Chapter Three

1.5K 30 0
                                    

" HANDA na ba kayo para sa Medical Mission bukas? " Tanong Head Nurse nina Abigail. Sabay sabay naman silang napatango.

" Opo, "

" Okay, Good. "

" Sino po ba makaka sama natin? "

" Mga Doctors natin dito, Mga Red Cross Volunteer, si Doktora Guevarra yung may ari ng Eye Hospital doon sa syudad at ang Main Sponsor natin , ang Filipino Car Racer na si Greg Santos. "

Parang biglang naging active ang pandinig ni Abi nang marinig ang pangalan ng binata. Hindi siya makapaniwalang makakasama nila ito bukas sa medical mission.

" Hoy Abigail! Parang dininig na ng langit yang matagal mo nang dasal ah. Hahaha " pabulong na kanchaw ni Yasmine.

" Sana nga makita ko na siya. "

" Paano na si Congressman? Masugid na manliligaw mo yun diba? "

" Wala akong paki alam dun. I don't like him, Yasmine. Nagsasayang lang siya ng oras sa akin. "

" For sure pag si Greg nanligaw sayo, sasagotin mo agad nuh? Hahaha "

" Natural! Hahaha "



*********************

KINABUKASAN, handa na ang lahat. Naka set na lahat ng kagamitan at mga gamot na idi.distribute sa mga tao. Nandun na sina Abi at kanyang mga kasamahan sa San Miguel Hospital. Nandito na rin ang mga red Cross volunteer na ngayo'y nag aassit sa mga tao at si Doktora Guzman kasama ang mga ibang staff nito.

Nagsimula na ang medical mission nang dumating ang isang 4x4 truck at bumaba dito ang napaka tisoy na si Greg.

" Welcome, Mr. Santos. "  Wika ng General Director ng San Miguel Hospital na siyang nag organize sa event.

" Salamat, po. "

" This way, Mr. Santos "

Sa Kabilang banda ay halos di makapaniwala si Abi sa kanyang nakikita. Is she dreaming?! Pero kahit nababaliw na siya sa kilig, she have to stay focus, nasa trabaho kasi siya kaya eto pasimple nalang siyang sumusulyap sa lalaking hinahangaan.

Tumtulong naman si Greg sa pamamahagi ng mga gamot pati na sa dala niyang mga school supplies at laruan para sa mga batang pasyente. Habang namimigay di niya intensyong mapatingin sa isang napaka gandang nurse doon sa Kabilang mesa na busy sa pag aassist sa Doktor. Hindi niya alam pero parang may kumuryente sa kanyang dibdib ng masilayan ito. He felt awkward dahil first time niya palang itong naramdaman.

" Mr. Santos, okay lang po ba kayo? "

Napabalik siya sa kanyang diwa. " Ah-yes! I'm fine. "

Napansin naman iyon ni Doktora Guevarra ang pagka humaling sandali ni Greg sa isang Nurse.
Napalunok na lamang siya at nag focus nalang sa trabaho.

********************

DAPIT hapon na ng matapos ang medical mission. Nagsimula na silang magligpit ng mga gamit pati mga tent. Nagtulungan silang lahat kaya agad ring natapos.

Inimbitahan sila ni Mr. Dela Rama sa rest house nito para doon maghapunan at mag stay over night dahil delikado na kung babyahe pa sila pauwi baka abutan pa sila ng dilim sa daan at bigla pang bumuhos ang malakas na ulan.

Busy si Greg sa cellphone nang biglang lumapit sakanya si Doktora Guevarra at inabutan siya ng isang tasa ng kape.

" hindi ko alam kung anong gusto mong timpla sa kape, but please take it. "  anito.

He glanced at her a second at tinanggap ang tasa.

" salamat, Miss----- "

" I am Dr. Natalia Guevarra. Ako ang may ari ng Eye Hospital doon sa kabilang bayan. " magiliw na pagpapakilala nito.

" Ohh, I see. Nice to meet you Doktora. And kilala mo na siguro ako diba? "

" yes, of course. I've known you a long time ago. "

" excuse me? "

" I mean, diba matagal kanang sikat na Car racer sa England? Nakikita kita sa TV at sa mga sports magazine kaya matagal na kitang kilala. "

Bata pa lang tayo Greg kilala na natin ang isa't-isa. Kung alam mo lang sana kung sino talaga ako. Pero masyado pang maaga para malaman mo ang tunay kong pagkatao.

Wika ni Natalia sa kanyang kaloob looban.

Nag uusap lang sila ni Greg about sa pagiging successful kanina ng kanilang medical mission,ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap biglang may tumapon na malamig na likido sa likuran ni Natalia kaya napa igtad ito at napatayo.

" Nako, i'm so sorry Doktora! Sorry po talaga hindi ko sinasadya. "

Seryosong napalingon si Natalia sa babaeng walang humpay na humihingi ng sorry. It was Abigail, actually. Natapilok kasi siya kaya ayun. Hindi niya naman intensyong taponan ito ng pure ice tea dahil nagseselos siya. Aksidente lang talaga.

" Are you okay, Doktora? "

Napasulyap siya kay Greg na parang concern kay Natalia, nag selos tuloy siya ng konti.

" I'm fine, Mr. Santos. "
Anito saka bumaling sakanya. " It's alright. Sa susunod, don't be too careless, excuse me. "


Nang maka alis si Natalia ay nakahinga naman ng maluwag si Abigail. Nagulat nalang siya ng nasa harapan niya na pala si Greg na may malapad na ngiti. Hindi niya naman maitanggi ang kilig na nadarama.

" Hi, ahm nakita kita kanina. Isa ka pala sa mga nurse sa San Miguel hospital. " he talked nicely and friendly.

Akala ko suplado, napaka opposite pala. He is very charming and friendly. Pero sana naman wag akong ma friendzone.

Bulong niya sa kanyang isipan.

" Ahmmmm, Oo. Kanina mo pa pala ako sinusulyapan? "

Oh no! Harsh yata ng question niya?!

" hahahaha.. Actually,Yes. Sayang naman yang ganda mo kung hindi ko mapansin diba? Hehe. "

" haha, bolero kana man pala, Mr. Santos! Hindi naman ako kasing ganda ni Doktora Guzman. "

" but your beauty is the only one who captured my attention. 😊 "

Yiieee!!! Nakaka blush! Hahahah.

Nag usap usap lang sila ng binata dahil sa napaka talkative pala nito at parang reporter kung magtanong pero okay lang naman sakanya, dahil atleast dun napapahaba ang kanilang tsismisan 😂. Hanggang sa bago sila matulog ay kinuha nito ang kanyang cellphone number, na walang alinlangan namang kanyang binigay.

It made her day very much! Sana ay hindi iyon panaginip, na nakita at naka usap niya na sa wakas ang lalaking nilalaman ng kanyang puso at isipan.

Kailangan Ko'y Ikaw   { Rated SPG }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon