TLS 23: Stressed Future Wife

1.6K 63 12
                                    

Makalipas ng 5 taon, naunang nag asawa si Chynns. Isang napakagandang Australian model ang napangasawa nito at nagpaplano na din silang magkababy. Si Angge nama'y sa wakas may mag-aanim na buwang Filipino-Italian boyfriend na na si Nate. Nakilala nya ito sa isang sikat na resto at dun na nagsimula ang lovestory nila. Yung iba nama'y may sarisarili ng negosyo at career na tinatahak gaya ni Gabbi na naging chemist matapos mawater poisoned dati at Abby na may mga franchise na rin ng water business nya. Si Wayne at Top nama'y tandem na nagtuturo ng baseball sa isang respetadong skwelahan at may gym na rin. Si Gyn ay nagtapos ng medicine at katulong na ngayon ng mga De Castro sa foundation nila na tumutulong sa mga disabled children. Si Clay nama'y President na ngayon ng Agri Business na funded ng mga De Castro. Sinagot na din nito ang isang sexyng businesswoman na ilang years ng nanunuyo sa kanya. Si G nama'y isa ng sikat na photographer at videographer. May sarili na din itong kompanya. Si Rhi ay isa na ngayong well known chef and syang head chef ng bagong bukas na resto ng mga De Castro. Student nya din ang mama ni G na si Glenda.

Samantala. . .

"Guys, need help." Group call ni Rhi sa mga kagrupo nila.

"Yes Rhirhi why?" Sabi ni Angge habang naglalagay ng moisturizer sa mukha. Kasama nito ang kanyang jowa.

"I need to propose to G."

"Bakit naman biglaan Rhi? May problema ba? Teka san ka ba? At bakit ka nakatalukbong? May pinagtataguan ka ba?" Si Chynns na parang natatawatawa pa.

"Hindi kasi ganito yun. Andito ako ngayon malapit sa bagong bukas na studio ni G. May photoshoot kasi sya ngayon. At ang daming magagandang models na nakapalibot sa kanya ngayon guys! Kanina ko pa napapansin andaming nagpapacute sa G ko! My God ang sarap pagsasampalin!"

"Hahahaha stalker lang Rhi? Jusko sissy diba sabi ko wag kang papatalbog sa mga yan? Nakalimutan mo na ba motto natin?" Nakangiting tanong ni Angge.

Di napansin ni Rhi na nakita pala sya ni G sa di kalayuan. Alam na alam nya ang hubog ng katawan nito kahit pa nakatalukbong ang mukha nito at nakatalikod. Nilapitan nya ito. Patuloy pa rin ang pakikipag-usap ni Rhi sa mga kaibigan at di nya namalayan na nasa likod na pala nya ang kasintahan.

"So anong gagawin ko eh nagsiselos talaga ako sa mga impaktitang kasama nya ngayon sa shoot nya!"

"Awww sweet naman ng mahal ko." Nakangiting bulong ni G sa tenga ni Rhi. Nagulat naman ang huli.

"Ayuuun huli! Jan na nga kayo! Mag-usap muna kayo! Babush na muna!" Pagpapaalam ni Angge. Nagpaalam na din ang iba pa nilang kaibigan.

"Hey, why are you wearing that? Hmm?" Malumanay na tanong ni G habang hinuhubad ng marahan ang talukbong ni Rhi.

"Coz I want to know kung sino ang nanglalandi sayo. I'm. . .I'm sorry. . .I just love you so much." Yumuko si Rhi sa hiya. G cupped her face and kissed her lips.

"It's okay Love. It's fine. Wag na ikaw sad. Lika papakilala kita sa mga models ko." Nakangiting sagot ni G.

"Ladies please listen up. This is my fiancée, Rhi Ramos. She will be my wife very soon." Masayang balita ni G. Nagulat naman si Rhi sa inanunsyo ni G.

Pagkauwi nila sa bahay, napahiga si G sa pagod.

"Love. . .ano nga pala yung kanina? Are we already engaged?" Tanong ni Rhi habang hinuhubad ang earrings nya bago tumabi kay G sa higaan. Yumakap ito kay G. Kinulong naman sya ng huli sa mga braso nito.

"Why Love? Ayaw mo po ba?"

"Di naman sa ganun Love. Nagulat lang po ako. Coz I planned sana to propose to you kasi nakita kong andaming lumalandi sayo. Mahirap na baka maagaw ka pa ng iba."

"Awww you really are the sweetest Love. Actually I already made the invitations and all. Ipinaayos ko na po lahat lahat. Wala ka na po dapat ipag-alala kasi ganun din po ako kaparanoid when it comes to you. Ayoko ding nilalandi ka ng iba kasi akin lang po ikaw mahal." Hinalikan ni G si Rhi sa noo. Kahit sobrang gulat ni Rhi sa nalaman ay masaya ito sa balita. Naiexcite na itong malaman ang detalye ng kasal kaya bumangon ito at napaupo.

"Love tell me the details please." Parang batang namimilog ang mata ni Rhi sa sobrang pagkaexcite. Bumangon na din si G at masayang sinabayan ang mood ni Rhi.

"Hmmm. . .I don't know much Love eh kasi sila Mama and Dad yung naghands on talaga. But I know fairy tale yung theme. Rainbow yung motif so our bridesmaids will be wearing different colors ng dress depende sa gusto nila. Balita ko si Angge she will be wearing a shining red dress, shining yellow dress naman yung kay Gabbi then pink kay Abby, green naman kay Gyn. Chynns will be wearing a prince-like blue tuxedo, black naman kay Big Bro, di ko pa alam yung colors ng tuxedo ni Wayne and Top." Kwento ni G. Amazed na amazed naman si Rhi sa narinig.

"Tell me more Love. Pliiiith."

"Nakuuu dinadaan mo ko sa pagpapacute mo eh. Alam mo namang di ko yan natitiis eh. Okay sige what do you want to know?"

"Hehehe hmmm kelan pala yung date ng kasal natin Love?" Nahiga muna si G bago sumagot.

"Bukas."

"WHAT?!!!"

"Kaya mabuti pang matulog na tayo at maaga pa tayo bukas sa kasal natin."

"Nakakainis ka Love!!! Gumising ka Love!!! Pano ako makakatulog nito?!!! How the hell do you expect me to sleep?!!! Arggghhh"

FINALE

_________________________________________________

Author's Note:

Hi mga tsong! Thank you so much sa lahat ng sumuporta ng kwentong to! Whew natapos din natin! Sana naenjoy nyo yung story na to. By the way may ilalabas akong bagong story. Nasimulan ko na sya but di ko pa pinapublish. Hopefully suportahan nyo din yun. Salamat guys. Also, sa lahat ng nag-aabang ng update ng FE404, tinatapos ko pa po sya. Ipapublish ko ng sabay sabay para ayos na sya. Thank you again. See you sa mga next stories ko. Adios!

Stay awesome! Peace! 👊

- Tsong J

RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]Where stories live. Discover now