INALAGAAN muna ni nanay esme si Natalia. Mahimbing ang tulog nito at mahina pa ang katawan dahil siguro sa magdamag na nagpa lutang lutang sa dagat. Pagkatapos niya ito bihisan ay lumabas na siya ng silid. Sumalubong naman sa kanya si Greg na waring hinihintay talaga ang kanyang paglabas.
" Anak, anong ginagawa mo dito? Kanina kapa ba dyan ? "
" Bakit hindi parin umaalis si Natalia? Diba sabi ko nay, paalisin mo na siya? Nasaan na ba si tatay? "
" hijo, mahina pa ang katawan ni Doktora. Kailangan niya pa munang magpahinga. Hayaan mo muna siyang manatili dito sa Isla. "
" pero nay ayokong may ibang tao dito-----"
" Greg, mahina pa siya, kailangan niya ng tulong natin.. Hindi ba't niligtas ka niya nung nasa panganib ka? Ikaw na mismo nag kwento sa amin nun na mag isa ka lang niyang niligtas mula dun sa mga lalaking dumakip sayo. Hindi ko alam kung bakit kaya niyang isugal ang buhay niya para sayo, pero isa lang ang alam ko anak, mabuting siyang tao. Kaya sana makita mo yun, na hindi siya kagaya ng mga taong nanakit sayo. Kaya pwede ba, hayaan nalang natin siya dito, hanggang sa mapag disesyunan niya nang umuwi. " anito saka umalis.
****************
NANG makabawi na muli ng lakas si Natalia ay humingi parin siya ng extension ng kanyang pananatili dito sa Isla. Hindi naman maka react na si Greg, dahil naalala nitong malaki pala ang utang na loob niya sa dalaga. He let her stay kung kailan gusto nitong manatili.
A week passed, may napansin si Nat kay Greg. Hindi na ito ang Greg na nakilala niya noon, iba na ang pag uugali nito kaya isang araw tinanong niya ito habang naka tayo sa may terrace, animo'y naaaninag pa nito ang kagandahan ng lugar.
" Greg... Alam mo may napansin ako sayo, parang nag bago kana. You've changed.. B-bakit? "
She asked in a very calm voice.He took a deep breath.
" dahil matagal ng patay ang dating Greg na nakilala mo noon. Iniwan ko ang pagkataong yun sa San Simon. Dito sa Isla, dito ko binuhay ang bagong Greg Santos. "
" Bakit? I mean, Oo, dumaan ka sa matinding depresyon. Sinaktan at niloko ka ng taong mahal mo, bumalik ang tunay mong ama matapos ka niyang pinabayaan at inabandona sa loob ng maraming taon. Alam kong may hinanakit ka dyan sa puso mo, Greg. Alam kong nag ngingitngit ang puso mo sa galit. "
" Alam mo pala ey, "
Aalis na sana to ng bigla siyang magsalita." Si Mike Javier ang taong gustong magpapatay sayo! "
Dahan dahan itong napaharap sakanya.
" ano?! Paano mo nalaman? "
" patawad,Greg kung hundi ko kaagad sinabi sayo ang tungkol dito. Dahil ayokong sugurin mo kaagad si Mike na wala ka pang nagagawang matibay na plano para sakanya. But i think it is now the right time for you to know the truth, na ang sarili mong kapatid ang gustong pumatay sayo. And i have the evidence. Nandun sa Villa ko tinago ang video, kung saan pinaamin ko ang isa niyang tauhan bago ko ito binaril. "
Lalo pang nilalamon na ng galit si Greg sa nalaman.
" May ebidensya ka pala, edi kasuhan natin."
" Hindi basta basta yang taong babanggain mo, Greg. Mike Javier is a Congressman, makapangyarihan siyang tao at kaya niyang baliktarin ang katotohanan. Kung gusto mo siyang bumagsak, humanap pa tayo ng ibang ebidensya na makakapag patumba sa kanya,dahil hindi sapat yung ebidensyang nakuha ko. "
He tried to reach her hand.
" Nat... I know it's too much, but i want you to help me. "
" b-bakit, anong gusto mong mangyari? "
" I want to take a revenge. Gusto ko silang gantihan. Gusto ko, sila naman yung lumuha, sila naman yung mag dusa. "
" pero bago ang lahat, kailangan mo munang makakita ulit. "
" paano? "
" I can help you. Gagawin ko ang lahat, gumaling ka lamang. Papayag kaba? "
Nag isip muna ito saglit bago tumango.
" i trust you, i know i can trust you more than anyone. "
*****************
DINALA ni Natalia si Greg pabalik sa Syudad kung nasaan ang kanyang Eye Hospital. Sumapit ang takdang araw nang operasyon sa mata ni Greg at siya mismo ang oopera.
Mahigit limang oras ang itinagal bago natapos ang operasyon. Nakahinga siya ng maluwag nang maging successful nga ang operation ni Greg.
Nasa Private room na ang binata ng dumalaw sina nanay Esme at Tatay Fredo.
Natutulog si Greg habang nadatnan naman nilang nakabantay si Natalia dito." Doktora, "
Napatayo si Nat nang makita sila saka napangiti.
" Aling Esme, Mang Fredo, buti nakarating na kayo. "
" Oo nga po. Kumusta naman po ang operasyon ng anak namin. Kumusta na po ang lagay niya? " tanong ni Mang Fredo saka napalapit sa anak.
" Tagumpay po ang operasyon. Makakakita na po ulit si Greg. Sa susunod na linggo, tatanggalin na yung benda na naka takip sa kanyang mga mata. Wag na po kayo mag alala, ako na po ang bahala sa lahat. "
" salamat talaga Doktora. "
" nay, natalia nalang po ang itawag ninyo sa akin. "
" sige, hija.. Maraming salamat talaga, dahil kung hindi dahil sayo, habang buhay nang magdidilim ang buhay ni Greg. Buti nalang, ikaw ang nagbigay liwanag sa kanya. "
Napangiti na lamang siya dito. " walang anuman po, nay. Gagawin ko ang lahat para tulungan si Greg, hinding hindi ko po siya pababayaan, pangako ko po yan. "
" hija, bakit ganyan ka nalang ka bait sa amin, sa anak ko? " tanong naman ni Tay Fredo.
" kasi po.... "
" may gusto ka ba kay Greg, hija? "
Natameme siya sa sinabi ni nay esme. Totoo naman kasi, pero natatakot siyang umamin ng tunay na nadarama, lalo na mismo sa harap ni Greg.
BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw { Rated SPG }
RomanceSa Isla Mujeres nanatili si Greg matapos ang masalimoot na pangyayari sa kanyang buhay na nagdulot nang poot, pighati at lungkot sakanyang buong pagkatao. Hanggang sa magkaroon siya ng panibagong pagkakataon na harapin ulit ang buhay sa labas ng Isl...