Chapter Twenty Five { FINALE }

1.6K 22 3
                                    

NAKARATING na si Greg sa lugar na pinagdalhan ng kaniyang asawa. May dala siyang mga armas. Walang tao sa baba kaya napa akyat siya sa 2nd floor at doon sumalubong sa kanya ang mga tauhan ni Mike na kaagad siyang tinutukan ng mga baril.

" What a surprise!! Hello my dear Step Brother! Buti nakarating kana. "

" Nasaan si Natalia?!! "

" Easy nandoon siya sa loob. Hinihintay ka. "

Bumungad nga sa kanya ang dalaga na may dugo pa ito sa bibig at may mga pasa sa braso.

" anong ginawa mo sa kanya??! " sigaw niya sabay na nilapitan ang asawa.

" Nat, ililigtas kita dito. Okay? " aniya saka hinahaplos ang mukha ni Natalia.

" ang ganda panuorin pag pareho ko kayong tatadtarin ng bala. " mala demonyo itong napatawa.

" tumigil kana Mike!!! "
Isang bala ang tumama sa kanang binti ni Mike kaya napaluhod ito sa sakit.

Nilapitan ito ni Abi habang nakatutok ang baril dito. Nagulat naman sina Greg sa nagawa ng dalaga. Ang mga tauhan ni Mike ay naka antabay lang pag pwede na nilang tirahin si Mrs. Javier.

" bakit mo ginawa sa akin, to, Abi??! Do you loose your mind?! Asawa mo ako, ako ang kakampi mo dito!! "

" tumahimik ka! Hindi na ako nagulat sa mga sinasabi nila sayo kanina dahil alam kong magagawa mo ang lahat ng yun dahil napakasama mong tao! Buong buhay kong pinagsisisihan kong bakit ako pumayag na maikasal sa isang demonyong katulad mo!" bago pa niya maitutok sa ulo ni mike ang baril ay natutukan na siya ng baril ng mga tauhan nito.

" Sige! Iputok niyo! Dahil kasama kong mamamatay ang anak ng amo niyo! "

Napalingon si Mike sakanya.
" Anong sinasabi mo? "

" Buntis ako Mike! Nabuntis ako nang gabing may nangyari sa atin! Im 3 weeks pregnant, " kinuha niya sa bulsa ang PT at Ultrasound picture saka itinapon sa sahig.

Agad namang itong pinulot ni Mike at tiningnang mabuti saka nag angat ng tingin sakanya.

" Boss! Paparating ang mga NBI! " SIGAW ng isa sa mga tauhan nito.

" Bumaba kayong lahat, walang maiiwan dito! Salubungin niyo sila, ubusin niyo yung bala niyo sa kanilang lahat!! "

" Yes, Boss!! "

Naiwan sila dito. Pinilit ni Mike na makatayo at itinutok ang baril kina Greg at Natalia.

" Kailangan niyo munang mamatay!! "

" Mike! Tama na!! Pag binaril mo sina Greg, ako na mismo ang tatapos sa buhay ko at sa anak mo. Kaya mamili ka! "

Natigilan si Mike sa banta Ni Abi. Parang may kumirot sa kanyang puso nang isipin niyang mawawala si Abi at ang kanilang magiging anak.
He faced the woman he loves the most with a teary eyes.

" Abi... "

" Mike, tama na. Hindi ka ba napapagod sa mga kasamaan mo??? Please stop it... "

Kinuha nito ang baril sa kamay niya at niyakap siya ng kay higpit. Yakap ng pamamaalam. Hinahaplos ang tiyan niya saka ito muling tumingin sa kanya.

" Mahal na mahal kita,Abi at nang magiging anak natin. Alagaan mo siya sa abot ng iyong makakaya. Palakihin mo siyang mabuting tao, mahalin mo siya ng higit pa sa maibibigay ko. Tandaan niyong lagi na mahal na mahal ko kayo.. Kaya, pipiliin ko nalang na tuluyan ng mawala para maibigay ko sayo ang tahimik na buhay at kalayaan na matagal mo nang hinahangad. Paalam Abigail. "

Kailangan Ko'y Ikaw   { Rated SPG }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon