Magkasunod na dumating sina Greg at ang nakakatandang kapatid ni Glenda na si Gener. Agad nilang inimbestigahan ang nangyari. Tumawag na din si Gener sa head office nila upang magrequest ng team na tutulong sa pag-iimbestiga. Si Angge naman ay hiningi ang tulong nina Clay at G.
"De Castro, Aya Clay, may nakita akong kahinahinalang tao kanina. Pwede nyo ba akong tulungang alamin kung sino sya?"
Ikwinento lahat ni Angge ang naobserbahan nya. Humingi naman ng permiso si G sa ama at ina nya upang tumulong sa pag-iimbestiga. Pumayag naman ang mga ito sa isang condition na sasamahan sila ng right hand ng uncle nyang si Gener.
Makalipas ang 30 minuto na binigay ng umpire, ipinatawag na ang dalawang grupo. Magpapatuloy na sana ang laro ngunit nagrequest muli ang grupo ng mga De Castro ng another 30-minute extension just to investigate everything. Umapela naman ang grupo ng mga Ramirez.
"NO!!! THAT'S UNFAIR FOR OUR GROUP! PROBLEMA YAN NG GRUPO NILA! THIS IS A GAME! MAGPAPATULOY ITO WHETHER OKAY ANG GRUPO NILA OR HINDI!!! IF YOU WILL INSIST FOR ANOTHER 30-MINUTE EXTENSION, I WILL INSIST SA FORFEIT GAME IN FAVOR OF US! WE ARE WASTING TIME HERE!!!" Galit na galit na sabi ni Randell.
"Bakit ba atat na atat ka ha?!!! Ganyan na ba kababa yang level mo at ikoconsider mo talagang kayo ang panalo?! Look at the scores, you idiot!!! O baka naman kayo ang may kagagawan nito kung bakit nangyari sa grupo ng anak ko to?!" Galit na galit na sagot ni Greg.
"HOY DE CASTRO ANG KAPAL NG MUKHA MO! MAGDAHAN DAHAN KA SA PANANALITA MO! PWEDE KITANG KASUHAN SA PAMBIBINTANG MO! DI NAMIN KELANGANG UMARKILA NG MAGDIDELIVER NG TUBIG JAN SA KABILANG KANTO AT LAGYAN NG LASON KUNG YAN ANG IBIG MONG IPARATING!!! KAYANG KAYA NAMIN KAYONG PAGAPANGIN!!!" Hambog na sabi ni Randell.
"We haven't told anyone sa cause ng nangyari sa loob ng quarters namin! (Biglang tinakasan ng dugo si Randell) How did you know that?" Pagtatanong ni Gener. Nilapitan na din nya si Randell na napaatras pa.
"Ahh. . .ehh s-so totoo nga ang bali-balitang nagkawater poisoning incident sa quarters nyo?"
"Hmm bali-balita. Kanino naman nanggaling ang balitang yan? Hmm?"
"Ahh. . .ehh (umatras) hindi ako! Ito si Klarisse makakapagsabi! Sabihin mo sa kanila san nanggaling ang balita!" Parang tutang takot na takot si Randell at itinulak pa sa harap ang kanyang anak na si Klarisse.
"What the f*ck Dad! Napakamakasarili ninyo! Wala na kayong inisip kundi sarili nyo lang!"
"SUMAGOT KAYO! Kanino galing ang balita?" Galit na na tanong ni Gener.
"Ahh ehh. . .kuwan sa isang babae. Di namin kilala kung sino. Di din namin namukhaan." Mabilis na sagot ni Klarisse.
"Kanino nyo nalaman na sa kabilang kanto nanggaling yung dineliver na tubig at bakit mo din alam na sinadyang lagyan ng lason yung container?" Habang sinasabi iyun ni Gener ay napapaatras si Randell at Klarisse.
"Hindi namin alam! Hula lang! AT BAKIT KAMI ANG TINATANONG NYO?! WALA KAMING PAKIALAM SA NANGYAYARI SA PAMILYA NYO!!! KAHIT MAMATAY PA KAYONG LAHAT, DI KAMI DADALAW SA PADASAL NYO!!! WALA KAMING KASALANAN AT LALONG DI NAMIN KILALA ANG GUMAWA NYAN SA INYO!" Pagtatapang tapangan ni Randell.
FLASHBACK
"Bilisan mo jan! Lagyan mo ng lason at ideliver mo sa quarters ng mga De Castro!"
"Maam di ko po talaga kaya Maam. Di po ako mamamatay tao. Please po wag nyo nalang po ako idamay sa plano nyo."
"Punyeta! Tabi jan at ako ang gagawa! Wala kang kwenta! Duwag!"
Pagkatapos lagyan ng lason at pagdidikit ng sticker logo. . .
"Ideliver mo na to sa kanila! Wag na wag kang magkakamaling magsumbong! Kilala mo ang pamilya ko! Ipapahanap kita at ipapapatay! Naiindintihan mo?!"
YOU ARE READING
RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]
FanfictionSTORY TEASER: This is a RaStro love story with a touch of sports. Baseball to be exact. Hope you will like it.