Makaraan ng limang araw nakalabas na rin ng ospital sina G, Angge at Chynns. Nasa bahay na sila ng mga De Castro at dun na ipagpapatuloy ang pagpapagaling. Araw araw na ring dumadalaw si Rhi kay G. Sya na din umaalalay dito at nagpapakain pati na rin sa mga kaibigan ng huli.
"Pucha naman! Sana may jowa nalang ako para may umalalay din sakin! Ang hirap hirap kasi makahanap ng jowang tapat at di hipon ang pagmumukha eh! Ang swerte mo De Castro ha dyosa jowa mo!" Si Angge na panay reklamo habang tinutulungan ni Rhi. Natawa naman ang huli sa pinagsasasabi ni Angge.
"Ang ingay mo Ge! Jowa ka jan! Di ko jowa si Rhi okay? Wag mo naman lagyan ng malisya ang pagtulong nya satin. Baka di na yan bumalik bukas eh! At tsaka hipon talaga??? Ano yun maganda katawan pero pangit mukha??? Grabe ka talaga mapanlait ka ng tao! Tagos hanggang buto!" Natatawang sagot ni G.
"Naku tigil tigilan mo ko sa pagpapabebe mo De Castro ah! Choosy ka pa eh dyosa na nga lumalapit sayo ayaw mo pa! Kapal mo!" Natatawa ding banat ni Angge.
"Uy uy tigil tigilan nyo yan at baka mag-away pa kayo! Mahiya naman kayo kay Rhi oh. Pinagsisilbihan pa tayo. Salamat Rhi ha. Kaya botong boto talaga ako dito kay Rhi para sayo Tsong." Si Chynns.
"Boto nga tayo antorpe naman ng kaibigan natin! Eh wala rin!"
"Oh oh ako na naman nakita nyo! Wag nga kasi i-push. Mamaya di na bumalik si Rhi dito pag uuntugin ko talaga kayo!"
"O sya o sya si Rhi na nga lang tatanungin namin! KJ naman nito. Di pa nga kayo sabi mo pero under ka na! Hahaha mas lalo siguro pag naging kayo!" Hirit na naman ni Angge. Tawa lang ng tawa si Rhi habang inaalalayan si Angge papuntang CR.
"Ikaw Ge ha namumuro ka na sakin kanina pa!" Natatawang sagot ni G.
"So Rhi isang tanong, isang sagot. May pag-asa ba si Tsong sayo o wala?" Si Chynns. Natawa si Rhi sa tanong ni Chynns.
"I doubt I can answer your question Chynns kasi di naman talaga nanliligaw si G sakin eh! Hahaha" Diretsahang sagot ni Rhi na hindi na makita ang mgs mata sa kakatawa.
"WHAT???!!! Ano ba naman yan De Castro! Di ka pa pala umaamin???!!! Lahat na may alam na may gusto ka kay Rhi baka nga si Rhi matagal ng alam nyan na may gusto ka sa kanya! Ano pang kinukupad kupad mo jan??!!! Jusko naman De Castro! Nagsisimula na tuloy akong magsisi na naging kaibigan ka namin! Antorpe mo! Hahaha" Hirit na naman ni Angge.
"Grabe ka talaga sakin Angge!" Napapakamot nalang ng ulo si G habang nakayuko at nahihiya. Si Rhi nama'y namumula at tawa lang ng tawa.
Dumating ang sabado. . .
Buong gabing hindi nakatulog si G sa sobrang excitement sa gala nila ni Rhi. Alas sais pa lang ng umaga nagtext na sya sa dalaga.
Samantala sa condo ni Rhi. . .
*TING TING
Naalimpungatan si Rhi dahil gabi pa lang nilakasan na nya yung notification, message, call and alarm tones nya para marinig nya agad ito. Kaya nung may magtext bigla syang napabalikwas sa kama dahil sa gulat.
"Damn it! Sino ba tong ang aga aga nambubulabog?!" Busangot na inabot ang phone sa ibabaw ng side table nya tila nakalimutan na inadjust nya ang volume ng tones nya. Pero tila nagbago ang ihip ng hangin dahil pagkakitang pagkakita nya sa screen ng phone nya. . .
*1 message received from G 😍
"Ehhhhhh naku naman si Pogi nagtext! (kinikilig/nagbablush habang ibinabaon ang mukha sa unan na yakap yakap) Namiss kaya nya ko? Siguro di to nakatulog. Ehhhh iniisip ko pa nga lang na makakasama ko sya mamaya parang hihimatayin nako!"
Biglang may pumasok sa kwarto nya.
"Bakit ka naman hihimatayin Ate? Parang engot to!" Si Rhain ang 8-year old half brother ni Rhi sa father side.
YOU ARE READING
RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]
FanfictionSTORY TEASER: This is a RaStro love story with a touch of sports. Baseball to be exact. Hope you will like it.