IPINAKILALA ni Emmanuel ang kaniyang anak na si Greg sa buong San Miguel. Ipinasyal niya si Greg sa buong Hacienda at ipinakilala siya dito sa mga tauhan. Pagkatapos ay doon naman sa Javier Shipping Lines, mainit din ang tanggap sakanya ng mga empleyado bilang kanilang bagong presidente ng Kompanya.
********
Nandito lang si Natalia sa Mansion. Madali siyang tumungo sa pool area ng tumawag si Vincent.
" Nat, "
" Yes? "
" ano nang balita? Kumusta ang pagpasok niyo sa tahanan ng mga Javier? "
" success. Napaniwala namin silang lahat. "
" mabuti naman kung ganun, manmanan niyo lang ang bawat kilos ni Mike. At alamin niyo kung saan ito pumupunta tapos itawag mo kaagad sa akin nang sa gayun ay mapuntahan namin ni Agent Roa. "
" Noted."
Ibinaba na niya ang telepono saka napalingon sa bagong dating na si Abi. May dala itong tray na may isang basong juice.
" Hi Doktora---- "
" natalia nalang. Wag masyadong pormal, mag sister-in-law na tayo diba? "
" O-Oo. Okay Natalia. Ahmm, nagtimpla nga pala ako ng juice para sayo. "
" No thanks, kailangan ko munang magpa henga. "
She smiled bitterly saka umalis.
*****************
NAGHAHANDA ng hapunan si Abi nang biglang sumulpot sakanyang tabi si Greg.
" bakit ikaw ang naghahanda nyan? Nasaan yung mga maids? "
" Gusto ko kasing may pinagkaka abalahan dito sa bahay. "
" hmmmm,pwede ba kitang tulungan ? "
" hindi na, "
" hindi mo nga alam kung paano hiwain yang karne ng baka. Tulungan nga kita. "
" Greg----- "
Huli na ang kanyang pag angal dahil nasa likuran niya na ito. Naka hawak sa kanyang mga kamay para alalayan siya sa paghihiwa. Hindi siya magtatangkang lumingon dahil baka mga labi ng binata ang makakasalubong niya.
Nang mapadaan si Natalia sa kusina ay nahagilap niya ang asawa kasama si Abi sa ganoong pwesto. Biglang may kumirot sa kanyang puso, masakit sa kanya ang katotohanan na sa kanya lang si Greg sa papel at kahit kailan si Abi parin ang nag mamay ari ng puso ng binata.
Napansin niya ang kakarating lang na sasakyan ni Mike kaya agad niyang pinuntahan ang asawa.
" Greg, "
Napalingon sina Abi at Greg. Kaagad namang dumistansya ang binata at nilapitan siya.
" Nat, may kailangan ka ba? " sambit ni Abi.
" Wala. Kukunin ko lang ang asawa ko. Kakarating lang ng asawa mo, hindi mo ba siya sasalubungin ? "
Kalmado niyang sabi saka bumaling sa asawa." Okay let's go, Nat. "
*******************
NAPADUNGAW siya sa terrace ng kanilang kwarto kung saan tanaw na tanaw niya ang swimming pool. Hindi niya inaasahan ang makita doon si Greg at Natalia na naghahalikan na para bang uhaw na uhaw sa isa't isa. Nakita pa niya kung paano mag lakbay ang mga kamay ng binata sa dibdib ni Natalia.
Ang sakit sakit sa mata, it hurts her a lot ang isiping may ibang umaangkin sa mga labi at katawan ng taong mahal niya.
" Nagseselos ka ba? "
Nabigla siya nang marinig ang boses ni Mike na ngayoy nakatingin narin sa tinitingnan niya.
" Hindi. Why i have to be jealous? "
" kung makatingin ka kasi sa kanila, parang gusto mong hilahin ang buhok ni Natalia. "
" Tssk, masyado lang kasi silang PDA, hindi ba nila kailangang gawin yan in a private place?! "
" aba'y ewan ko, hayaan mo na sila. Naiinggit lang yung asawa ko. " nginitian siya nito na ngiting ngayon niya lang nakita.
