41 : Baby/Babies

108K 1.9K 110
                                    


Baby/Babies

Upon arriving infront of the clinic, my husband held my hand. Kinakabahan ako, gusto kong malaman ang kondisyon ng anak ko pero kinakabahan ako. Paano kung may problema? Paano kung hindi pala okay ang anak ko?

" What are you thinking, Wife?" Nakangiting tanong sa akin ni Xander na kahapon pa excited malaman ang lahat ng tungkol sa anak namin. He was the one excited to the point of almost dragging my ass out here in the clinic.

Tuluyan ko siyang tinignan. So this is how it felt to be carrying your own unborn child while standing right infront of a clinic. Nasa sinapupunan ko palang ang anak ko ganito na ang epekto nito sa akin.

" Kinakabahan ako" Agad siyang napangiti sa sinabi ko.

" Our baby's healthy" He assured me with a smile. Agad na gumaan ang loob ko ng marinig ko ang sinseridad sa boses ng asawa ko. Ewan ko ba at sobrang saya ni Xander hanggang ngayon. Simula nang malaman niyang nagdadalan tao ako ay araw araw ko nalang siyang nakikitang nakangiti kahit wala namang dahilan. Madalas niya din akong ipagluto ng gusto kong kainin kahit alam ko namang ayaw niya yun.

Hindi ko din kase maintindihan ang gusto ko minsan. Sino ba naman kase ang may gustong makikain kung sampalok na may honey na niluto sa pinakuluang tubig. Tapos manggang hilaw na sinawsaw sa bagoong na may honey.

Nang makapasok kami sa loob ng clinic ay agad kaming sinalubong ng secretarya ng mismong OB gyne.

" Good morning Mrs. Montero, I am Dra. Ferrari. If you would allow me, I would be happy to be your private OB" Nakangiting wika ng doctora. Maganda siya at maputi. Maganda din ang kanyang pangangatawan. She is definitely a woman everyman would fall for. Tumingin ako sa aking asawa ngunit wala sa doctora ang kanyang tingin kundi nasa akin siya nakatingin na para bang binabasa niya ang nasa isip ko.

" It's me who must be greatful to have you as my OB gyne" Ako ang may kailangan ng tulong niya. Napangiti muli si doctora.

" Huwag kang mag-alala, Pilipino ako. Nakapag-asawa lang ng Italyano" Wika ni Doktora.

" At tawagin mo nalang akong Camille, okay lang naman yun sa akin" Then I turned to Xander, nakatingin parin siya sa akin kaya naman nahimigan ko na ang mahinang tawa ni Camille.

" Relax Alexander, I've got this okay. Masyado ka namang supper jan. Umalis ka nalang kaya para masimulan ko ng gawin ang trabaho ko" Nakangiting wika ni Camille kay Xander. Napatingin siya sa akin pagkatapos.

" So let's go?" Anyaya sa akin ni doktora. Hahakbang na sana ako ng kabigin ako ni Xander.

" Let's go inside wife" He muttered. Alam kong gusto niyang sumama.

Tumingin ako sa kanya. Agad ko siyang nakitaan ng ngiti sa labi.

" Huwag mong sabihing nahihiya ka parin sa akin, Asawa ko dahil ilang beses na akong nakapasok jan tapos nahihiya ka parin sa akin. Nakabuo nanga tayo eh" Mapanloko niyang untag sa akin.

Binalingan ko siya ng tinging. 'Yung tinging dapat na siyang tumigil sa kakasalita dahil naiinis na ako.

Pero ang loko, hindi pa ako tinantanan at pinagpatuloy ang pangiinis sa akin.

" Bakit? Totoo naman ah. Ilang beses pa -" Tinuop ko na ang aking kamay sa kanyang bibig upang patigilin siyang magsalita.

" Isang salita mo pa at kakalimutan kong ikaw ang ama ng dinadala ko" Sa pagkainis ko ay nasabi ko tuloy yun sa kanya. Agad naman siyang natahimik na para bang takot na gawin ko ang sinabi ko.

The Playboy's Queen (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon