

Pagkatapos mag-usap ay unang umalis si Greg. Naiwang nakatulala si Randell sa restaurant.

"Damn it!" Nasabi nalang ni Randell sa sarili.

Sa hospital. . .

Nagising na sina Angge at Chynns. Nadischarge na din si Gyn sa hospital at napalitan na rin ang basag nyang artificial leg. Nalaman na din ng lahat ang pambubugbog na sinapit ng tatlo sa kamay ng mga tauhan ni Klarisse.

RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]Where stories live. Discover now