TLS 11: Meet the Culprit

1.2K 67 2
                                    

"Sige Big Bro balitaan mo nalang ako. Mag ingat kayo ni Wayne. Gising na si Rhi at may impormasyon na si Papa sa parents ni Rhi."

"Sige Brobro ako ng bahala. Bye."

Pagkababa ng phone ni G ay kinausap nya ulit si Greg.

"Pa. . ."

"Alam ko anak. Ako ng bahala." Tumango nalang si G bilang pagtugon at yumakap sa ama bilang pasasalamat.

Pumasok ang mag-ama sa kwarto ni Rhi at naabutan nila na magkausap ang dalaga at si Glenda. Ikwinento ni Rhi kay Glenda ang lahat ng nangyari sa kanya. Nalaman na din sa wakas ni G ang nangyari.

"HAYUP SYA!" Pabulong na sabi ni G sa sarili.

"G, anak, ayos ka lang ba? Anak, kilala kita. Wag ka munang gumawa ng hakbang baka yan pa ikapahamak mo. Alam ko may pinaplano ka pero please anak wag muna ngayon. Pagplanuhan natin to ng maayos, okay? Promise me anak." Marahan na sabi ni Glenda sa anak. Nawala naman ang pagkakunot ng noo ni G at medyo kumalma ito.

"Wag kayong mag-alala Ma, Pa, wala po akong gagawin na ikakapahamak nyo. Pangako yan. Rhi, pagbabayarin natin ang mga taong gumawa nyan sayo. Pangako ko yan sayo. Magbabayad sila." Sabi ni G habang nakahawak sa pisngi ni Rhi. Hinawakan naman ni Rhi ang kamay ni G.

"Thank you G. But please makinig ka kay Tita, okay? Please don't do things na masasaktan kami na nagmamahal sayo. Promise me G."

"I promise Rhi. . .Sige na pahinga ka na muna para makarecover ka kaagad."

"Ma, Pa, lalabas muna ako. I just have to call Big Bro baka kung ano na nangyari sa kanila ni Wayne."

"Anak, sabihin mo kay Clay magpapadala ako ng backup sa kanila. Nag-aalala din kami ng Mama mo sa kanya. Pakisabi isend sakin yung exact location nya."

"Got it Pa."

Lumabas na si G at tumawag kay Clay. Sinagot ito ni Clay at hinayaang marinig ni G ang usapan.

"Oh anong nangyari sa lakad mo? Nakahalata ba sila? Nahuli ka ba nila?"

"Hindi noh. Ako pa. Nagtanong lang naman si Clay nung pumasok ako sa kwarto ni Gyn. Akala ko kasi walang tao. Pero nalusutan ko naman sya. Di naman sya nakahalata."

"Klea. . ." Mahinang sabi ni G sa kabilang linya.

"Yung dalawa nasa ER pa. Wala pang balita. Si Gyn naman wala pang malay. Pati yung jowa mo wala pa ring malay." Sabi ni Klea.

"Sigurado Kuya mananalo kayo bukas sa laro. Pilay na grupo "namin" eh haha. Wala na si Angge at Chynns pati yung pilay wala na rin. Ang talino talaga ni Ate at naisip nya yun. Hahaha." Patuloy ni Klea.

"Sinong Ate?" Pabulong na tanong ni G habang nakikinig sa usapan. Si Clay ay nagtaka din kung sino ang tinutukoy ni Klea.

"Gunggung!!! Eh di mas lalo tayong mapaghihinalaan dahil sa ginawa nyo ni Ate!!! Di kasi kayo nag-iisip eh!!!" Galit na galit na sabi nung kausap ni Klea.

"Sinong hindi nag-iisip?! Ha Kai???"

"Klarisse. . ." Pabulong na nasabi ni Clay nung makita ang babae.

"Ate ba't ka kasi nakialam eh! Kaya naman namin silang talunin kahit buo pa yung grupo nila! Mas mapaghihinalaan tayo nyan eh!!! Di kasi kayo nag-iisip ni Klea eh!!!" Rason ni Kai.

"Hoy Kai magdahan dahan ka sa mga pinagsasasabi mo ha! Kung wala ako, wala ka sanang career ngayon. Lahat ng meron ka ay dahil sakin kasi wala namang pake sayo ni Dad. And sa nakikita ko matatalo kayo ng grupo ni G kung di ko yun ginawa. G's group is stronger than your group. G is way way better than you Kai. Yan ang hindi mo alam. At yung dalawa nyang mga kaibigan better din kesa sayo kaya mas mabuti yan ngayon na pilay ang grupo nila. At isa pa nasa side nila si Clay na magaling na player at the same time coach. For sure naman si Clay ang kukunin nilang coach. Kaya siguradong sigurado akong matatalo kayo. Gusto mo bang mapahiya tayo at mahampas ka ng bat sa pwet?! Ano nalang sasabihin ni Dad? Tsss"

"Ate. . ."

"Oo yes Kai! Alam ko ang tungkol dun. Marami akong alam na hindi mo alam."

"Oo nga Kuya!!! Magpasalamat nalang tayo kay Ate. At tsaka. . .hmmm. . .type ko kasi si G eh. At ayokong lapit sya ng lapit kay Rhi. Kaya ikaw umayos ayos ka at pakicontrol yang jowa mo kasi baka masabunutan ko yan pag nakita ko ulit na lalandi landi yan sa G ko! Ngayon na wala na si Rhi sa eksena pwede na kong maglandi kay G. For sure naman marupok din yun at papatol sa kasexyhan ko!"

"Basta akin si Clay, okay? Wag nyong gagalawin si Clay kung ayaw nyong ako mismo makalaban nyo! Nagkakaintindihan ba tayo?"

Nag-usap usap pa ang magkakapatid nung umalis sina Clay at Wayne. Nasa byahe na sila nung kinausap ulit ni Clay si G.

"Bro, you okay?"

"Big bro, di ko akalain ganun sila kasama! Magbabayad sila sa ginawa nila sa mga kaibigan natin! Pinapangako ko yan!"

"Yeah. Gotta go. I'll talk to you when we get there, okay? Just calm down and wait. Let's talk about the plan."

Pagkatapos kausapin ni G si Clay ay dumiretso sya sa magulang nya at kwinento ang lahat. Nakalabas naman agad ng ER sina Chynns at Angge. Pinuntahan ni G ang dalawa na nasa iisang kwarto lang.

"Tsong, Angge, patawarin nyo ko at nangyari sa inyo to. Ang sama lang talaga nila Kai. Akala natin grupo lang nila ang masama pero pati din pala mga kapatid nya. Traydor si Klea! Kapatid nya si Kai. Si Klarisse na Ate nila ang gumawa nito sa inyo! Magbabayad sila pinapangako ko yan sa inyo! Magpagaling kayo at gaganti tayo!"

Pagkatapos kausapin ang dalawa ay lumabas na si G. Timing naman ang pagdating nina Clay at Wayne.

Nag-usap ang dalawa kasama sina Glenda at Greg sa kwarto ni Rhi. Si Wayne naman ang nagbantay kina Chynns at Angge. Habang si Top naman ang nagbabantay kay Gyn.

Mayamaya'y nakabuo na sila ng plano para sa laro kinabukasan.

_________________________________________________

Author's Note:

What's up mga tsong? Sensya na ngayon lang nakapag UD. It's a short UD lang kasi pangit pag dinugtong ko dito yung exciting na part. Sana nag enjoy kayo and thank you sa anjan pa rin at palaging sumusuporta. Thanks for reading mga tsong. 😊

Stay awesome! Peace! ✌👊

Stay safe mga tsong!

- Tsong J

Twitter: @tsong_J



RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]Where stories live. Discover now