PUMASOK si Emmanuel at ang kanyang private investigator sa kanyang Opisina dito sa kanilang Mansion. Nang maka upo sila pareho ay ini abot niya dito ang lumang litrato nila Esmeralda at Fredo.
" ano pong maipaglilingkod ko sa inyo Señor? "
" hanapin mo ang mag asawang Esmeralda at Fredo Santos doon sa Poblacion ng San Simon. Gusto ko silang maka usap tungkol sa aking anak na dalawampu't apat na taong nawalay sa akin. Naiintindihan mo ba, Raul? "
" po? Ibig sabihin may kapatid pa si Mike? Hindi po sa nanghihimasok ako, pero sa pagkaka alam ko po kasi nag iisang Unico hijo ninyo si Congressman. "
" Raul, hindi ako ang biological father ni Mike. Anak siya ni Rebecca dun sa dating kasintahan niya na siyang naka buntis sakanya bago kami ikasal. Dahil sa mahal ko si Rebecca, tinanggap ko siya at ang bata, kaya simula nun ako na ang tumayong tunay na ama ni Mike. At tungkol doon sa tunay kong anak, siya ang naging bunga ng bawal na relasyon ko kay Cecil noon, kinuha ko sa kanya ang bata ng mamatay siya sa panganganak at saka ko ipina ampon sa mag asawang yan na dating hardinero dito sa aming Hacienda. Simula nun wala na akong balita sa mag asawa pati na sa anak ko. "
Napalunok muna si Raul sa sariling laway bago nahimasmasan sa rebelasyon ng kanyang amo.
" kaya po ba ipinahahanap mo na sila ay para makita niyo na ang inyong anak? "
" Oo, Raul tama ka. Kinokonsenya na ako sa aking nakaraan, kaya ngayon gusto ko nang mahanap at makasama ang tunay kong anak ng makabawi ako sakanya. Gusto ko na maging Ama sa kanya, gusto kong humingi ng tawad at punan lahat ng pagkukulang ko sa kanya sa haba ng taong hindi kami nagkasama. Bukod dun, bago ako mawala sa mundong ito, ipapamana ko sa anak ko ang nararapat na para sa kanya, sa kanya ko ibibigay ang Hacienda, itong Mansion, ang Javier Shipping Lines at Limang bilyong piso. "
" napaka laking ari arian nyan Señor, paano naman po si Mike? "
" sakanya ko naman ipapamana ang napakalaking Agri Farm ng mga Javier, ang commercial business ko doon sa America at Tatlong bilyong piso. "
" malaki pa po ang ipapamana mo sa tunay niyong anak kaysa kay Mike, hindi po ba siya magseselos sa kanyang kapatid ? "
" alam kong maiintindihan i ni Mike ang disesyon ko. Mas may karapatan kasi ang biological Son ko compare sakanya na step son ko lang. Yun din naman kasi ang advice ng abogado ko, kaya as soon as possible, kailangan ko nang makausap sina Esmeralda. Kaya nakiki usap ako sayo Raul, hanapin mo ng maigi sila. "
" Opo, Señor. Makakaasa po kayo sa akin. "
NAGNGANGALIT sa galit ang dibdib ni Mike ng marinig ang usapan nang kanyang Ama at ang private investigator nito. Bago pa lumabas ng silid ang mga ito ay naka alis na siyA at dumiretso sa kanyang silid.
" Bullshit! Palihim palang hinahanap ni papa ang totoo niyang anak?! Sabi ko na nga ba, darating ang araw na ito at pag nahanap niya na ito, sa step brother ko maipapamana ang napakalaking ari arian ni papA! Pero hindi ako makakapayag na mangyari yun, hindi ako makakapayag na bigyan lang ako ng tira tira ng kung sino. "
Ininom niya ang alak sa mesa bago dumungaw sa terrace.
" ang pinaka ayaw ko sa lahat, yung may kahati ako sa isang bagay. Hindi ako kasing bait ng mga santo para ibahagi sa iba ang bagay na pinaka gusto ko. Kaya bago pa mahanap ni Papa ang tunay niyang anak, sisiguraduhin kong mabubura na siya dito sa mundo ng sa gayun lahat ng yaman ng pamilya Javier ay mapupunta sa akin at wala ng iba pa."
Simula't sapol pa lang Alam na ni Mike na hindi siya dugo at laman ni Emmanuel. Masakit man pero kinalaunan ay natanggap narin niya ang katotohanan. Bata pa lamang siya, sinikap na niyang makuha ang pagmamahal at atensyon ng kinikilalang ama. Binigay naman nito sakanya ang aruga at pagmamahal ng isang ama, pero sa tuwing binabanggit nito ang totoo nitong anak ay pakiramdam niya ay hindi siya sapat, yung pakiramdam na hindi ikaw yung makakapuno ng kakulangan sa pagkatao ng iyong ama. Yung pakiramdam na kahit ikaw yung nandyan ay iba parin ang hahanapin at gustong makapiling kaya nga hindi niya maiwasang magalit at mag selos. Buong buhay niya ay wala siyang naging kahati, kaya hindi siya papayag na sa pagbabalik ng kanyang kapatid ay kukunin nito ang lahat sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw { Rated SPG }
RomanceSa Isla Mujeres nanatili si Greg matapos ang masalimoot na pangyayari sa kanyang buhay na nagdulot nang poot, pighati at lungkot sakanyang buong pagkatao. Hanggang sa magkaroon siya ng panibagong pagkakataon na harapin ulit ang buhay sa labas ng Isl...