Special chapter 2 (spg)

64.1K 1.5K 71
                                    

Alelaine's POV:

Mabilis niyang tinapos ang pagkain nung nakita niyang pababa na ang asawa niya, Sinadya niyang maagang magluto ng almusal para sa mga anak niya.

"Akin na muna si baby Rafael" sabi niya sa yayang may buhat sa baby niya.

"Alelaine.." Tawag sa kanya ng asawa niya pero hindi niya ito pinansin at tinignan niya lang ito ng masama at ipinakita niya dito ang maga niyang mga mata..

Agad siyang umakyat para i-breastfeed ang anak.

Habang nagpapabreastfeed ay nilalaro niya ang manipis pang buhok ng anak, habang ang baby niya ay titig na titig sa kanya.

"Baby...are you wondering why mommy's eyes are swollen?" Malambing niyang tanong dito, nag baby sound ito at parang curious na nagsalubong ang kilay nito.

Natawa naman siya dahil nakilala niya ang ganoong itsura ng mga kilay kapag curious ito sa isang bagay.

Ang ekspresyon ng mukha ng anak nila ay nakuha nito kay Alejandro.

Mukhang si Blanca lang ang naging kamukha niya at ang ikalawang anak at ang bunso nila ay nagmana kay Alejandro.

Bunso?

Ibig sabihin...wala na silang balak sundan si baby Rafael?

Napasimangot naman siya, paano nila masusundan kung ang mismong kasama niya sa paggawa ng bata ay ayaw na sa kanya?

Kaya inis na inis na siya sa asawa niya.

Bumuntong hininga siya, hindi niya dapat ipakitam sa anak niya na naiinis siya.

"Sorry baby, medyo inis lang si Mommy" sabi niya at ipinagpatuloy ang pagpapabreastfeed dito habang nakaupo at karga ito sa kama.

Nakaidlip yata siya at may naramdaman siyang parang umangat ang baby niya mula sa braso niya at agad siyang napamulat at on instinct ay hinawakan niyang mabuti ang anak niya.

Agad na parang nawala ang antok niya nung nakita ang taong nasa harap niya.

"Mahuhulog na kasi kayo ni baby" sabi nito, tinignan niya ito ng masama at sinasabi niya doon na alisin nito ang kamay sa anak nila.

Bumuntong hininga ito at bumitiw sa kanila.

"Lumabas ka" malamig na sabi niya dito at inasikaso niya ang anak.

Napansin niyang hindi ito gumagalaw kaya tinignan niya ito, pagkatingin niya ay nakatingin ito sa dibdib niyang naka exposed.

"Nakakadiri di'ba? Huwag mo nang tingnan" nang uuyam at naiinis na sabi niya at agad na tinakpan ang dibdib.

Inilagay niya ang anak sa maliit na kama nito at sinecure niya ang pwesto nito kung may pwedeng tumakip sa mukha nito at akmang aalis na nung hinuli ni Alejandro ang braso niya.

"Alelaine, listen to me, hindi ako pandidiri sa'yo okay? I said I was busy--" hindi niya pinatapos ang sinasabi nito at ipiniksi niya ang braso.

"Sorry, busy din ako, kaya excuse me" mataray niyang sabi, at agad na bumaba at tinawag ang isang yaya para bantayan ang baby niya para aasikasuhin niya ang dalawang anak.

Agad niyang pinaliguan ang mga ito, dahil kahit may yaya ang mga ito, gusto niyang siya mismo ang mag aalaga at mag aasikaso ng mga anak niya.

Unang pinaliguan nia si Alvaro na sobrang likot kaya naman hindi pa tapos ay basang basa na siya.

Lahat ng anak niya ay nagmana yata ng kulay sa kanya dahil gaya ng panganay nila, maputi din ito, kaya Alvaro ay dahil kinuha nila sa Alba na ibig sabihin ay puti.

Perfect Imperfections: AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon