39 : Pregnant

104K 1.9K 137
                                    


Pregnant

Buong magdamag akong nainis dahil buong magdamag niya din akong pinagsasabihan na naglilihi daw ako kesyo buntis na daw ako. Palabas na nga lang kami kanina sa department store ng ipagsabi niya sa mga nakakasasabay naming mga tao na buntis na daw ang asawa niya. Nakakahiya pero sa loob loob ko kinikilabutan ako sa mga asta niya. Hindi naman siya magbabanggit ng ganito kaseryosong usapan kung walang pinagmulan ang mga katwiran niya.

Alam kong may mali sa mga asta niya. Alam ko din na hindi normal ang pakikitungo niya sa akin.

Nakasakay kami ngayon sa kanyang sasakyan habang ako naman ay patuloy parin ang pagkain ng lanzones. Pang apat na bili na namin 'to. Ewan ko ba at ayaw kong tantanan ang lanzones. Kapag nakakaubos ako ng isang kilo nito magpapabili ulit ako sa kanya na siyang gustong gusto naman niyang bilhin. Tapos ang katwiran na naman niya, ayaw niya daw gutumin ang naglilihi na siyang kinaiinisan ko hindi dahil sa naiinis talaga ako kundi dahil kinakabahan ako na pakiramdam ko alam niyang buntis ako.

" Asawa ko, paubos na iyang kinakain mo. Gusto mo bang dumaan ulit tayo ng isa pang kilo" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho siya. Balak daw niyang pumunta sa supermarket upang mamili ng hindi ko alam kung ano. Basta sabi niya "It's for the future daw". E hindi ko naman maintindihan kung anong ibig sabihin nung sinasabi niya.

" Ayoko na. Gusto ko naman ng melon" Natatakam tuloy ako ng sabihin ko yun. Mukhang masarap ihalo sa mansanas yung melon.

Nakita ko ang pagngisi niya sabay tingin ulit sa tiyan ko.

" Edi bilhan ko ang asawa ko melon. Baka bukas fruit salad na hanapin mo asawa ko" He muttered. Tinapik ko siya sa braso.

" Heh, anong fruit salad ka diyan. Masama na bang kumain ng prutas ngayon" Untag ko sa kanya.

" Hindi naman. Masmasamang maglihim asawa ko. Masmasama yun" Makahulugang wika niya sa akin. Sa loob loob ko'y mapapamura na ako ng ilang beses.

Sino ba naman ang hindi kakabahan kung lahat na lang ng mga sinasabi niya ay tila ba may kakaibang kahulugan.

Tinaasan ko siya ng kilay. Kunwari naiinis ako.

" Anong lihim lihim ka diyan ha. Bilis na at ibili mo ako ng melon." Untag ko sa kanya. He just smirked at what I've said before averting his gaze at my belly.

" Secrets. You can never keep secrets from a Montero" He just whispered. In that moment. I already knew it. He knows about it already. He just wants a concrete proof to assure him of what he thinks. And as long as I won't be telling him yet, I know that he would settle with what ever I've decided. Kilala ko si Xander. He is a bussinessman with a reason afterall. Alam niyang timbrehan ang bawat sitwasyon. Hihintayin niyang ako mismo ang aamin sa kalagayan ko. He will wait I know for sure. But I don't know the sole reason for keeping this pregnancy from him if he already knows about it. It is useless. I cannot do anything about it anymore. Kung alam na din niya ang kalagayan ko, sadyang hindi ko na ito maitatago pa.

Maaga na kaming nakauwi ni Xander. Pagkatapos naming bumili ng halos tatlong piraso ng melon ay umuwi na din kami. Nagprisinta siyang siya na daw ang magbabalat at maghahanda nung kakainin ko. Hindi din daw siya papasok ngayon sa companya.

The Monteros are known to be one of the richest around the globe. Kahit saan ata ay may kompanya ang mga ito. They are known to be one of the best competitors in the world if business and fame. Their name are all around social medias. No wonder why his relationship with Melanie is very noisy when it comes to papers and tv accounts. Sino ba naman ang hindi makikialam kung ang mga taong pinag uusapan ay gayong parehong sikat.

The Playboy's Queen (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon