Jealous

37.8K 1.2K 71
                                    


Chapter 12:

Alelaine's POV:

"SO WHO THE HELL IS HARRY"

Napatili siya sa boses na biglang narinig niya pero agad ding naputol iyon at nakulong sa lalamunan niya nung mabilis na tinakpan ng may ari ng boses ang bibig niya.

"Shhh!! Keep down, it's me"

Nanlalaki ang mga mata niya nung natamaan ng ilaw ang mukha ng taong may ari ng boses.

Napakurap siya habang nakatingin kay Alejandro at lumakas ang tibok ng puso niya.

Gulat na inalis niya ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya.

"Anong ginagawa mo dito!" Gulat niyang tanong kay Alejandro at agad niyang napansin ang suot nito.

Simple lang ang suot nito, naka maong na itim at puting t-shirt na alam niyang kahit simple ang suot ay alam niyang mamahalin, base na din sa marka at design niyon, alam niyang hindi iyon peke.

Bakat na bakat ang matipunong katawan nito sa suot nitong t-shirt, litaw na litaw ang mga braso nito na hindi niya nakikita dahil sa suot nitong amerikana at naka toga ito.

Ang gwapo naman nito.

At amoy niya ang mabining amoy ng pabango nito, hindi iyon masakit sa ilong, parang ang sarap pa ngang singhutin.

Ngumiti ito.

Agad na kumabog ng husto ang puso niya na kanina pa bumibilis ang tibok pagkakita niya dito kanina.

"A-anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Saka bakit ganyan ang suot mo? Diyos ko baka may makakita--"

Natigilan siya sa pagsasalita nung inilagay ni Alejandro ang daliri nito sa ibabaw ng labi niya para patigilin siya sa pagsasalita. Napaigtad pa siya dahil sa parang kuryente na nanulay sa kanya dahil sa pagkakadaiti ng daliri nito sa labi niya.

"Keep quiet, Alelaine" sabi nito, tumango siya at lumunok dahil sa boses nito.

Ang sexy kasi niyon at dumagdag ang halos pabulong na pagkakasabi nito.

Para silang mag jowa na gagawa ng--

Namula siya.

"Why are you blushing?" Tanong nito at lalo siyang namula dahil sa pinag iisip niya.

Hindi naman siya makapagsalita dahil baka bigla niyang naisubo ang daliri nito. At saka kapag baka aalisin niya ang daliri nito sa bibig niya eh mahahawakan niya ang kamay nito.

Nanlaki ng husto ng mga mata niya na feeling niya halos maalis iyon sa pagkakapwesto dahil parang ibinaba nito ang daliri nitong nasa labi niya at inihaplos nito iyon sa kahabaan ng labi niya.

Nangyari ba iyon? Parang ang bilis naman yata?

Imagination ko na naman yata?

Tama siya, baka nga talagang imagination niya 'yon.

"Who's Harry?" Tanong nito at naging seryoso ang mukha nito.

"Ha?" Takang tanong niya.

"Harry, who's Harry?" Ulit naman nito.

Kumunot ang noo niya.

"Ahhh si Harry? Siya ''yong gusto--"

"Stop liking him" agad na putol nito sa sinasabi niya.

"Ha ano? Bakit naman? Ang galing nga niya eh--ahh!" Impit siyang napatili nung biglang itinulak siya nito pahiga at bahagyang dinaganan at saka nito itinaas ang mga kamay niya.

Perfect Imperfections: AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon