Chapter Thirteen

965 16 0
                                    

KAKATAPOS lang ng meeting ni Natalia kasama ang mga foreign Board of directors ng kanyang bagong branch ng Eye Hospital dito sa New Jersey. Nung nakaraang araw lang siya nakarating dito sa America, may aasikasuhin lang kasi siya sa kanyang bagong branch.

Siya nalang mag isa dito sa conference room ng biglang nag ring ang kanyang telepono. Si Vincent ang tumatawag.

" Yes? "

" Nat, may nangyari kay Greg! " bulalas nito sa kabilang linya.

Napatayo siya sa sobrang pag aalala.

" huh??! Teka, anong nangyari sa kanya??! "

" na aksidente siya, kung hindi ibinalita, cguro ay hindi ko malalaman. Balita ko, nasa ICU siya ngayon. Kritikal ang lagay niya, Nat. I hope he can recover. "

Hindi na naka imik si Natalia. Ibinaba nalang niya ang telepono kasabay ng pag patak ng mga luha.

Matagal pa bago siya makauwi ng Pinas, hindi niya pa muna maiiwan dito ang kanyang hospital. Panalangin nalang niya'y sana ligtas si Greg. Pero pangako niya babalikan niya ito.

*******************

Alalang alala sina Fredo, Esmeralda, at Emmanuel sa nangyari kay Greg. Nasa labas sila ng ICU, hinihintay ang balita ng doktor na umasikaso sa binata.

Lumabas na ang doktor, kaagad silang napatayo at lumapit dito.

" Dok, kumusta na po ang anak ko? " nag aalalang tanong ni Emmanuel.

" He is alive, but may malaking damage sa kanyA. may na damage na ugat sa mga mata niya and it cause him blindness. "

" jusko po! Greg.... " napahagulgol na lamang si Aling Esme at napayakap sa asawa.

***********

" Aaahhhh!!!! "  galit na galit na sumisigaw si Greg, nag wawala sa hospital bed, hindi matanggap ang kanyang pagkabulag.

NatatarantA naman ang kanyang ina Kung paano siya pakakalmahin.

" anak, huminahon ka. "

" paano ako hihinahon nay?! Hindi na ako maka kita! Bulag na po ako!! "

" Greg, anak, kumalma ka please------"

" Ikaw! Anong ginagawa mo dito?! Hindi kita kailangan!!! Umalis kana!! " sigaw niya, tinutukoy niya si Emmanuel na nasa kanyang harapan ngayon.

" Señor, umalis na po muna kayo, masyado nang depress ang anak ninyo wag nyo na pong dagdagan. Kami na po ang bahala sa kanya. "

Umalis na lamang si Emmanuel, dahil parang hindi pa nga siya handang tanggapin ng kaniyang anak.

Nawalan na ng pag asa si Greg sa kanyang buhay. Wala nang kwenta buhay niya, hindi na siya makakapag patuloy sa kanyang career bilang car racer. Pakiramdam niya, he is worthless.  Hindi niya alam kung kaya niya ba mabuhay ngayon. Nagngingit ngit sa galit ang puso niya, tapos ngayong bulag na siya, mas lalo pang didilim ang buhay niya.

***************

MAS GINUSTONG manatili ni Greg sa Isla mujeres , dito malayo siya sa mga tao, dito malayo siya sa mundong ginagalawan niya noon. Dito sa Isla Mujeres, mabubuhay ang bagong Greg Santos.

2 Months later.....

Greg was very different before, kung noon napaka bait niya, masiyahin, pala tawa, Ngayon isang seryoso, suplado, palaging mainit ang ulo,at napaka strikto niya na. Binalot na ng poot ang puso niya, all was dark in his life at hindi niya kailangan ang liwanag ng iba.

***×************

" DOKTORA, Ano pong ginagawa niyo dito sa labas? Kumain po muna kayo doon sa loob, nadun po silang lahat. "

Wika ng Assistant ni Dr. Wilson.

" busog pa ako, Lea. Can you get me a one glass of wine nalang instead ? "

" sige po. "

Humarap siya ulit sa malawak na karagatan sabay na nililipad ng malamig na hangin ang kanyang mahabang buhok. Nakasakay ngayon ng yate si Natalia. May Reunion party kasi sila with their colleagues.

It was around 10pm ng biglang may sumabog sa unahan ng yate, everyone was so shock ang get panicked. Kaagad na hinubad ni Natalia ang high hells na suot and she quickly wore the life jacket.

" sasabog ang yate!! " isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid at rinig na rinig ito ng dalawang tenga niya.

Hindi na siya nag dalawang isip na tumalon sa dagat. Palutang lutang na siya at pilit na lumalayo ng saktong sumabog na nga ang yate. Napapikit na lamang siya habang nilalamon na ng malaking apoy ang sinasakyan niya kanina. Hindi niya alam kung mabubuhay pa ba siya sa kanyang lagay ngayon, ni hindi niya alam kung nasaang dagat siya palutang lutang, kung may mag rerescue pa kaya sa kanila ngayon.


****************

MAAGANG nagpalakad lakad si Greg sa may dalampasigan ng Isla, tanging tungkod lang ang kanyang alalay sa pGlakad. He was wearing a white plain tshirt at manipis na puting pantalon.

Sa haba ng kanyang paglalakad, pakiramdam niya ay may nasagi ang kanyang tungkod. Napa atras siya bigla ng gumalaw ito.

" Aaaayyyy!!!!!!! " napatili si Natalia,sabay tayo at napa atras nang makita ang isang lalaki.

" teka,sino ka??!!! "

Napansin niya ang binata na parang hindi siya nito nakikita at bakit may dala itong tungkod?

" G-greg??! A-ako to si Natalia, ---- teka, hindi mo ba ako nakikita? A-anong nangyari sa mga mata mo? "

" Bakit ka napunta dito? How did you get here?! Anong ginagawa mo dito?! "
Pag iiba nito ng topic.

" may reunion party kami kagabi and it was held at the yatch of my friend ng bigla itong sumabog, kaya napatalon na ako sa dagat. Nagpalutang lutang ako hanggang nawalan ako ng malay, and nagising nalang ako dito. "

" Hmmmmm, umalis kana. "

" G-greg, wala akong masasakyan pabalik. Tsaka mahina pa ako------- "

" I don't care! Just go, at wag na wag ka ng babalik dito. "

" anak, anong nangyayari dito------ Doktora?! " nabigla ang matandang babae nang makita siya at kaagad na napasugod.

" aling esme.... "

" jusko po! Anong nangyari sa inyo? Paano po kayo napunta dito ? "

" sumabog po ang yate na sinasakyan ko kagabi... Magdamag po akong nagpa lutang lutang at pagka gising ko, nandito na po ako. "

" Nay, tawagan niyo po si tatay, sabihin mo pong i.uwi niya kaagad si Natalia. Hindi po siya pwedeng magtagal dito. Paalisin niyo na siya. " anito sabay alis.

Kinakapa kapa nito ang daan gamit ang tungkod.

Bago pa ito tuluyang makalayo ay bigla siyang nahilo at nawalan nlng ng malay, buti ay nandito si Aling Esme na kaagad na sumalo sa kanya.

" Nako!!! Doktora!!!! Anong nangyayari sa inyo?! "

Natigilan si Greg nang marinig ang hiyaw ng kanyang ina.

Kailangan Ko'y Ikaw   { Rated SPG }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon