TLS 20: The Preparation

1.2K 67 1
                                    

Nasa field ngayon na nirentahan ng mag-asawang De Castro ang magkakaibigan para maghanda sa nalalapit nilang laro.

"G, are you sure kaya mo na? Baka mabinat ka eh. Tsk kasi naman eh." Nakabusangot si Rhi habang inaayos ang gamit ni G. Tumayo si G pagkatapos ayusin ang sintas ng sapatos nya at lumapit sa dalaga. Niyakap nya ito sa likod.

"Hey wag ka ng magworry okay? I'm gonna be fine. Tsaka anjan ka naman diba para sumaklolo sakin if ever may mangyari sakin?" Lambing ni G. Humarap naman ang dalaga sa kanya habang nakapulupot pa rin ang mga braso ni G sa beywang nito.

"Of course andito lang ako. I'm just worried kagagaling mo lang kasi sa ospital tapos maglalaro ka na. Baka lang kas---" Hindi na nagawang tapusin ni Rhi ang sinasabi nung hinalikan sya ni G sa labi.

"Are you alright now?" Pilyang nakangiti si G sa dalaga. Namula naman ang huli at pinaghahampas ng marahan sa balikat si G.

"I hate you! I hate you! I hate you!"

"No you don't, Love. I know you love me." Tatawa tawang sagot ni G habang nakayakap pa rin ang mga braso sa beywang ng dalaga.

"HUY! Haruy nagtukaan na naman! Ang lalande ng mga to oh oh! Yan pala papraktisin natin? Di kami nainform! Kala ko kasi baseball eh! Teka makahanap nga ng kalandian! Mga baklang to! Kaloka kayo! Hoy De Castro tigil tigilan mo nga yang si Rhi! Landi mo! Magpractice ka na nga! Puro landi laman ng utak jusko!" Nakaisa na naman si Angge. Nagsitawanan lang naman ang lahat. Nakadampot naman si G ng gloves at binato sa huli.

"ARAY NAMAN! Ang brutal nito! Mapanakit ka eh noh! Joke lang naman kasi. O sige na nga magtukaan na kayo jan!"

"Pano kasi ang bitter bitter mo sa buhay! Talo mo pa nagmenopause sa mood mo! Nabato ka tuloy! Tama lang yan sayo! Humanap ka nalang kasi ng panget at ibigin mong tunay! Hahahaha" Dumagundong ang halakhak ng lahat sa hirit ni Chynns.

"Pag ako talaga nakahanap ng poging jowa, who you kayong lahat sakin!"

"Asuuusss bawal paasa uy!" Si Chynns. At nagtawanan ulit ang lahat.

Patuloy sa pagpapractice ang lahat. Medyo mahina pang bumato ng bola si G dahil sa bugbog at sugat nito sa kanang balikat. Si Rhi nama'y nakaantabay lang at nakaalalay palagi kay G.

Pinag-isipan din ng grupo ang magiging line-up para sa laro.

Pinag-isipan din ng grupo ang magiging line-up para sa laro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: Credits to the owner of the photo.
Photo not mine.)

TEAM'S LINE-UP: (First Draft)
Pitcher (P) - G
Catcher (C) - Chynns
1st Baser (1B) - Angge
2nd Baser (2B) - Top
3rd Baser (3B) - Wayne
Short Stopper (SS) - Gyn
Right Fielder (RF) - Gabbi
Center Fielder (CF) - Clay
Left Fielder (LF) - Abby
Overall Coach (OC) - G & Clay

Ipinakita ni Clay sa mga kagrupo nya ang unang draft nya ng line-up.

"Teka center fielder ka Aya Clay? Sigurado ka ba? Diba ang lawak ng sakop nun and remember di ka pwede na sobrang mapagod kasi lagpas na yun sa limit mo." Komento ni Top.

"Teka ano bang meron? Bakit di pwede si Aya Clay mag center field?" Takang tanong ni Gabbi.

"Pwede naman kaso lang di pwedeng matagal. Di kakayanin ng baga nya. Medyo mahina kasi baga nyang si Big Bro. Di kakayanin ng pangmatagalan na laro pag nasa field position sya." Paliwanag ni G.

"Even sa pagpipitch nirireserve nya lakas nya. Sinisigurado nya muna bawat pitch nya." Dugtong ni Chynns.

"Ahhh eh pano yan center fielder sya? Sinong papalit pag napagod sya?" Concern na tanong ulit ni Gabbi. Napaisip naman ang lahat.

"Hmmm. . .kung si Miss Rhi nalang kaya? Diba sya si Running Goddess? Varsity ng track and field? Meaning mabilis sya tumakbo, right?" Suggestion ni Gyn. Napalingon naman ang lahat sa direksyon kung saan nakaupo ng tahimik si Rhi habang nagchicheck ng social media accounts nya.

"Guys masyadong delikado. Di pa sya marunong. Pano kung masaktan yan sa field? Di ko mapapatawad sarili ko pag nagalusan yan. Ako nalang magsicenter field. Si Big Bro nalang magpipitch. Valid din yun na suggestion." Rason ni G.

"De Castro, di ka naman mabilis tumakbo. At tsaka di ka naman sanay mag field position. Para sakin valid ang suggestion ni Gyn. Go ako jan kay Rhi." Si Angge.

"Me too agree ako kay Gyn. Rhi is an athlete after all so I think madali naman syang turuan and mabilis makapick-up ng instructions." Si Chynns. Nagsitangoan naman ang lahat bilang pagsang-ayon. Si G nama'y nag-aalangan pa rin.

Mayamaya pa'y lumapit si Rhi.

"Oh ayan na tanungin nyo na! Rhi, may favor sana kami sayo. Kaso ayaw nitong jowa mo kasi baka daw masaktan ka!" Si Angge.

"Oh? Ano yun guys? Bakit naman ako masasaktan? Hmmm G? Is there something you need to tell me?"

"Hmmm. . .love kasi ano eh. . .kasi. . ."

"Kasi?"

"Kasi Rhi we wanted to ask you a favor kung pwedeng ikaw yung mag center field. Di kasi ako pwede since di ako tatagal pag nasa field position. Initially, ito yung naging draft ko sa line-up (ipinakita ang draft kay Rhi) but ayun nga yung problem. Ikaw yung naging suggestion ni Gyn na sinang-ayunan din naman ng lahat except G. Since you are a track and field athlete, naisip namin na perfect ka sa position and need din namin ng mabilis tumakbo."

"Ohhh I see. Okay I'm in. Game naman ako. Anything for the team. I don't see anything wrong with that naman."

"Pero love kasi baka masaktan ka eh. Pwede kang gumulong, madapa, mabalian kapag ganun eh. Masyadong delikado to for you. Ayokong magalus---"

"Hey hey (Rhi cupped G's face and smiled) it's okay. Masyado mo naman ata akong binibaby nyan. I'll be fine. It's fine. And besides I want to help the team. Ayokong matalo kayo coz it will mean malalayo ka sakin. And I don't want that. So no more buts okay?" Parang batang pinagsasabihan ng dalaga si G. Kahit nag- aalangan pa rin ay wala ng nagawa si G kundi pumayag.

_________________________________________________

Author's Note:

Hello nga tsong! I hope you enjoyed this chapter. Malapit na po to mag end. Few chapters left nalang. Thank you thank you so much sa mga patuloy na sumusubaybay sa story na to. Maraming salamat guys. Don't forget to vote for it and comment your thoughts below. Have a nice day! 😉👊

- Tsong J

RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]Where stories live. Discover now