MASAYANG masaya naman si Mike nang malamang bulag na si Greg at umalis na ito ng San Simon. Solong solo na niya ang yaman ng kanyang ama, since alam naman niyang galit na galit si Greg kay Emmanuel at naiisip niya ring habang buhay nang mabubulag ito kaya alam niyang mas gugustuhin nalang nito ang magpaka layo layo. Wala nang banta sa pagsasama nila ni Abigail bilang mag asawa.
Naging buting may bahay naman si Abi sa asawa niya. Kahit kasal na sila ay nirerespeto naman nito ang kaniyang pagka babae, kaya kahit minsan ay hindi pa siya nagagalaw ni Mike.
Inaalagaan niya nalang itong maigi, inaasikaso tulad ng isang mapag aruga na asawa. Lagi siya nitong pinapasama sa mga outreach program, mga charity events at iba pa at dahil dyan napaka suportado niyang first lady ni Congressman Javier. Hindi naman siya naging sakit sa ulo nito, alagang alaga nga siya, at hindi pinababayaan. Ngayon nasa maayos ng lagay ang kaniyang mga magulang. Pero kahit kailan hindi kayang mahalin ng puso niya si Mike, dahil nag iisa lamang ang nilalaman nito kundi si Greg.
Nalungkot siya ng husto ng mabalitaang nabulag ang kanyang minamahal at umalis na ito ng San Simon mga dalawang buwan na at ilang linggo ang nakaka lipas. Ngayon, hindi niya na alam kung nasaan na ito, tanging hiling niya nalang na nasa mabuting kalagayan ito.
Alam niyang sobrang sakit ang idinulot niya dito, dahil sa mga masasakit na sinabi niya. Ginawa niya lang naman yun para lumayo ito sakanya nang sa gayun ay hindi ito pag initan ni Mike. Dahil ayaw na ayaw niyang malagay sa panganib ang buhay nito. Bahala ng madurog ang kanilang mga puso, ang importante sa kanya ay ligtas ito. She's willing to sacrifice her own happiness for the sake of her love ones.
******************
MARAHAN ng tinanggal ni Nat ang benda sa mga mata ni Greg. Unti unti nang naaaninag ni Greg ang liwanag hanggang sa makita niya na nga ulit sa wakas ang mga taong nakapalibot sakanya. Walang iba kundi sina Tay Fredo, Nanay Esme at ang kanyang napaka husay at napaka gandang Doktor na si Doktora Guevarra.
" Nay, Tay, nakakakita na po ako!!!! " tuwang tuwa nitong sabi.
Napayakap naman kaagad dito ang mag asawa habang naluluha sa sobRang saya.
" Oo, anak. Masayang masaya kami para sa iyo. " anito nang kumawala na ito sa pagkakayakap.
He smiled again after a several months. At ang ngiting yun ay hindi niya pinagkait sa babaeng naging superhero niya.
" Thanks a lot, Natalia. You are the reason why i can see the world again. Salamat. "
Napangiti lamang ito sakanya.
***************
1 month later......
" kaya pa?! " sigaw ni Nat habang nag eensayo sila ni Greg ng karate.
" Oo naman! Kayang kaya ko pa! "
Nag ensayo pa silang mabuti sa pagkakarate, iba't ibang self defense at Firing. Nag ensayo din sila kung paano gumamit ng iba't ibang klase ng baril. Hanggang sa mahasa na nga silang mabuti. Lahat ng kanilang pag eensayo at isinagawa nila dito sa Isla at sa tulong ng kanilang personal trainor na si Agent Roa. Matagal na itong kakilala ni Natalia at alam niyang mapagkakatiwalaan nila ito dahil si Agent Roa din ang kanilang makaka tulong sa pagkalap ng ebidensya upang mapa bagsak si Mike Javier.
------------
Kinagabihan umalis sina tay fredo at nay esme kaya silang dalawa nalang ni Natalia ang naiwan sa Isla.
Nasa Terrace sila habang tinatanaw ang tahimik na karagatan. Tanging huni lang ng kuliglig ang kanilang naririnig.
Nanlamig bigla si Nat nang maramdaman na nasa likuran niya ang binata. Halos marinig na niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
{ Background music : Kay Tagal by: Mark Carpio } Please support OPM Music😊
Iiwas na sana siya ngunit mayamaya lang, pinaharap siya nito. Yumakap na ang mga braso nito sa beywang niya.
" I dont know kung bakit hindi kita ma resist, pakiramdam ko, uhaw na uhaw ako sayo Natalia. Gusto kong angkinin ka ng paulit ulit. Im sorry if im being rude to you------ "
" sssshhhh... " she kissed him so tender.
Iyon ang unang pagkakataon na nauna si Natalia sa paghalik sa mga labi ng binata, at hindi nito palalampasin ang pagkakataong iyon.
Naging marubdob ang halik na kanilang pinagsasaluhan. Matagal, mapusok...
" I want you Natalia, I want you... " bahagyang hiningal si Greg nang maghiwalay ang mga labi nila pagkatapos ay tinawid na naman nito ang mga labi ng dalaga.
Tuluyan nang nawalan ng lakas si Natalia at siyay napapikit na lamang. Walang alinlangan na ginagad niya ang galaw ng mga labi ni Greg saka yumakap ang mga braso niya sa leeg nito. Kayhirap naman talagang pigilin ang puso, lalo na at nagwawala ito sa kinalalagyan.
At kagaya noong una siyang magpa ubaya sa kapusukan ni Greg, ngayon ay parang nakalutang na naman siya sa alapaap sa ginagawang pagpapalaya sa totoong nararamdaman ng puso.
Ang suot nilang mga damit ay walang anumang nahubad sa kanilang mga katawan, walang pakialam na inilaglag sa sahig.
" Ohh, Natalia.. " usal ni Greg nang ganap na nitong mamalas ang magandang katawan ng dalaga.
Hindi mapag hiwalay ang kanilang mga labi hanggang sa makapasok sila sa silid niya at inilapag na niya si Nat sa malambot na kama.
Ramdam na ni Nat ang tuluyang pagdagan nito sa kanyang katawan saka siya napapikit. Alam niyang wala na siyang karapatan na tumutol. Ang tanging dapat na lang niyang gawin ay ang lubusang magpa ubaya.
Habol habol ang kanilang mga hininga habang nag iisa ang kanilang mga katawan at habang sinasambit ang pangalan ng isa't isa.
" Natalia... "
" Greg.... "
At nang ganap na nilang marating ang nais na patunguhan, nakatulog silang magka yakap, may ngiti sa mga labi ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw { Rated SPG }
RomanceSa Isla Mujeres nanatili si Greg matapos ang masalimoot na pangyayari sa kanyang buhay na nagdulot nang poot, pighati at lungkot sakanyang buong pagkatao. Hanggang sa magkaroon siya ng panibagong pagkakataon na harapin ulit ang buhay sa labas ng Isl...