18 : Jealousy

91.8K 1.8K 64
                                    


Jealousy

Kung ang pagiging orihinal ang basehan, masasabi ko na may lamang ako. Pero hindi yun yung basehan eh. Xander might just be playing with me. Because if he trully is not then he would be home by this time. It's already 12 in the evening and my husband is not home yet. I wonder what are they doing.

Pasado hating gabi na kase ngunit wala parin siya. Ni text o tawag wala siyang ginawa para ipaalam manlang sa akin kung okay ba siya. I will understand if he chooses to stay with Melanie. They needed it together but he might as wel tell me so that I won't play the worrying part. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba at pag-aalala kung ang asawa mo ay wala pa sa tabi mo, hating gabi na.

I've already texted and called him but he doesn't seem to check out his phone. Nagmumukha tuloy akong zombie dito na naghihintay na uwian ng asawa.

So this is how it feels whenever you keep worrying for your husband. Iba nga talaga sa pakiramdam.

Habang nakaupo sa sala, sinubukan kong manood ng tv habang hinhintay siya. Baka mamaya maya, nakauwi na din si Xander. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kahihintay sa kanyang buong magdamag. I was just awaken when I felt an arms carrying me, bridal style. Nagulat na lamang ako ng magising ako sa bisig ng aking asawa.

I looked at him. Still so handsome. It's already six in the morning. Umaga na pala. Ngayon lang siya nakauwi. Ang dami tuloy tumatakbo ngayon sa isip ko dahil dun. They might have talked it out and settled everything. Puwede ring nagkabalikan na sila. Baka nga okay na sila. Ngunit hindi ko alam ang na kalakip pala non ay ang kakaibang nararamdaman ko. Masakit din pala magselos. Masakit din pala umasa. I should have known it.

Kung masakit mamulat sa katotohanang lumaki akong walang kinikilalang totoong pamilya, iba din pala ang sakit ng masaktan ang puso ng taong mahal mo.

I never tried opening myself to love someone. I never tried loving someone romantically. Dahil nga siguro sa takot akong masaktan. Ngunit pumalpak ata ako sa desisyon kong 'to. Dahil nasasaktan na pala ako.

" Uhm nakauwi ka na pala" Simpleng wika ko sa kanya. Tahimik siya at walang ginawa kundi ang magpatuloy sa paglalakad. He walked me upstairs going to our room and laid me on bed.

I don't know how am I supposed to ask him. Or I am I supposed to ask him?

Magmumukha akong clingy kapag ganon.

" Bakit ka natulog sa couch wife?" Tanong niya habang tuluyan na siyang nagpalit ng damit niya sa harapan ko ng makita niyang hindi ko na tinuloy ang pagtulog ko.

" Uhmm sorry. Hindi kase ako sanay na wala ka sa bahay ng gabi. Don't worry. I don't actually mind it." Pangiti kong wika sa kanya dahil sa kagustuhan kong itago ang ibig sabihin ng paghihintay ko. Na may dahilan ako kung bakit ko siya hinintay sa sala.

Huminga siya ng malalim bago niya ipinako ang kanyang mga mata sa akin.

" Huy okay lang ano ka ba. Simpleng paghihintay ko lang naman yun sa 'yo Mr. Montero. Sana kase nagtext ka man lang o tumawag" Saad ko sa kanya. Agad namang nabitin sa ere ang sinabi ko ng igaya niya ang aking mata sa night stand. Gusto kong sabunutan ang aking sarili ng makita ko yung cellphone niya na nakalapag don. He forgot his phone.

" Sorry, hindi ko na napansin na naiwan mo yung phone mo" Dahil dumiretso agad ako sa sala para hintayin ka. Hindi ko na nakitang naiwan mo pala yung cellphone mo dito. Untag ko sa aking sarili.

Our silence felt awkward. Pareho kaming natahimik habang pinagmamasdan ang mata ng bawat isa.

Agaran akong tumayo mula sa pagkakahiga at inayos agad ang sarili.

The Playboy's Queen (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon