Snake

30.6K 955 11
                                    


Chapter 17:

Alelaine's POV:

Kanina pa siya balisa.

At hindi siya mapakali.

At masama ang kutob niya...sobrang sama.

At may nagsasabi sa kanya sa loob loob niya na kailangan niyang tawagan si Alejandro, at makuha pabalik ang flash drive na nasa kamay ng abogado niya.

Iyon at iyon lang ang nasa isip niya.

Biglang nag iba ang tingin niya sa abogado niya, pakiramdam niya, hindi pa niya talaga ito nakilala.

Ibig sabihin...peke ang ipinapakita nitong pag aalala sa kanya.

Na peke ang lahat lahat?

Tama ba siya?

O nagaakusa siya sa isang tao?

Pero ano 'yong nabasa niya?

Sino ba ang nagbigay sa kanya ng abogado? Ang gobyerno di'ba?

Kailangang malaman 'to ni Alejandro, pero paano?

Hindi niya alam kung saan ito hahagilapin? Ano bang sasabihin niya dito? Na may hinala siyang may ginagawa ang abogado niya na dapat ay hindi niya pagkatiwalaan?

Naguguluhan na siya sa gagawin.

"Attorney?" Tawag niya sa pansin nito nung nakabalik ito.

"Bakit?" Tanong nito sa kanya.

"Pwedeng kunin ko muna 'yong flash drive? Ako muna magtatago, baka kasi makuha na naman kagaya nung huli" gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi siya nautal sa pagsasalita kahit na ang totoo ay kabadong kabado siya.

Nakita niyang natigilan ito.

"A-ako na lang hija, mas safe" sabi nito at agad niyang nilulon ang kanang naramdaman niya kanina at pilit na pinatatatag ang boses dahil napansin niyang nautal ito.

At kailanman hindi pa niya ito narinig na nautal ni minsan.

"Mas safe po kasi dito, may bantay pa po ako o di'ba? Saka para hindi po kayo tambangan sa labas ng kalaban natin" sabi niya dito, hindi nito nagsalita at tinignan siya nito.

Iniisip kaya nitong naghihinala na siya?

Kailangan niyang ginawa ng paraan.

"Gusto ko po kasing safe kayo lagi, kayo lang po kasi ang pag asa ko, attorney" sabi niya at bahagyang pinalambing ang boses.

Bumuntong hininga ito.

"O-okay sige hija" sabi nito sabay abot sa kanya ng flash drive pabalik sa mga kamay niya, agad niyang sinaway ang sarili na huwag magmadaling kunin iyon at ibulsa dahil baka makatunog ito.

Ngumiti siya dito.

"Sa inyo lang po ako may tiwala na makakalabas po ako dito at malinis ang pangalan ko" sabi niya dito, at gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa pag arte niya na pwedeng manalo siya ng award.

Kahit na ang totoo ay nagrerebelde na ang loob niya.

Hindi niya man kilala ang taong nag send dito ng email pero ang lakas talaga ng pakiramdam niyang mapapahamak siya.

Nakalipas ang ilang sandaling pagtitipa nito sa cellphone nito ay nagpaalam na ito sa kanya.

Siya naman ay nag iisip ng paraan para makausap ng personal si Alejandro, at sabihin ang kung anong naiisip niya at nakita niya mula sa abogado niya.

Perfect Imperfections: AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon