Chapter Twenty Two

887 12 1
                                    


MIKE was about to explode because of hatred in his heart. Nalaman pa niyang makakalaban niya si Greg sa nalalapit na eleksyon.

Kinakalaban talaga ako ng Greg na yun! Pwes, ibibigay ko sa kanya ang hinahanap niya.

He answered his phone. " Yes? Nagawa niyo ba ang ipinapagawa ko? "

" Yes, Boss. Hawak na po namin si Natalia Guevarra. "

" magaling, dalhin niyo siya sa Rest house at gaposin niyo doon sa basement. Pupunta na ako. "

" Opo. "

Nakangising ibinaba ni Mike ang telepono saka lumulan ng sasakyan.

------------

Bumungad sa kanya ang walang malay na dalaga. Nakagapos ang mga kamay at paa nito sa silya.

" ano pong gagawin natin sa kanya? " tanong ng isa sa mga tauhan niya.

" hayaan muna natin siya dyan. Hintayin muna nating mabaliw si Greg sa kakahanap sa asawa niya. It will be a distraction to him. Wag na wag niyong hahayaang makawala ang babaeng yan, magsusumbong at magsusumbong yan. Pagkatapos ng mga plano ko ay tuluyan na natin yang patatahimikin. "

" masusunod, Congressman. "

****************

" bakit hindi ko makontak si Natalia? Alam niyo ba kung nasaan siya? " tanong ni Greg sa kabilang linya.

" hindi ko alam, Galing na ako sa hospital at Villa niya pero wala siya doon. "
Wika ni Vincent.

" magkikita sana kami ngayon after her work, pero hanggang ngayon hindi pa siya dumadating. "

" baka may pinuntahan lang at lowbat ang cellphone niya. "

" sana nga. Masama kasi ang kutob ko eh. "

" wag kang mag alala, Greg. After 24 hrs na hindi pa bumabalik si Natalia, ireport na natin ito sa Police. "

" sige. " pero sa kaloob looban niya ay hindi niya na mahintay pa ang 24 hrs. He need to search her as soon as possible.

Madali niyang ibinaba ang telepono saka aakyat na sana sa taas para kunin ang susi ng sasakyan nang biglang may magsalita sa kanyang likuran.

" Are you okay? Nagmamadali ka yata, may problema ba? "

Napalingon siya dito.

" Nawawala si Natalia. I need to find her right away. "

" baka may pinuntahan lang at----- "

" Abi, i feel something bad might happen. Ayokong may mangyaring masama sa kanya. "

****************



Nagising si Natalia ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa at kamay dahil nakatali ito. Tulog na tulog ang isang lalaking nagbabantay sakanya. Napalinga linga siya sa paligid at napagtanto niyang nasa isang basement siya.

Kailangan niyang makaalis dito, kailangan niyang makontak si Greg para humingi ng tulong. Kaya tahimik niya nang tinatanggal ang pagkakatali sa kanyang mga kamay. Ilang sandali pay natanggal nga ito pati ang tali sa mga paa niya ay natanggal na rin saka kinuha ang isang baril na nasa mesa at maingat na lumabas ng basement.

May dalawang armadong lalaki ang papalapit sa Basement kaya agad siyang nagkubli sa mga malalabong na halaman. Hindi pumasok ang mga ito sa basement sa halip ay nagbantay lang ito sa labas. Buti nalang ay nakalabas na siya. Pagapang niyang tinungo ang isang malaking puno at doon nag kubli. Gabi na at hindi niya matantsya kung anong oras na.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa kanyang secret pocket saka idinial ang number ni Greg , nakahinga naman siya ng maluwag nang sagutin nito ang tawag.

" Natalia!!! Nasaan ka ba?? Kanina pa ako nag aalala sayo, " wika nito sa kabilang linya.

" Greg, nandito ako sa resthouse ni Mike sa bandang hilaga ng San Miguel. Dinakip nila ako, at dinala dito. Kailangan ko ng tulong mo para makalabas ako dito. Masyadong mahigpit ang seguridad dito. Malabong makakatakas ako dito ng walang tulong galing sa labas. " aniya. Tandang tanda niya pa ang lugar na ito ng minsan ay sinundan niya si Mike at nalaman niyang nandito rin ang Shabu Laboratory nito.

" sige2* papunta na ako dyan. Hihingi na din ako ng tulong nina Vincent. Hintayin mo ako dyan. "

" Okay, sige. Mag ingat ka. "

Ilang minuto ang lumipas bago niya narinig ang isang sigaw malapit doon sa basement.

" Nakatakas ang babae!!!! Hanapin niyo! Nandito lang yun dahil hindi ito makakalabas ng compound. Hanapin niyong mabuti kung ayaw niyong malintikan kay Congressman! "

Sinasabi ko na nga ba, walang ibang may pakana nito kundi si Mike!

" Aha! Nandito ka lang pala! " akmang susugurin na sana siya ng lalaki ngunit agad niyang na baril ito sa dibdib na kaagad namang bumagsak sa lupa.

Napatakbo siya nang makitang papalapit na ang mga lalaki. Nakipag putukan siya dito hanggang sa maubos ang kanyang mga bala. Wala na siyang magawa kundi ang tumakbo at tumakbo nalang. Laking tuwa niya ng makasalubong si Greg ngunit sa pagyakap niya dito ay pumutok ang baril at tumama ito sa likuran niya. Nabaril pala siya nung lalaking humahabol sa kanya.

Kaagad nitong binaril ni Greg ang dalawang lalaki na kaagad namang binawian ng buhay habang agad niyang dinaluhan ang asawang naghihingalo.

" Nat, kapit lang. Dadalhin na kita sa ospital. "

" Greg.. Baka hindi na ko umabot. " pilit nitong mag salita kahit na lumalabas sa bibig nito ang mga dugo.

" Nat, dont say that words. Come on! " maingat niya itong binuhat.

Busy naman sa pakikipag putukan ang mga NBI at PDEA kasama si Agent Roa sa mga lalaking armado. Nang ma corner nila ang isang lalaki ay pinusasan nila ito kaagad at nagmamaka awa pang wag patayin. Nakita nila ang shabu laboratory.

" umamin ka! Kaninong laboratory to??! " sigaw ni Agent Roa sa suspek saka tinadyakan.

" H-hindi ko alam!! "

" Ah ganun! " Pinaputukan niya ang daliri nito sa paa.

Napahiyaw ito sa sobrang sakit.

" Tama na!!!! Magsasalita na ako! "

" Sige, magsalita ka kung ayaw mong pumutok yang bungo mo! " itinutok niya ang baril sa ulo nito.

" Kay Congressman Javier po yan! Supplier po siya ng droga sa buong lalawigan ng Bulacan. "

Nagulantang ang mga awtoridad sa sinabi nito. Hindi sila makapaniwalang Supplier pala ng Drugs ang butihing Congressman.

" hulihin niyo ang lalaking yan, ilagay niyo siya witness protection program. Dahil isa siya sa mga witnesess laban kay Congressman Javier. "






Kailangan Ko'y Ikaw   { Rated SPG }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon