Special Chapter 1 (mild spg)

39.2K 869 15
                                    


Alelaine's POV:

Bumuntong hininga siya habang tinitingnan ang sarili sa salamin sa gym kung saan siya naroon ngayon.

Malaki na ang ipinayat niya matapos niyang makapanganak sa ikatlong anak nila ni Alejandro.

Hindi naman siya tipong banidosa, ni wala siyang pakialam dati kung lumobo siya.

Pero may asawa na siya.

At ubod ng gwapo.

Ang lalaking lalaki niyang asawa.

Alam niyang mahal na mahal siya nito, napatunayan nito iyon ng kung ilang beses.

Sa katunayan ay naging instant relationship goals silang dalawa matapos ang kaso niya, ginawan ng pelikula pa nga, naging patok pa nga 'yon, at binayaran siya ng gobyerno para sa danyos ng maling pag aakusa.

Kaya naman itinuloy niya ang pag aaral niya gamit iyon, kahit na ipinilit ni Alejandro na ito na mismo ang magbyad, pero tumanggi siya. Gusto niya kasing may narating siya sa sariling pagsisikap niya.

Matapos ng kasal nila ni Alejandro sa huwes ay nagpakasal silang dalawa sa simbahan na inabangan ng marami dahil kakaiba daw kasi ang kwento ng love story nila.

At sila ni Alejandro? Hindi siya tinitigilan nito hangga't hindi siya nabubuntis, kaya naman sa loob ng mahigit na limang taon na kasal na sila ni Alejandro ay naging tatlo agad ang anak nila.

Hindi kasi uso kay Alejandro ang family planning, gusto kasi nitong wala na daw dapat umagaw sa kanya dahil sa kanya lang daw siya nito.

Well, noon 'yon, hindi niya alam kung bakit nitong huli ay halos wala nang nangyayari sa kanilang dalawa.

Nakakapagtaka dahil kahit pagod sa trabaho si Alejandro ay tatlong beses na may nangyayari sa kanila, partida iba pa iyong hawak hawak nito.

Kaya naman ngayon, ang nabuong tiwala niya sa sarili ay unti unting nawawala dahil hindi siya pinapansin nito.

Nung nakaraang mga linggo ay may ginagawa pa itong hawak sa kanya pero nitong huli ay wala na talaga.

May tiwala siya dito at iniisip niyang pagod lang ito pero, hindi naman niya maiwasang hindi mag isip ng kung ano ano.

Kaya naman ngayon ay laman na siya ng gym.

Tinignan niya ang sarili.

Masasabi agad na sexy na nga siya kung tutuusin, madami din kasing lalaking lumalapit sa kanyang nagji-gym.

Lumiit ang bewang niya na naging bente sais, ang balakang niya ay naging trenta'y otso, at ang dibdib niya ay...malaki pa rin.

Malalaki ang dibdib niya na dahil sa pagpapa breastfeed niya sa anak, maliit na din ang bewang niya, dahil tinulungan siya ng mother in law niyang Mommy Catriona, nung una ay masungit ang tingin niya dito pero nung naglaon ay talagang mabait ito at sinusubaybayan daw nito ang love story nilang dalawa ni Alejandro dati, pati nga iyong pelikula na hango sa istorya nila ay pinanood nito.

Isa siya sa maswerteng babaeng may mabait na in laws.

Ito kasi ang tumutulong sa kanya sa diet na itinatanong niya, health enthusiast kasi ito at kita iyon sa katawan at itsura ng mga in laws niya na akala niya dati ay kapatid lang ni Alejandro.

At masasabi niyang kaya pala ang gwapo gwapo ni Alejandro kasi parang mga artista ang mga magulang nito, ang gwapo at ganda din ng kapatid ni Alejandro na si Miguel at Barbara.

Nalaman niyang may lahi palang espanyol ang mga ito at amerikano kaya pala tunog amerikano ang apelyido nila.

Napangiti siya dahil kasali na siya sa apelyido at pamilyang O'Connell.

Perfect Imperfections: AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon