Chapter 7:Alelaine's POV:
"Are you okay?"...
Ipinilig niya ang ulo dapat ay nagko-concentrate site ngayon sa kaso niya, pero hindi at sumisirit sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Alejandro.
Namula siya ng bahagya nung nakita niyang titig na titig ito sa kanya, hindi niya alam kung kinikilig siya o ano, basta ang alam niya.
Gusto niya ang ginawa nitong pagtatanggol.
Pero napansin niya na parang sa kabilang dalawa lang talaga ang atensyon ng mga tao kaya naman bigla niyang naisip na baka isipin ng mga tao na nay kinikilingan ito.
Kaya naman natuwa siya nung biglang tumigil ito sa paglapit pa lalo sana nito sa kanya.
Ilang araw na din iyon at nasa kustodiya siya ngayon pagkatapos ng arraignment, since hindi siya pwedeng magpiyansa dahil sa kasong murder, hawak siya ngayon sa kustodiya.
Nung isang araw ay nangyari ang pre trial niya kung saan ang panig niya ay naglatag ng mga ebidensya, pati na din ang kabilang panig at nagkaroon sila ng pre trial order, pinag aaralan nila kung ano ang dapat na gawin sa ibinigay nilang ebidensya at kung paano 'yon gagamitin sa trial mismo.
Napakurap siya nung naalala kung paanong nakatingin sa kanya si Alejandro at hindi niya alam kung bakit.
Nagtaka din siya kung bakit nagsusuot ito ng sling bag na hindi bagay sa suot nito, nahihiya naman siyang tanungin ito dahil naiilang siya.
Napapitlag siya nung nakarinig ng tawag sa pangalan niya.
Pumasok ang dalawang pulis at hindi niya maiiwasan na hindi kabahan.
"May nagpadala sa'yo nito" sabi ng pulis at napakurap siya nung buksan nito iyon at may lamang pagkain ang containers na nasa harap niya.
"Pasensya na kung kailangan naming haluin, parte ng trabaho" sabi ng pulis at tumango na lang siya.
Nung naiwan siya at nagtaka siya kung bakit at kung sino ang nagpadala ng pagkain para sa kanya.
May ulam doon.
At basket ng prutas.
Ang abogado kaya niya ang nagpadala?
Makapagpasalamat nga sa kanya sa susunod na magkikita kami. Sabi niya sa isip dahil wala siyang taong pwedeng maisip na pwedeng magpapadala sa kanya ng pagkain.
Tinignan niya ang plastic at nanlaki angnmga mata niya at saka namula at bahagyang natawa nung nakita niyang toiletries ang laman niyon, meron pang napkins.
Ang thoughtful naman ng abogado niya.
Nakikita niya dito ang isang ama na kailanman ay hindi siya nagkaroon, kaya naman magaan ang loob niya dito.
Matapos siyang kumain ng tanghalian ay nagulat pa siya nung nakita niyang paparating ang sasakyan nito mula sa bintanang naging parang entertainment na niya.
"Kumusta hija?" Tanong nito matapos nitong nakapasok sa detained area, tumango siya at ngumiti ng tipid.
"Okay naman po, salamat po pala sa ipinadala niyong pagkain at gamit" sabi niya dito.
Tinignan siya nito at nagtataka ang tingin na 'yon.
"Ha? Wala naman akong ipinapadala na pagkain at gamit sa'yo hija" sabi nito, kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
Kung gayon sino?
Ang mga kasama niya kaya dati sa palengke? At nakokonsensya na ang mga ito sa naging trato sa kanya?
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Alejandro
RomanceHe wanted all of the things in order, like how people live, how people should obey things, the law...the rules, how people will deal if break the law. He wanted to be inside the politics to change the country for the better. Things should all be wel...