Wrong way

32.4K 1K 38
                                    


Chapter 16:

Alelaine's POV:

"Yes, Alelaine... you're being framed" sabi ni Alejandro sa kanya.

Framed?

As in framed up?

Napasinghap na tumingin siya dito mula sa video na pinanood niya.

"N-na framed up a-ako..." Tigagal niyang sabi habang nakatingin kay Alejandro.

Pakiramdam niya para siyang pinatulungan ng kung sino sino. At inapak apakan siya dahil isa lang siyang walang kayang tao.

Isang magkahalong galit at relief ang nararamdaman niya.

Galit dahil sa kung sinong tao ang nagbibintang sa kanya ng kasalanan na hindi naman niya ginawa.

At relief dahil may pag asa siyang nakikita na pwedeng siyang mapawalang sala sa mga nangyari.

"Alelaine I promise, I will reveal who's--"

Agad niyang niyakap ito ng mahigpit, pakiramdam niya, ito ang magliligtas sa kanya sa kinakakasadlakan niya ngayon.

"Thank you, Alejandro! Hindi ko alam ang mangyayari sa'kin kung hindi dahil sa'yo, baka kung--"

Natigil siya sa pagsasalita nung biglang ginantihan nito ng yakap ang yakap niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya sa ginawa nito.

"Don't thanked me yet, Alelaine... it's not yet over, but I will assure you, the truth will come out" sabi nito at hindi siya binibitiwan kahit na inilayo na niya ng bahagya ang katawan, senyales na gusto na niyang kumalas sa yakap.

Narinis niyang parang suminghap ito.

Bakit?

Tapos ay marahan siyang inilayo mula sa katawan nito, at saka siya tinitigan.

Hindi siya makaiwas ng tingin dahil hawak nito ang magkabilang pisngi niya...na namumula.

"I will try to investigate more, but this evidence.. is one big proof that you're innocent, and I will try to reveal who's behind this" sabi nito habang titig na titig sa mga mata niya, parang ipinapaalam ng mga mata nito na gagawin nito ang lahat para sa kanya.

Hep! Tigil ka diyan Alelaine. Paalala niya sa sarili.

Hindi siya pwedeng padala sa kung ano anong iniisip niya.

"M-may alam ka ba kung sino ang nasa likod nito?" Nauutal na pag iiba niya ng usapan.

"Hmm...I'm still digging things, but my friend will help me with it" sabi nito at ngumiti.

"G-ganoon ba?" Bakit hindi pa din niya ako binibitiwan? Sabi niya sa isip.

"Yes, and by the way, where's your lawyer?" Tanong nito, napakurap siya nung binitiwan siya nito.

Nung naglakad ito para umalis sa harap niya para buksan ang pinto nung napansin niyang lapat na lapat sa katawan nito ang suot nitong damit, at kitang kita niya ang hugis ng mga muscles nito sa katawan.

Kita niya ang hugis ng muscles nito sa braso...sa lapad ng balikat nito..ang mismong muscles nito sa dibdib...at sigurado siya.

May mga abs ito.

Ipinilig niya ang ulo dahil sa pinag iisip.

"Hindi ako sasama sa'yo palabas, I need to hide myself while helping you, so I need you.." Sabi nito at lumapit sa kanya.

Ano daw? I like you?

Ambisyosa ka! Saway niya sa sarili.

Agad siyang napaatras habang halos tumatalon ang puso niya dahil sa sinabi nito.

Perfect Imperfections: AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon