Beside him

27.7K 929 34
                                    

Chapter 28:

Alelaine's POV:

Sinundan niya ang kadena at doon niya nakita na dapat ay nakatalikod si Alejandro.

Pero nakaharap ito habang nakanganga.

Mukhang narinig nito ang lahat.

At mukhang nakita nito ang lahat....lahat.

Tumili siya.

Dahil natataranta siya habang nagtitili wala sa loob na hinila na niya pataas ang panty niya pasuot, pero dahil sa ginawa niya...nakalapit na ng husto ang kamay nito.

At pumalo ang kamay nito sa legs niya at hindi sinasadyang nasalat ng kamay nito, hindi lang ang legs niya kungdi ang buhok na tumatakip sa pagkababae niya.

Nahawakan na niya ang brown na walis tambo ko!
Tili niya sa utak.

Napatigil siya at napasinghap ng sobrang lakas.

Kita niyang hindi ito makagalaw at tulala habang naiwasiwas ang kamay nito dahil sa pagkakaposas nila.

Tumili siya ulit.

Natataranta na siya at ang lakas lakas na ng tibok ng puso niya.

"Shít!" Narinig niyang mura ni Alejandro at namalayan na lang niyang takip na ng malaking kamay nito.

"Hmmmpphh!" Tili pa rin niya.

"Be quiet!" Saway ni Alejandro, nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito at pakiramdam niya umalis na ang mga mata niya mula sa kinalalagyan nung naramdaman niyang nasa garter na ng panty at shorts niya ang kamay nito!

"Be still! Oh dear God lalo kitang mahahawakan!" Sabi nito at siya lang ba o parang nanginginig ang boses nito?

Lalo siyang nagpapapalag dahil naramdaman niya ang kamay nito sa puson niya!

Anong ginagawa nito?

Anong nangyayari!  Tili niya sa isip dahil dapat matakot siya sa nangyayari pero bakit parang...

Hindi ako excited!

Napatigil siya nung naramdaman niyang umakyat na ang suot niyang panty at shorts.

Saka lang niya napansin na hingal na hingal si Alejandro at ang posisyon nila ay nasa malamig nang tiles ang likod niya, habang ito ay iniipit siya.

"A-anong--" tinignan niya ang sarili at kita niyang naka suot na maayos ang underwear at shorts niya.

Namula siya ng husto nung narealized niyang itinaas pala ni Alejandro ang suot niyang salawal.

Pakiramdam niya para siyang maiiyak ng husto.

Pahiyang pahiya ang nararamdaman niya.

Nangilid ang luha niya at saka siya yumuko.

At hindi na niya napigilan ang mapahikbi.

Sino ba'ng hindi?

Nakita na niya ang monay ko!

At tuluyan na siyang napaiyak ng malakas.

Inis na inis siya, hindi na nga siya sexy, nakitaan pa siya.

Para siyang teenager na nabuking na may crush sa varsity player pero hindi sila bagay kaya nagiging tampulan siya ng tukso.

Naiinis siya sa sarili, sa pagkakataon...at mismong kay Alejandro.

Sa inis niya hindi na niya napigilan ang sarili at hinampas niya ang braso nito...at sinuntok niya ang dibdib nitong hindi man lang matinag.

Perfect Imperfections: AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon