Pagkaalis ng pagkaalis din nila Kai ay umuwi na din sila G kasama sila Clay at dalawa pa nyang kasama.
De Castro's House
"Hi ma. Hi pa." Bumeso si G kay Glenda at Greg.
"Oh G, anak, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Tanong ni Greg na nakahawak pa sa pisngi ni G na nagbaba ng tingin.
"Baby, what's wrong?" Sabi ni Glenda at niyakap ang anak.
"Eh kasi po tita nanggulo na naman yung Kai dun sa tryouts ng department namin!" Sumbong ni Angge.
"Gago yun ah! Asan bahay nun at susugurin ko!" Sabi ni Greg at sinusuntok pa sa palad ang kamao.
"Dad naman! Tinuturuan mo pang maging bayolente tong mga bata! Anyway, (nakita ang pasa ni Chynns sa mukha) WHAT THE HECK DID THAT MORON DID TO YOU ANAK?! Dad, nagbago isip ko. Kunin mo yung itak at tatagain ko yung gumawa nito sa mga babies ko!" Sabi ni Glenda pero pinigilan sya ni Chynns.
"Wag na po tita. Okay lang naman po ako eh! At tsaka mas madami pong bugbog tinamo nung pinagsusuntok ko so nakaganti din po ko." Sabi ni Chynns at ngumiti.
"Okay sige. Halina sa loob at magmeryienda na muna kayo. Chynns, anak, gamutin natin yang bugbog mo. Tara na sige na pasok na. Teka. . .asan ang future daughter-in-law ko? Ba't di nyo kasama?"
"Kasi po tita sapilitan po syang kinuha ni Kai eh. Pinagselos nga po si De Castro kaya ayan nakabusangot." Si Angge na naman.
"Di bale anak mapapasayo din si Rhi okay? Smile ka na for mama please." Ngumiti nalang ng kaunti si G para sa ina.
"Tito, Tita, by the way may kasama po kami." Nagulat sina Greg at Glenda ng makita kung sino ang bisita.
"Claaaaay, sweetie, how are you? Long time no see anak. Kumusta ka na?" Si Glenda.
"Titaaa! Hello po. Nice to see you. You look great pa rin po as always." Si Clay na nagbeso at yumakap pa kay Glenda.
"Tito! Kumusta po?" Nakipagkamay si Clay at yumakap na din kay Greg.
Nagkamustahan pa sila bago pumasok sa bahay. Nagmeryienda sila at nagkwentuhan. Napag-alaman ng magkakaibigan na si G at Clay pala ay pareho ng fraternity group. May tattoo din ito sa batok na natatabunan lang ng mahaba nyang buhok. Naging close sya sa mga magulang ni G nung sa bahay sya ng mga De Castro tumira nung pinalayas sya ng mga tiyahin nya nung bata pa sya. Bata pa lang ay ulila na ito at nakikitira lang sa mga dalagang kapatid ng papa nya. Pero nung maghahigh school na si G ay umalis ang pamilya De Castro patungong Canada at nagdesisyong pansamantalang tumira doon. Nagpaiwan naman si Clay sa Pinas. Pero sobrang naging pasaway tong si G kaya nagdesisyon ang parents nyang umuwi ng Pinas. Sumama din ang mga bestfriends nyang sina Chynns at Angge. Sumali tong si G sa isang fraternity na di alam ng mga magulang at kaibigan nya. Dun ulit niya nakita si Clay pero di sila nagkausap.
Mayamaya pa'y nagpaalam na si Clay at ang mga kasama nyang sina Wayne at Top na mga tibo rin.
Kinabukasan sa school. . .
Nasa diamond ngayon sina G, Chynns, Angge, at Gyn. Naghihintay sila ng magtatryouts. Second day na nila ngayon sa diamond pero wala pa niisang sumasali maliban kay Gyn. Busy ang tatlo kakatawag sa phone nila ng pwedeng sumali sa team pero si G ay iba ang kinabibusyhan.
"Please Rhi magreply ka naman." Sabi ni G sa sarili. Kahapon pa sya text ng text kay Rhi pero hindi ito nagrireply. After nung nangyari sa field ay hindi na ito macontact.
"Tsong, meron na kong mga nacontact na sasali sa team natin." Si Chynns.
"Ako din Idol G may isa akong nacontact." Si Gyn.
"Ako din meron na. And I'm sure may mapipili naman siguro tayo sa kanila." Si Angge.
Parang walang narinig si G at patuloy sa pagsisend ng message kay Rhi. Tinatawagan din nya ito pero di ito macontact.
"Hoy De Castro! Si Rhi na naman yan noh? Di mo pa rin macontact?" Si Angge.
"Oo eh. Kahapon ko pa tinatawagan at tinitext wala pa rin. Nag-aalala nako baka kung ano na ginawa sa kanya ng gagong Kai na yun."
"Don't worry Idol G ako na pong bahala. May mga friends po ako na pwedeng makatulong. Tawagan ko lang po saglit." Si Gyn.
"Sige. Salamat Gyn."
Mayamaya pa'y dumating na ang mga magsisipagtryouts. Unang dumating sina Clay, Wayne at Top na inimbita pala ni Angge. Si Clay ay bumisita lang at sinamahan sina Wayne at Top na syang magtatryouts. Ilang minuto pa ay dumating na din ang dalawang inimbita ni Chynns, sina Klea at Gabbi. Huling dumating ang inimbitahan ni Gyn na si Abby.
Nagsimula ng magpatryouts sina Angge at Chynns. Tumulong na din ang dating player-coach na si Clay. Habang naglalaro ang iba ay busy pa rin si G kakacontact kay Rhi. Si Gyn nama'y kausap ang isang kakilala na alam daw kung saan si Rhi ngayon.
"Idol G, nakita na po si Achi Ganda!" Si Gyn.
"Saan? Saan daw?" Napatayo si G sa kinauupuan.
"Sa may bench nakaupo dun sa likod ng building ng Red Viper (another department). . .umiiyak daw po." Malungkot na sabi ni Gyn.
"Sige Gyn salamat. Sige practice ka na din kasama nila. Puntahan ko lang si Rhi. Guys! Puntahan ko lang si Rhi ha! Balik ako kaagad!" Si G na nagmamadali at patakbong lumabas ng diamond.
Ilang minuto pa ay natanaw na ni G si Rhi na nakaupo pa rin sa bench. Dahan dahan nya itong nilapitan.
"Rhi?"
Nagulat si Rhi ng may tumawag sa kanya pero kilala nya kung sino kaya di nya ito nilingon.
"Rhi? Okay ka lang ba? Di kita macontact simula pa kahapon ah. Ayos ka lang ba? May problema ba?"
"Wala G. Walang problema. I just want to be alone. Okay lang ba?" Sabi ni Rhi sa malungkot na boses. Pero akala nya aalis na si G pero nagulat sya ng umikot ito at humarap sa kanya. Pero nung makita ni G si Rhi ay ito pa ang nagulat. Nanlumo ito sa nakita.
"S-Sinong g-gumawa sayo nito? Ha? Sino Rhi? Si Kai ba? Ha? Yung gagong jowa mo ba?" Alalang sabi ni G pero napalitan din ito ng sobrang galit. Nanlilisik ang mga mata nito at nagtatagis ang mga ngipin. Napahagulgol nalang si Rhi.
_________________________________________________
Author's Note:
Zup guys! Kumusta kayo? Trabaho na ulit bukas. Sa mga studyante kong readers, wag masyadong magpupuyat at may pasok na. Sana nagustuhan nyo tong chapter na to. Naiinis ba kayo? Galit? Or anything? Share them all below. Please don't forget to vote if you liked it. Thank you for reading mga tsong. Sa uulitin. 😊👊
Stay awesome! Peace! ✌
- Tsong J
Twitter: @tsong_J
YOU ARE READING
RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]
FanfictionSTORY TEASER: This is a RaStro love story with a touch of sports. Baseball to be exact. Hope you will like it.