Mas lalong gumagwapo si Mike kapag natural ang ngiti. Para siyang anghel, sayang lang at napaka demonyo pala nito.
Inismiran niya nalang ito saka wala sa mood na umalis.
****************
UMALIS ang mag asawang Abi at Mike para sa isang event habang nasa Maynila naman si Greg at si Emmanuel parA sa isang meeting dun sa kompanya with the investors. Naiwan si Natalia sa mansion kasama ang mga kasambahay. Nagkaroon siya ng pagkakataon parA pumasok sa opisina ni Mike. Kaya lang kandado ito, but its not a problem to her. Ginamit niya ang kanyang mga techniques para mabuksan ito ng walang kahirap hirap.
Mabilis siyang naghalungkat sa mga gamit mula sa desk at sa mga cabinet. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ang isang dokumento ni Mike tungkol sa transakyon nito sa isang malaking pasugalan. Agad niya itong kinuhanan ng litrato at ipinadala kay Vincent. Pagkatapos ay maingat nang lumabas ng silid matapos ikandado ulit. Sinisiguro niyang wala siyang naiwan na bakas doon sa loob.
**************
NASA BAR ngayon si Mike kasama si Gino.
" Nasa mansion niyo na pala si Greg. Hanggang kailan siya dun? "
" hindi ko alam. Pero alam mo, hindi ako makapaniwalang kaagad niya napatawad si Papa sa lahat. Wala akong tiwala sa Greg na yun eh! Pakiramdam ko may pinaplano siya. "
" kaya kailangan mong mag ingat. Baka yang kapatid mo pa magpabagsak sayo. "
" excuse me, He is not my Brother. Wala akong kapatid at kahit kailan hindi ko ituturing na kapatid ang lalaking yun! "
" ehhh, paano yan hindi maiwasang magkita sina Abi at Greg dahil sa iisang bahay lang kayo nakatira ngayon."
" alam na ni Abi ang mangyayari sa mga magulang niya kapag sinuway niya ang mga utos ko. "
****************
Nagkaroon ng Horse racing sa loob ng Hacienda at pinag kokompetinsyahan ito nina Greg at Mike, Abigail at Natalia. Wala namang problema sa kanilang apat yun dahil kapwa sila marunong sa pangangabayo.
Masyadong intense ang labanan nina Mike at Greg na para bang gigil na gigil talaga matalo ang isa't isa. Ngunit sa huli isa lang ang nag tagumpay sa kanilang dalawa, walang iba kundi si Greg. Tinaponan nalang ito ni Mike ng masamang tingin, habang si Greg ay abot tenga ang ngiti na may halong pang pang iinsulto.
Sunod naman na naglaban sina Natalia at Abi. Kagaya ng mga asawa ay nagsuot din sila ng Horse Racing outfit. Lahat ng nanunuod ay napapanganga sa kanilang taglay na kagandahan at sa magandang pangangatawan. Nang nasa kalagitnaan na ng karera ay biglang nag wild ang kabayo ni Abi kaya napatayo ang lahat sa pagka gulat.
Bumagsak ang dalaga sa lupa. Iniinda nito ang malakas na impact ng kanyang pagka bagsak. Parang kidlat sa bilis na napasugod si Mike at Greg dahil sa matinding pag aalala. Agad na tumawag ang iba ng Ambulansya saka isinugod ito sa Ospital. Buti nalang walang ibang na damage sa katawan nito maliban sa maliit na fracture sa kaliwang binti kaya nang makalabas ng Ospital pagkatapos ng isang linggong pananatili ay nakasakay na lamang si Abi sa isang Wheel Chair.
BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw { Rated SPG }
RomanceSa Isla Mujeres nanatili si Greg matapos ang masalimoot na pangyayari sa kanyang buhay na nagdulot nang poot, pighati at lungkot sakanyang buong pagkatao. Hanggang sa magkaroon siya ng panibagong pagkakataon na harapin ulit ang buhay sa labas ng Isl...