>> Prologue <<

2.5K 44 0
                                    


1994  ******

Isinilang ni Cecil ang isang malusog na sanggol ngunit kinalaunan ay binawian siya ng buhay dahil sa komplikasyon sa panganganak.

Kinuha ni Emanuel Ang bata sa tiyahin ni Cecil at binilinan ito ng Malaking halaga upang tuluyang manahimik. Dinala niya Ang sanggol sa kanilang hacienda at palihim na ipina ampon sa mag asawang hardinero na walang anak.

" Señorito, kaninong bata po ba ito at basta basta niyo nalang siya ibibigay sa amin? "   Tanong ni Mang Fredo. Sa lahat ng trabahador ng kanilang hacienda ay itong mag asawa ang higit niyang pinagkakatiwalaan.

" Mang Fredo, anak ko po Ang batang Yan kay Cecil. "

Gulat na gulat Ang mag asawa at saglit na nagka tinginan.

" Kay Cecil? Yung naging kasintahan Nyo dati pero pinaghiwalay kayo ni Señor Arturo dahil mahirap lang si Cecil? "  Tanong naman ni aling Esme.

" Opo. "

" Bakit niyo po ipapa-ampon sa amin ang anak Nyo? Nasaan po ba si Cecil? "

" Wala Na si Cecil, binawian siya ng buhay matapos manganak.... Mang Fredo, Aling Esme, ikakasal na po ako Kay Rebecca. Hindi po pwedeng malaman ng mga pamilya namin Na nagkaanak ako sa ibang babae.. baka itakwil ako ni Mama at Papa, tanggalan ako ng mana at masisira Ang reputasyon ng pamilya Javier... Kaya Sana po, walang makakaalam nito kahit na sino. Nakikiusap po ako SA Inyo, ingatan Nyo po at alagaan Ang bata. Kayo Na po Ang bahalang magpalaki SA kanya. "  Inabotan niya ito ng ilang bultong halaga ng pera Na nakalagay sa isang bag Na di gaanong kalakihan.
" Mang Fredo, narito po Ang pera, mamayang madaling araw ay umalis Na po kayo dito sa hacienda bago sumikat Ang araw. Ako Na Ang bahalang magpaliwanag Kay papa. Ang importante ay mailayo niyo Ang bata. Wag Na wag na kayong magpapakita dito. "

Gaya nga ng sinabi ni Emanuel ay naka Alis na Sila Aling Esme bago sumikat Ang araw dala ang sanggol. Sumakay sila ng Jeep papunta sa kabilang bayan at doon nangupahan ng maliit Na bahay sa may tabing dagat. Doon nila pinalaki at itinago ang bata. Kanila itong inalagaan ng mabuti, at minahal Na parang tunay nilang anak.

Kailangan Ko'y Ikaw   { Rated SPG }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon