De Castro's House. . .
"Oh guys ba't kayo napauwi? Diba dapat nasa school kayo? First day of classes ngayon ah. G, anak, ano to? Akala ko ba naiintindihan mo na si mama." Tanong ni Glenda na nasa sala habang nagbabasa ng magazine at umiinom ng kape. Sina G, Chynns, at Angge naman ay parang pagod na pagod na naupo din sa sala at nakakalat ang mga bags sa sahig.
"Tita, may nangyari po kasi. Binangga po si G ng isang babae kanina. Eh nagkataon na jowa yun ng anak ng may-ari ng school namin. Ayun napag-initan kami kaya umuwi nalang kami." Sumbong ni Chynns habang naghuhubad ng sapatos. Para ng bahay nina Chynns at Angge ang bahay nila G. Madalas dito sila natutulog. Matalik na magkakaibigan din ang mga magulang ng tatlo.
"Oo nga po tita. Ang sarap nga sapakin ng Ramirez na yun eh! Kakairita ang pagmumukha! Pero tita alam nyo po may juicy kaming chika." Excited na kwento ni Angge. Naexcited ding ngumiti si Chynns habang si G nama'y nakasandal lang sa sofa at nakapikit ang mata. Umayos din ng upo ang ginang at interesadong interesado sa ikukwento ni Angge.
"Oh ano yun hija? Wag nyong sabihing magkaka girlfriend na si G?" Excited na tanong ng matanda.
"Di pa po tita. Ang advance nyo po mag-isip tita. Pero maganda po yung bumangga kay G. Di po namin sya masyadong kilala pero "The Running Goddess" yung tawag sa kanya sa school. Alam nyo po bagay sila ni G. Pogi si G, sobrang ganda naman po nun. Diba Chynns?" Siko ni Angge kay Chynns. Sumang-ayon naman ang isa. Si G naman wala pa ding pake at nakikinig lang.
"Oh that's good! Para naman maganda pa din ang lahi ng mga De Castro. Oh sige ganito bibigyan ko kayo ng task. Pag nagawa nyo, ako na ang bahala sa baseball outfit nyo pag sumali kayo sa varsity. Game ba kayo?" Nanlaki ang mga mata ng dalawa at parang kulang nalang ay magtatatalon na sa tuwa. Si G nama'y wala pa ding pake at tahimik pa ring nakikinig.
"Sige po! Ano po yun tita?" Sabay na tanong nina Chynns at Angge.
"Gawan nyo ng paraan na magkakilala tong anak ko at yung sinasabi nyong dyosa. Dalhin nyo dito sa bahay para makilatis ko, okay? Deal?" Nakangiting sabi ng ginang. Nagtinginan naman sina Chynns at Angge.
"Pano yan baka pag-initan tayo ng grupo ni Ramirez? Wag nalang kaya?" Pabulong na sabi ni Chynns kay Angge.
"Di yan! Okay lang yan! Eh di gagawa tayo ng sarili nating grupo! Wag kang mag-alala akong bahala. May mga friends naman akong pariwara so papabackup nalang tayo pag nagkagulo. Basta ang mahalaga ang offer ni tita na baseball outfit!" Paliwanag ni Angge. Wala ng nagawa si Chynns kundi pumayag.
"Deal Tita!" Sabi ng dalawa sa ginang.
"Alright. Great. Anyway, don't forget mamaya ha dadating ang Tito Greg nyo galing California. Family dinner, okay?" Paalala ng ginang. Tumango naman ang dalawa. Nagpatuloy na sa pagbabasa ng magazine ang ginang.
Kinaumagahan, second day of school. . .
"Tsong, bilisan mo na nga jan! Kumilos ka na at malilate na tayo!" Ginigising ng nakabihis ng si Chynns ang nasa kama pa ring si G. Mayamaya'y dumating si Angge.
"Hoy De Castro! Bumangon ka na nga jan! Pag di ka pa daw bumangon, bubuhusan daw kita ng malamig na tubig sabi nina Tita at Tito!" Sabi ni Angge na may dala dalang tabo na may yelo.
"Isa!" Bilang ni Angge na nasa CR na at nagsasalok na ng tubig sa gripo. Napatingin naman si G sa CR na nakapikit pa ang isang mata.
"Tsong, dali na kasi! Bumangon ka na kasi!" Si Chynns.
"Oo na! Oo na! Ito na nga babangon na!" Sabi ni G na kakamot kamot pa ng ulo.
"Pano nalang kaya kung di kami dito natulog kagabi? Walang gigising sayo! At isa pa kung di ka talaga bumangon, isasaboy ko talaga to sayo!" Sabi ni Angge kay G. Nakahawak na ito ng tabo na may yelo at tubig.
"Oo na! Ang iingay nyo!"
"Dali na tsong! Magpaparegister tayo ngayon sa baseball varsity club ng school. Mamaya dawng hapon yung first try outs eh. Excited na me!" Masayang sabi ni Chynns habang nakaupo sa kama at nagsuswing swing ang dalawang paa.
"Oo nga De Castro! Tara na kasi sali na tayo! Sayang yung pitching talent mo. Sigurado ako na kapag sumali ka with us aabot tayo sa international baseball tournament. Dali na kasi! Arte naman nito oh!" Pangungulit ni Angge.
"Kayo nalang Ge, Chynns. Wala akong gana eh. Next time nalang siguro." Sabi ni G na nasa CR pa at naliligo.
"Hayy naku tsong. Basta sasali tayo! At tsaka ayaw mo nun? Makikilala na natin yung magiging asawa mo? Yung dyosa. Yieeee nakakaexcite! Kinikilig tuloy ako!" Sabi ni Chynns na nangungurot pa kay Angge.
"Basta De Castro bet ko yung dyosa for you. Mas bagay kayo kasi halata namang mas pogi at attractive ka kesa dun sa Ramirez na yun!"
"Tigil tigilan nyo ko ha. Bahala kayo jan!" Si G na katatapos lang maligo.
Sa school. . .
"Hi Gorgeous. Magpaparegister sana kami for try outs." Malanding sabi ni Chynns at nagpapacute pa sa babaeng nasa registration area ng baseball varsity club.
"Ahh yeah sure. Pero here's the catch. You can't register yet sa baseball varsity club. Kelangan nyo munang pumasa sa standards ng school's baseball varsity club by playing for your department. Tsaka pa lang pipili ang board kung sino papasok sa club based sa ranking ng performance nyo." Paliwanag ng babae.
"Ha? Ano daw? Ano daw sabi?" Tanong ni Angge na halatang di naintindihan ang sinabi ng babae.
"Ganito po yun. Kelangan nyo pong maglaro sa intramurals under your department. 50% ng members ng mananalong department ang pasok agad sa varsity. The rest ay kukunin ng board based on the ranking na ibibigay nila sa inyo every after your department's game. They will get the average and yun yung magiging overall ranking nyo."
"So meaning pasok agad sa club ang 6 na members ng mananalong department, right? Tas yung remaining 6 eh based sa rankings na ibibigay ng board. Tama ba ko Miss Gorgeous?" Pagkaklaro ni Chynns. Si Angge nama'y kumakain lang ng lollipop sa gilid habang nakikinig. Si G nama'y parang walang naririnig at nakayuko lang na naglalaro ng inaapakang maliliit na bato.
"Thanks gorgeous. See you around." Nagwink pa si Chynns sa babae bago tumalikod at kinausap ang mga kaibigan.
"Oh tara na guys! Let's go to our department. Paregister na tayo. Try outs mamaya eh." Excited na sabi ni Chynns. Sumunod naman si Angge na nakaakbay sa kanya. Si G nama'y tahimik na nakasunod at nakapatong pa sa ulo ang mga braso.
Mayamaya pa'y nakita nila sa di kalayuan ang pinakaayaw nilang grupo, ang grupo ni Kai Ramirez. Pinagtitripan nila ang isang pilay at pinagpasa pasahan ang bag nito. Unang nakita iyun nina Chynns at Angge bago nakita ni G. Sa inis nila ay sinugod nila ang grupo ni Kai.
_________________________________________________
Author's Note:
Hi mga tsong! Medyo nagbibuild pa po tayo sa story but kapit lang. Exciting na yung mga susunod na mangyayari. I hope you liked this chapter. Thanks for reading. 👊
Stay awesome! Peace! ✌
- Tsong J
YOU ARE READING
RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]
Hayran KurguSTORY TEASER: This is a RaStro love story with a touch of sports. Baseball to be exact. Hope you will like it.