Puzzle

31.2K 986 13
                                    

Chapter 15:

Alelaine's POV:

Bumuntong hininga siya at pumasok sa ladies room.

Papasok palang sana siya pero nagulat siya nung bigla na lang may humablot sa kanya mula sa gilid.

At akmang titili siya pero natakpan na ang bibig niya at hinila siya papasok sa banyo.

Bago pa man niya makita ang taong humila sa kanya ay ipinaikot siya nito para makaharap siya sa tiles na dingding ng banyo.

Akmang lilingunin niya ito nung may biglang may tumakip sa mga mata niya!

"Tulon--"

Pero naiipit ang boses niya sa lalamunan nung mabilis ulit na natakpan ang bibig niya nung saglit iyong makawala.

Napasinghap siya nung gamit ang isang malaking kamay ay hawak ngayon ang dalawang kamay niya sa likod at naipit ang katawan gamit ang isang parang pader na katawan.

Impit siyang napatili nung nakaramdaman siya ng isang bagay na tumutusok sa puson niya, malapit sa umbok ng pagkababae niya.

Hindi niya alam ang nangyayari, bigla na lang may humila sa kanya papunta sa banyo at sa isang iglap nakapiring na ang mga mata niya, may kamay na nakatakip sa bibig niya, habang ang dalawang kamay niya ay nasa likod niya hawak ng isang malaking kamay, at epektibo ang pagkaka ipit ng matigas na katawan ng kung sinong may hawak sa kanya ngayon.

Sigurado siyang malaking tao ang may hawak sa kanya ngayon dahil hindi kaliitan ang katawan niya pero hawak siya na parang ang liit niya.

"Hmmmpphh!" Tili niya pero naiipit iyon.

Hinihingal na din siya dahil sa pagpipilit na makawala sa may hawak sa kanya.

Ewan niya pero bakit iba sa pakiramdam sa katawan niya ang pagkakadikit niya sa matigas na katawan at sa bagay na nasa pagitan ng hita niya?

"Shhhhh Alelaine, it's me! Keep quiet..." Sabi ng boses na kilalang kilala niya, agad siyang natigilan sa pagpalag.

Agad na binitiwan nito ang bibig niya, pati na din ang mga kamay niya sa likod, agad niyang inalis ang piring niya sa mga mata, nakita niyang naka turtle neck ito na itim na may mahabang manggas, naka bull cap ito ng itim din.

Bakit ganito ang suot nito?

"Anong ginagawa mo, Alejandro?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Napasinghap na tumingin siya sa katawan nilang magkadikit pa rin.

Iyon ba 'yong--

"Oh, are you not comfortable? Hmmm..." Sabi nito at may halong pabulong ang boses nito na inilapit pa nito ang bibig nito sa tenga niya.

Napasinghap siya at pinandilatan ito ng mata.

"Tinakot mo ako ! B-bakit ka ba nanghihila na lang?" Sabi niya at pilit na pinatatatag ang boses kahit na napapalunok siya dahil sa magkadikit nilang katawan.

Bakit hindi pa niya inilalayo ang katawan niya?

"Because I have a message for you" sabi nito, at saglit na tinitigan siya ng matiim.

Grabe naman 'to kung makatingin.

Para kasi siyang matutunaw at nagpapabilis ng tibok ng puso niya sa mga tingin nito.

"P-pero bakit may piring?" Nauutal na sabi niya dahil amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito.

"There's a saying, na kung mas kokonti ang nakakaalam, mas safe, so I tried.."

Perfect Imperfections: AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon