DINALA ni Greg si Abi sa Isla Mujeres para ipakita rito ang kanyang itinatagong Paraiso. Bumaba sila sa yate at nilibot ang Isla bago sila umakyat sa mataas na Clif kung saan natirik ang kanyang Palasyo.
" Mahal, ang ganda naman dito. Isa ngang paraiso ang lugar na ito. "
Niyakap niya mula sa likuran ang dalaga habang nakatanaw sila sa lawak ng karagatan na bubungad sa terrace ng malaking bahay.
" Oo naman, mahal ko. Alam mo ba, dito sa paraisong ito, bubuuhin ko ang aking napaka sayang pamilya. In other words dito na tayo titira pagkatapos ng kasal natin, dito lalaki ang ating mga anak. "
" Mahal na mahal kita Greg. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. "
" mahal na mahal din kita, Abi. Ikaw lamang ang aking mamahalin "
Isang matamis na halik ang pinagsaluhan nilang dalawa kasabay ng paglubog ng araw.
Kay Abigail natagpuan ni Greg ang pagmamahal na kanyang hinahangad na maranasan. Dahil sa kabaitan ng dalaga ay kaagad nitong nabihag ang kanyang puso. She have the charm and personality na hindi niya nakita sa ibang babae. Mahal na mahal niya si Abi at pag nawala ito sa kanya ay gugunaw at lalamig ang kanyang mundo.
Hindi naman makapaniwala si Abigail na naging nobyo niya na ang dating hinahangaan lang mula sa malayo. Hindi niya aakalaing pareha pala sila ng nararamdaman kaya naman agad ring nag bloom ang kanilang relationship. She is the most luckiest girl na nga siguro, dahil siya ang naka captured ng puso ng napakasikat na Filipino Car Racer na si Greg Santos. Panalangin nalang niya na sana ay tuloy tuloy na at wala nang makaka hadlang sa kanilang kaligayahan. Pero hindi parin maiwasang mangamba ni Abi nang maalala si Mike, hindi alam nito na may karelasyon na pala siya. She can't imagine kung anong pwedeng gawin ng binata pag nalaman nitong may nobyo na siya.
NAGLALAKAD si Abi sa ilalim ng madilim na eskinita papasok sa San Miguel ng biglang may itim na kotseng huminto sa kanyang tabi kaya napa tigil siya sa paglakad pakiramdam niya kasi ay siya talaga ang pakay ng kung sino man ang nasa loob ng kotseng iyon.
Bumaba ang isang matikas na lalaking naka business suit. Nang maliwanagan ito ng buwan ay kaagad niyang nakilala ang pagmumukha ng lalaki, walang iba kundi si Mike Javier.
" kumusta mahal kong Abigail? " seryosong tanong nito.
" Okay lang ako, Mike. Umalis kana. "
Pa alis na sana siya nang hawakan nitong mahigpit ang kanyang mga braso sabay hatak sakanya palapit dito.
" ano ba! Nasasaktan ako Mike! Bitiwan mo ako! " pilit siyang kumakawala pero hindi niya madaig ang lakas ng binata.
" Ano itong nabalitaan ko sa mga magulang mo na may nobyo kana?! " hindi niya masyadong maaninag pero alam niyang nanlilisik ang mga mata nito.
" pwede ba mike----- "
" sagutin mo ang tanong ko Abigail! Si Greg Santos ba ang nobyo mo?! "
" Mike please-----"
" letse! Sumagot ka Abigail! Ano ha??! " ramdam niya ang mga daliri nitong bumabaon sa kanyang braso.
" Oo! Oo mike! Si Greg! Siya ang mahal ko at wala ng iba pa! Naiintindihan mo ba ako?! Kaya kung pwede wag mo na akong guluhin dahil kahit anong mangyari hindi ako mapapa sayo! "
Mas lalo pa yatang hinigpitan nito ang pagkaka hawak sa kanya.
" aray mike! Bitiwan mo ako sabi!!! "
" Alam mo kung gaano kita kamahal Abigail, kilala mo ako, ang pinaka ayaw ko sa lahat at yung may kahati ako sa taong gusto ko! Sa tingin mo ba, hahayaan ko lang na mapunta ka sa iba? Tsss! Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin, Tandaan mo Abi, kaya kong pumatay ng tao, kung kinakailangan, makuha ko lang ang gusto ko. "
Anito sabay bitaw sakanya. Lumulan na ito ulit sa sasakyan at umalis. Naiwan siyang nakatulala at di namalayan ang pagpatak ng mga luha. Dahil sa sinabi ni Mike ay mas lalo siyang nakaramdam ng pangamba.
BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw { Rated SPG }
RomanceSa Isla Mujeres nanatili si Greg matapos ang masalimoot na pangyayari sa kanyang buhay na nagdulot nang poot, pighati at lungkot sakanyang buong pagkatao. Hanggang sa magkaroon siya ng panibagong pagkakataon na harapin ulit ang buhay sa labas ng Isl...