Henceforth (spg)

48.6K 1.1K 24
                                    


Note: guys alam nio na ha, pag bata pa hindi pa pwede okay?

----

Chapter 41:

Alelaine's POV:

Napalunok siya dahil kita niya na parang nawalan ng kislap ang mata nito.

"Ahm ganito yan kasi na shock ako sa nangyari tapos sinabi ng doktor na dala daw ng narinig ko sa mga kumuha sa akin na ganoon--teka Alejandro huwag kang maguilty gusto ko lang namang sabihin sa'yo at ayokong mag lihim at saka ayokong--" napatigil siya sa pagsasalita nung bigla siyang hinila nito sa isang mahigpit na yakap, mahigpit na mahigpit iyon.

Hindi manipis ang katawan niya pero ramdam niya na parang madudurog ang buto niya sa ginagawang yakap nito.

"A-alejandro sandali ang higpit! Aray--"

"I'm so sorry! I really am, I didn't know-- hindi ko sinasadya, I promise to you na hinding hindi ko 'yon uulitin pa, I'm sorry, I love you so much and hinding hindi kita sasaktan ulit" sabi ni Alejandro at bahagyang lumuwag ang hawak nito sa kanya.

Tapos ay inilayo nito ang katawan sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"I will give you all, everything that you need...every time that I have" sabi nito, parang umaapaw naman ang puso niya sa tuwa sa sinabi nito.

Umiling siya.

"Hindi Alejandro, mahal kita at iisa lang ang hinihinging kapalit niyon... ang mahalin mo ako" sabi niya dito, ngumiti ito.

"I will Alelaine, even if you stop loving me, I won't stop loving you" sabi nito habang masuyong halik ang iginawad nito sa labi niya.

Imposible ang sinasabi nitong ititigil niya ang pagmamahal niya dito.

"Hindi iyon mangyayari" sabi niya at niyakap niya ito, ramdam niya ang malakas ng tibok ng puso habang yakap niya ito na parang sinasabayan iyon ng tibok ng puso niya.

Napapitlag sila sa pagyayakapan nung biglang tumunog ang cellphone nito.

Nag react siya at itinulak ito ng bahagya para sagutin nito ang tawag pero ayaw siyang pakawalan nito.

"Don't mind it, wala akong balak sagutin 'yan kapag kasama kita" sabi nito, nakagat naman niya ang ibabang labi sa sinabi nito, dahil talagang ginagawa na nito ang sinabi nitong ibibigay nito ang oras na nakalaan para sa kanya.

Ang sweet naman niya...kinikilig na sabi niya sa isip.

Pero nung tumunog ulit iyon ay siya na mismo ang kumuha niyon sa bulsa nito at ibinigay iyon dito.

Bumuntong hininga ito.

"Okay lang ano ka ba, sagutin mo na, hindi naman ako aalis dito" sabi niya at pinapalabas ito ng kotse para sagutin nito ang tawag.

"It's okay" sabi nito ay sinagot nito ang tawag.

"Yes?" Sabi ni Alejandro, inikot niya ang mata dahil dapat hello ang isasagot nito at hindi lang yes.

"Yes, what can I do for you? What? No no, I'm her husband now" sabi nito at napatingin siya doon sa sinabi nito, siya ba ang topic?

Mukhang oo dahil nakatingin ito sa kanya.

"Yes I'm her husband now...what do you care? Yeah, an interview?"

Anong interview?

Sa kanya? Bakit?

Naningkit ang mata ni Alejandro at parang naiinis na ito sa kausap.

"I see, an interview right now? We just got married at istorbo ka, we're doing our--"

Perfect Imperfections: AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon