"A-Aya Clay. . ."
"Jusko!"
"Oh bakit?" Tanong ng walang kamalay malay na si G kay Clay.
"Bro. . .sina Chynns. . ." Tanging nasabi ng gulat na gulat na si Clay.
"Oh bakit? Anong nangyari kila Chynns? Anjan na ba? Bilis naman nila makabalik." Di na napigilan ni G na sumilip na din sa pintuan. Gulat na gulat sya ng ang sumalubong sa kanyang paningin ay ang duguang si Gyn.
"Idol G. . ."
"Gyn. . .jusko! Anong nangyari? Ha? Asan sila Chynns at Angge? Tulong! Tulong! Big Bro, tulungan mo ko! Tumawag ka ng nurse please!" Di pa rin kumikilos ang parang statwa pa ring si Clay. Nanlulumo ito sa sinapit ng mga kaibigan nila.
Umiiyak si Gyn habang akay akay ni G. Basag ang artificial leg nito at putok ang labi. May bugbog din ito sa kaliwang tagiliran.
"BIG BRO!" Agad namang natauhan si Clay at kumaripas ng takbo papuntang nurse station.
"Gyn? Gyn! Look at me! Asan sila Tsong at Angge?" Sabi ni G na alalang alala.
"Idol G. . ." Dumaloy ang masaganang luha sa pisngi ni Gyn ng ituro nya ang emergency room. Nanlulumo si G at di nya maintindihan ang nararamdaman.
Habang nag-uusap ang dalawa, hindi nila alam na may nagmamasid pala sa paligid.
"Hello? Oo nandito nako sa ospital. Nag-uusap pa yung pilay at si De Castro. Ha? Di pa naman nagsusumbong. Oo magbabantay lang ako dito. Aalamin ko kung ano susunod nilang hakbang. Okay sige bye." Kakababa lang ng tawag ng nagmamasid ng mapansin ito ni Clay. Inabisuhan nya muna si G bago sinundan ito.
Di pa din nagawang makapagsalita ni Gyn sa nangyari dahil dumating na ang mga nurse na tinawag ni Clay.
"Sige na Gyn sumama ka na sa kanila. Mamaya bibisitahin kita sa kwarto mo okay? Sige na nurse gamutin nyo na po sya."
Kinuha ni G ang cellphone nya at tumawag sa mama nya.
"Hello? G, anak?" Si Glenda.
"Ma! Si-Sina Tsong at Angge. . .n-nasa ER. . ." Di na napigilan ni G na humagulgol ng palihim sa sulok.
"HA? ANONG NANGYARI? DAD! BILIS PUMUNTA TAYONG OSPITAL! NASA ER DAW SINA CHYNNS AT ANGGE! G, anak, pakatatag ka ha papunta na kami!" Dali daling nagbihis sina Glenda at Greg at dumiretso na sa ospital.
Habang si G ay naghihintay sa mga magulang nya, si Clay nama'y patuloy na sinusundan ang taong nagmamasid kanina. Parati din nyang kausap si G at inaupdate ito.
Habang busyng busy si G sa phone nya. . .
"G?"
"Rhi? Rhi. . .how are you? Kumusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Gutom ka ba? Teka ikukuha kita ng makakain." Tarantang taranta si G pero hinawakan sya sa kamay ni Rhi.
"G. . .s-si. . .s-si. . ." Di na natuloy ni Rhi ang gusto nyang sabihin ng bigla na naman syang nawalan ng malay. Kumaripas ng takbo si G para humingi ng tulong.
Pagbalik ni G andun na ang mga magulang nya. Napaiyak nalang sya na yumakap sa ina nya. Inasikaso naman agad ng mga nurse si Rhi.
Samantala. . .
"Hello. Nagising na si Rhi kanina pero hinimatay rin. Yung dalawa naman nasa ER pa. Yung pilay hahanapin ko pa kung anong room. Oo mamaya babalitaan kita." Pagkaoff ng cellphone ng taong nagmamasid ay sinimulan na nyang hanapin ang kwarto ni Gyn.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nahanap na nya ito. Dahan dahan syang pumasok. Nakita nyang nakaratay sa hospital bed si Gyn. Isinara nya ng dahan dahan ang pinto.
"Buhay ka pa pala."
"Anong ginagawa mo dito?"
"C-Clay?"
"Yes I am. . .Klea. So. . .what are you doing here?"
"Hmmm. . .wala! Dinadalaw si Gyn. Bakit masama ba?! Concern ako eh bakit ba?! At tsaka mga kaibigan ko rin sila Gyn! Syempre nag-alala din ako!" Medyo napataas na ang boses ni Klea.
"Ahhh concern ka. I am just wondering. Umagang umaga andito ka na. And di mo kami binisita dun sa kwarto ni Rhi. At isa pa. . .papano mo nalaman na andito si Gyn? Tsaka "sila"? Sinong sila? Eh si Gyn lang naman nandito?" Tanong ulit ni Clay.
"Ha? Ah. . .eh napadaan lang ako kanina dito sa ospital tas. . .tas nakita ko sina Chynns at Angge dun sa entrance nakahiga sa stretcher! Kaya dumiretso agad ako dito! Bakit ba andami mong tanong?!"
"Sa entrance? Hindi sa entrance dinaan ng mga nurse sina Chynns at Angge! Sa back exit! Now ang tanong ko ang sagutin mo. . .WHO ARE YOU?" Hinawakan na ni Clay ang braso ni Klea at pinilit magsalita.
"BITAWAN MO KO!!! WALANGYA KA BITAWAN MO KO SABI EH!!! IDIDEMANDA KITA NG PHYSICAL ABUSE!!!"
"BAKIT MO KAMI SINUSUNDAN HA?! AT SINO YUNG PALAGI MONG KAUSAP SA PHONE?! SUMAGOT KA KUNG AYAW MONG DALHIN KITA SA PRESINTONG BABAE KA!!! WHO ARE YOU?! WHAT DO YOU WANT?! BAKIT KA NAG-IISPIYA SAMIN HA?! SINONG NAG-UTOS SAYO?! ANONG KINALAMAN MO SA PAGKAKA ACCIDENTE NILA CHYNNS AT ANGGE?! SUMAGOT KANG GAGO KA!!! ANONG KINALAMAN MO SA SINAPIT NI GYN?! ANONG ALAM MO SA NANGYARI KAY RHI?! SUMAGOT KA!!!" Galit na galit na sigaw ni Clay habang inaalog ang kaliwang braso ni Klea.
"Big Bro? Anong nangyayari? Klea? Ba't nandito ka?" Naabutan ni G sa ganung sitwasyon sina Clay at Klea. Hindi alam ng huli na sinabihan pala ni Clay si G bago pa man makapasok si Klea sa kwarto ni Gyn. Kaya bago pa makahalata si Klea na alam ni G ay nagkunwari itong walang alam. Si Clay nama'y nagsimula ng magdrama.
"Brobro. . ." Di na tinuloy ni Clay ang sasabihin para kunyari siningitan sya ni Klea.
"Ah eh G! Kasi ano. . .hmmm. . .dinalaw ko lang si Gyn. Nabalitaan ko kasi. Sige ha alis na ko. See you sa practice mamaya kung tuloy yun para sa game bukas. Sige." Mabilis na lumabas si Klea ng kwarto ni Gyn. Nagkatinginan naman sina G at Clay. Mayamaya pa'y sinundan ulit ni Clay si Klea ng hindi alam ng huli.
"Hello! Oo pabalik nako jan! Kainis! Muntik pa ko mabuking ni Clay at G! Buti nalang nakapag-isip ako ng irarason. Sige papunta nako jan. Bye." Sumakay na ng taxi si Klea. Nakasakay din agad si Clay ng taxi para sundan si Klea. Tinawagan muna nya si Top para pasunurin kila G sa ospital. Si Wayne naman ay dinaanan nya na timing na malapit pala ito sa ospital nakatambay.
Samantala sa ospital, kakalabas lang ni G ng kwarto ni Gyn ng makasalubong nya si Top na syang inutusan ni Clay magbantay kay Gyn.
"Idol G, ako na pong magbabantay kay Tsong Gyn. Sinabihan na rin ako ni Aya Clay tungkol kay Klea. Ako na pong bahala."
"Okay sige. Salamat Top. Tumawag ka kaagad pag may nangyari ha. Puntahan ko muna si Rhi. Mamaya dadalaw din sila Mama kay Gyn. Pasensya ka na ha nadamay ka pa."
"Naku wala yun Idol. Pamilya na tayo."
Nagyakapan pa ang dalawa bago dumiretso si G sa kwarto ni Rhi.
Pagdating na pagdating nya sinalubong agad sya ng papa nya.
"G, anak, may impormasyon na tayo kung nasaan ang mga magulang ni Rhi."
"Ano po yun Pa?" Tanong ni G pero di na nya napakinggan ang papa nya nung tumawag si Clay.
"Bro, alam ko na ang lahat. Alam ko na kung sinong may kagagawan ng lahat ng ito."
_________________________________________________
Author's Note:
Zup mga tsong? How was this chapter? I hope you liked it. Sa mga silent readers pa rin, hi sa inyo. Sana jumoin na kayo sa kulitan namin ng mga suki kong readers and palaging nagcocomment. 😊 Anyway, drop your comments below. If may request kayo pwede din. I'll try to include them pag swak sa storyline. Thanks for reading guys. 😊👊
Stay awesome! Peace! ✌👊
- Tsong J
Twitter: @tsong_J
YOU ARE READING
RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]
FanficSTORY TEASER: This is a RaStro love story with a touch of sports. Baseball to be exact. Hope you will like it.