TLS 19: The Sign

1.3K 57 2
                                    

Kinabukasan ay naghanda na ang grupo nila G para sa nalalapit na intrams. Tatlong araw nalang bago ang laro kaya puspusan na ang kanilang paghahanda at pagpaplano. Alas 6 pa lang ng umaga nasa mansion na ng mga De Castro sina Wayne, Top, Gyn, Abby, at Gabbi. Pinadiretso sila ni Glenda sa lamesa para makapag almusal. Sina Chynns at Angge nama'y kakatapos lang maligo at pababa na rin. Habang sina G at Clay ay pareho pang tulog sa kani-kanilang kwarto.

"Good morning Tita, Tito!" Masayang bati ni Rhi sa mag-asawa sabay beso at akap.

"Oh hija, hi! Nagulat naman ako akala ko kung sinong dyosa ang dumating eh!" Sobrang excited na bati ni Glenda sa dalaga.

"Naku Tita mana lang po ako sa inyo, diba Tito?"

"Sinabi mo pa Rhi. Oh sya halika na't para makapag almusal ka na rin. Andito na din sila."

Pagdating sa hapag kainan. . .

"Hi Rhiii!" Masayang bati ng lahat.

"Uy! Hi guys! Naku naman at sabay sabay pa talaga!" Natatawang sabi ni Rhi.

"Hi Rhiii! Tabi tayo ha! Dapat tabi ang mga magaganda diba Rhi?" Maligalig na sabi ni Angge na kakababa lang.

"Iba ka talaga Angge! Ang ligalig mo! Mukhang di ka naospital nung mga nakaraang araw ah! Iba talaga! Iba talaga pag masamang damo diba guys?" Hirit ni Chynns na kakababa lang din.

"Dimunyu ka talagang Urtalisa ka!" Tawang tawa ang lahat sa bisaya na tono ni Angge.

"Ahhh Tita asan po pala si G?" Tanong ni Rhi sa ginang. Di naman yun nakaligtas sa pandinig ng mga kaibigan.

"Ayuuun hinahanap na jowa nya! Kaya pala kanina pa di mapakali eh!" Pang-aasar ni Chynns.

"Hoy Ortaleza tigil tigilan mo si Rhi ha! Hindi pa nya jowa si De Castro kasi nga diba torpe yang bestfriend mo!" Komento ni Angge. Napahalakhak naman ang lahat.

"Naku hija sinabi mo pa! Ewan ko ba kung kanino nagmana yang batang yan! Pogi naman! Tsaka di naman ako torpe nung araw!" Natatawang singit ni Greg habang kakamot kamot sa ulo.

"Pinagkaisahan nyo na naman si G! Pero I must agree torpe talaga yung batang yun jusko! Dyosa na nga tong daughter-in-law ko, babagal bagal pa! Naku jusko pag di talaga si Rhi naging daughter-in-law ko, patay talaga sakin yang batang yan!" Hirit ni Glenda. Nagtawanan din ang lahat.

"Sya nga pala hija, nasa kwarto pa si G. Tulog pa ata. Panikin mo nalang at pakigising na rin. Pati si Clay tulog pa." Nakangiting dugtong ng ginang.

"Nakakaasar tong si De Castro! May dyosang tagagising! Kapal ng apog! Rhi sabuyan mo nga ng tubig! Yung kumukulo ha! Arte arte eh!" Sabi ni Angge habang punong puno ang bibig ng bacon. Nagtawanan lang ang lahat.

"Kayo ha pinagkakaisahan nyo si G! Hahaha sige po Tita gisingin ko nalang po yung dalawa para makapag almusal na rin."

"Uyyy nagmamadaling pumanik! Sobrang miss mo na ba Ate Rhi?" Sabat ni Gabbi na di mapigilan ang kilig. Gumaya naman ang iba sa panunukso.

"Gab kebata bata mo pa ha, patay ka talaga sakin bata ka!"

"Rhi papaalalahanan lang kita, dalagang Filipina po tayo! Wag po masyadong pahalata! Tsaka umakting ka nalang din na concern ka din kay Clay. Di mo naalala yung isa eh. Palibhasa inlababoo eh." Tawang tawang hirit ni Angge. Walang humpay din ang tawanan ng lahat.

Makalipas ang ilang minuto bumaba na rin ang dalawa kasama si Clay.

"Clay, anak, dito ka na maupo sa tabi ko. Hayaan mo na yang dalawa kung san sila uupo." Sabi ni Glenda.

Nakaakbay si G kay Rhi habang todo alalay din ang isa.

"Hoy De Castro di ka pa rin ba magaling? Hanep ah! Pabebe lang ang peg bes? Palibhasa may dyosang tagaalaga!" Hirit na naman ni Angge na nagpatawa ulit sa lahat.

RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]Where stories live. Discover now