"HOY MGA GAGO KAYO!!! PILAY NA NGA INAAPI AT PINAGTITRIPAN NYO PA!!! MAY MGA SAYAD ATA KAYO AH!!!" Galit na galit na sabi ni Angge. Hinahawakan na sya ni Chynns. Sa kanilang magkakaibigan kasi si Angge talaga ang reactive at aggressive. Si Chynns naman ang kalmado at nakakapagtimpi. Si G ang walang pake unless may naaapi.
"Uyyy andito pala ang grupo ng mga tarantadong bumangga sa girlfriend ko." Sinilip silip ni Kai ang nasa likod na si G.
"Uy De Castro! Anong nangyari sa sinabi mong di ka na papakita sakin? Sinusundan mo ba kami? Or sadyang para ka lang talagang linta na susunod sunod sa mga sikat?" Nagtawanan ang mga kagrupo ni Kai pagkasabi nya ng mga salitang yun kay G. Nagpumiglas naman agad si Angge habang hinahawakan ni Chynns na halata namang nagtitimpi lang.
"Hindi namin kayo sinusundan. Bakit? Sino ka ba para pag-aksayahan namin ng panahon? Ang samin lang tigilan nyo yang ginagawa nyo. Pilay na nga inaagrabyado nyo pa." Kalmadong sabi ni G at parang wala pa ring gana kung magsalita. Seryoso at nakakabato kung tumitig. Mayamaya pa'y dumating ang isang babae.
"Babe? Anong nangyayari dito?" Tanong ng babae na halatang naguguluhan at nakakunot pa ang noo.
"Oh hi babe (sabay halik sa labi). Sya nga pala, I want you to meet my gorgeous GIRLFRIEND, Rhi (may diin sa girlfriend na word). Wala nagkakatuwaan lang babe. It's just that may mga epal lang talaga na umaaligid. Did you remember them? Lalo na yung isang yun? (turo kay G) Diba yun yung walangyang bumangga sayo?" Walang pasadang sabi ni Kai na nakahawak pa sa beywang ni Rhi na parang makakawala kung bibitawan. Yumuko lang si Rhi at halatang nahihiya.
"HOY TARANTADO KA! ANONG KASINUNGALINGAN ANG SINABI MO JAN SA JOWA MONG TANGA HA?! BINANGGA KA NI G??? SERYOSO KA BA??? EH IKAW NGA TONG WALANGYANG BUMANGGA SA KANYA EH!!! NI HINDI NGA SYA NAGALIT SAYO!!! IKAW PA NGA YUNG GAGO GALIT EH!!! HALIKA DITO AT MAKAKALBO KITANG BRUHA KA!!!" Galit na galit na sabi ni Angge na nanduduro pa. Nakayuko pa rin si Rhi at papaiyak na.
"Ge! The baseball outfit, remember?" Paalala ni Chynns. Bigla namang natauhan si Angge at biglang natahimik.
"Ano ba kasing ginagawa nyo? Bakit nyo pinagtitripan to (turo sa pilay)?" Halatang asar na tanong ni Chynns sa grupo ni Kai.
"Simple lang. Gusto nya dawng sumali sa varsity. Hahaha which is really impossible kasi di naman mangyayari yun kasi nga pilay sya diba? Kaya pinaparealize lang namin sa kanya na impossible talaga. Na maggive up nalang sya." Sarcastic na paliwanag ni Kai.
"Kai. . ." Dahang saway ni Rhi.
"What babe?! Eh totoo naman eh. Pilay sya kaya impossible syang maging varsity ng baseball kahit saang lupalop man sya magpunta." Diin ni Kai.
"Tumigil ka na pwede? Ang ingay mo! Ang sakit sa tenga." Kalmado pero seryosong sabi ni G at naglakad patungo sa babaeng pilay. Inalalayan nya ito at pinaupo sa bench bago bumalik sa mga kaibigan.
"Tantanan nyo na sya. Binabalaan ko kayo." Huling sinabi ni G bago tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.
"Or what De Castro? Alam mo, ako pa naman ang tipo ng tao na hindi natatahimik pag hindi napaparealize sa isang tao gaya ng pilay na yun na wala na syang pag-asa. Na kahit kailan hinding hindi magkakatotoo mga pangarap nya. Naintindihan mo? Kaya kahit ano pang sabihin mo hinding hindi ko titigilan ang pilay na yun! Maliwanag? Kung gusto mo, ikaw nalang ang pumalit sa kanya." Sigaw ni Kai sa papalayong si G. Sinaway ulit sya ni Rhi pero tinabig lang nya ito.
"Okay then." Bumalik ang seryoso at nagtitimping si G sa kinaroroonan ng grupo. Kinabahan naman sina Chynns at Angge dahil alam nila kung pano magalit si G. May aura itong nakakapanghina ng tuhod. Hinarang ni Chynns si G.
"Tsong, di mo kelangang gawin to. Let it pass nalang Tsong. Makakaganti din tayo sa mga yan pasasaan ba. But for now, please let it pass." Pagmamakaawa ni Chynns.
"Hayaan mo sya Chynns. Pabayaan mo si G. Alam kong may pinaplano sya. Makikita ng mga yan kung anong hinahanap nila. Kanina pa din kasi kating kati tong kamay ko sumapak. Kaya humanda ka na rin jan baka mapaaway tayo." Sabi ni Angge. Wala ng nagawa si Chynns nung pumwesto na si G sa gitna ng grupo ni Kai. Napayuko naman si Rhi dahil alam nya kung pano mangtrip ang jowa nya.
Instead na bag ng pilay ay bola ng baseball ang ipinalit nila na aagawin ni G. Sinimulang pagtripan ng grupo ni Kai si G. Pinasapasa nila ang bola. Si G nama'y nakatayo lang at diretsong nakatingin kay Kai. Si Rhi nama'y nakatingin kay G at sobrang nag-aalala.
"Pag naagaw o nasalo mo tong bola, I'll try na di na pagtripan ang pilay. Pero kapag hindi mo nagawa, pagtitripan namin ang pilay at pati na rin ang grupo mo." Sabi ni Kai.
Patuloy si G sa pag-aabang ng pagkakataong maagaw ang bola mula sa grupo. Tahimik lang syang nagmamasid at inaanalisa kung papano kumilos at bumato ng bola ang bawat isa. Habang ginagawa ni G yun ay di nya namalayang mapatingin kay Rhi na halatang nag-aalala. Nakita iyun ni Kai at sa inis nya ay sinadya nyang tamaan ng bola si G sa sikmura. Sapul si G at napaluhod ito sa sakit. Nagtawanan naman ang grupo.
"Wala pala to eh! Ang lampa! Mahina pa nga yun eh!" Pagmamalaki ni Kai. Nagtawanan naman ang mga kagrupo nya. Napaiyak nalang si Rhi at di napigilang sumaklolo kay G. Alam nyang kasalanan nya kung bakit pinagtitripan ngayon ni Kai si G. Pero bago sya umabot sa nakaluhod na si G ay hinarang sya ni Kai at hinawakan ng mahigpit sa kamay. Sumaklolo naman kay G sina Chynns at Angge.
"Tsong!" Alalang sabi ni Chynns. Inakbayan at inalalayan nya ang nakaluhod pa ring si G.
"De Castro! Kaya mo pa ba? Ano babanatan ko na?" Si Angge.
"W-Wag na Ge. Salamat nalang pero kayang kaya ko sila." Tumayo na si G sa tulong ni Chynns. Si Rhi nama'y pahid ng pahid sa masaganang luha na dumadaloy sa pisngi nya. Hindi nya alam kung bakit pero napakasakit para sa kanya na may makitang inaagrabyado ang jowa nya.
"Oh ano De Castro kaya pa??? Lampa ka pala eh! Napakahina lang nun tumba ka na agad! Tsss" Hirit pa ni Kai. Nagsimula na naman sila sa pagpapasapasa ng bola. Umatras naman sina Chynns, Angge, at Rhi. Nasa gitna ulit ngayon si G. Nakikiramdam sa bawat isang miyembrong bumabato ng bola.
Nakatalikod ngayon si G at nakayuko, nakikiramdam. Pasimpleng sinenyasan ni Kai ang kasama nya na batuhin si G sa likod. Bumwelo ito at ibinato ang bola ng napakalakas. Pero. . .swerteng nailagan iyun ni G at dumiretso sa mukha ni Kai.
"Ahhhhhhhh" Namilipit sa sakit si Kai. Sinaklolohan sya ni Rhi pero tinabig nya ito. At sa inis nya ay binato nya ng signature pitching style nya si G. Napakalakas ng pagkakabato. At sa sobrang lakas nito, gumagawa na ito ng sariling replica. Pero tila wala ngayon sa panig ni Kai ang swerte. Inisang kamay lang ni G ang pagsalo sa bola. Wala itong baseball gloves o kahit na anong proteksyon sa kamay. Gulat na gulat ang lahat sa ginawa ni G. Si Angge ang unang natauhan.
"Wooooooh! Oh ano kayo ngayon ha?! Panis kayong lahat!" Pagmamayabang ni Angge. Tuwang tuwa naman sina Chynns at ang pilay na napag-alaman nilang Gyn ang pangalan. Si Rhi nama'y pasimpleng humanga at napangiti.
"Here's an advice. If you think you're good enough in playing baseball, think twice." Sabi ni Chynns bago inalalayan ang nakatayong si G. Dumiretso na sila ng clinic after ng enkwentro. Galit na galit namang ibinato ng duguan ding si Kai ang baseball gloves.
_________________________________________________
Author's Note:
Zup mga tsong? Ayos ba tong chapter na to? Gusto ko sanang makipag-usap sa inyo kaya drop your comments below and please don't forget to vote. By the way, less than 2 months nalang BER months na. Last year I gave gifts sa first 3 readers ng isang chapter ng story ko. Abangan this year ang pakulo. Thanks for reading mgs tsong. See you next chapter. 😊
Stay awesome! Peace! ✌👊
- Tsong J
YOU ARE READING
RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]
FanfictionSTORY TEASER: This is a RaStro love story with a touch of sports. Baseball to be exact. Hope you will like it.