Chapter Seven

1.1K 19 0
                                    

BUMALIK ulit si Greg sa Englatera para sa nalalapit niyang kompetisyon. Bago siya umalis ng bansa ay nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang at kay Abi. Naiintindihan naman ng dalaga kung bakit kinakailangan niyang umalis ulit, pero ipinapangako niyang babalik din siya kaagad ng Pinas pagkatapos ng kompetisyon. Sa ngayon, kailangan niya munang mag focus sa car racing nang sa gayun mapanalunan niya na naman ang laro na ito.

PAGKAUWI ni Abigail galing trabaho ay nadatnan niya sa  loob ng bahay ang kanyang mamang at papang kasama si Mike. Naputol ang pag uusap ng mga ito nang dumating siya.

" Anong ginagawa mo dito Mike?! "  naiinis niyang tanong.

" nag uusap lang kami ng mga magulang mo tungkol sa pagpapakasal natin. "

Nagimbal siya sa sinabi nito.

" ano?! Anong pinagsasabi mo ha?! Nababaliw kaba?! "
Napabaling Siya sa kanyang mga magulang. " mang?! Pang?! Anong ibig sabihin nito?! "

Tumayo ang kanyang mamang at napapa luhang lumapit sa kanya.

" patawad hija, humingi ng pahintulot si Congressman na maikasal sayo, at pumayag kami. "

" ano??! Bakit mang?! Siguro pinilit kayo ni Mike o di kaya tinakot kaya kayo pumayag. "

" anak, patawad kung hindi namIn sinabi sayo na matagal nang nakabaon sa utang itong lupa natin at sakahan sa bukid, wala na kaming ipangtutubos ng mamang mo, pero pumunta dito si Congressman para tulungan tayo kapalit ng pagpapakasal mo sa kanya. " wika ng kanyang papang .

" huh?! Pang, paano na lang po ako?! Inisip niyo ba na ayaw kong mag pakasal kay Mike?! "

Biglang tumayo si Mike, at lumapit sa kanya.

" Sige, bayaran niyo nalang ako ng isang milyong piso, dahil sa pagtulong ko sa inyo sa inyong lupa at sakahan. Madali naman akong kausap. "

" pero Congressman, wala po kamimg ganoong kalaki ng pera. "

" Edi magpapakasal sa akin si Abigail. "

" hindi maaari! "

Biglang nag dilim ang anyo nito.

" kung hindi niyo ako mabayaran ng isang milyon, ang buhay nalang ng mga magulang mo ang sisingilin ko, alam mong hindi ako nagbibiro Abigail! "

" Mike please wag mong gawin sa amin to ! "

" wala akong panahon sa ka dramahan, kaya mamili ka, buhay ang mga magulang mo at magpapakasal ka sa akin o hindi ka magpapa kasal sa akin pero mamatay ang pinakaka mamahal mong mga magulang? Alam kong matalino ka Abigail kaya inaasahan ko rin ang matalino mong disesyon. "

Huminto muna ito sa tabi niya at may ibinulong.

" sa pagsapit ng pista ng San Miguel sa susunod na araw, inaasahan ko ang iyong pagpunta sa mansion, pag dumating ka, ibig sabihin nun dala mo na ang disesyon na sasabihin mo sa akin. At teka, wag kang mGkakamaling tumakas kayo ng pamilya mo dito, may mga taong binayaran ko para manmanan kayo araw at gabi dahil kapag nalaman kong tumakas kayo, mapapaaga ang libing ng mamang at papang mo. Naiintindihan mo ba ako, Abi? "

Hindi lamang siya umimik at tuluyan narin itong umalis sa kanilang tahanan.

Nanghina ang buong sistema ni Abigail, hindi niya alam kung ano ang nararapat na gawin. Alam niyang seryoso si Mike sa pagbabanta nito sa buhay ng kanyang mga magulang kaya Kailangan niyang mag disesyon ng mabuti to keep her family alive. Pero masasaktan siya ng husto kahit iniisip niya palang na iwan si Greg at magpakasal kay Mike.



BAGO Pa magsimula ang malaking pagpipiging sa Mansion ng mga Javier ay nakarating na si Abigail. She was so more beautiful in her look today.

" oh, you're here sweetheart. Mabuti naman at isinuot mo yang damit na ipinadala ko sayo, bagay na bagay sayo Abi. You look more beautiful in your outfit. It really suits you. "

Pagpupuri sakanya ni Mike nang makaharap niya na ito.

" nandito ako para sabihin sayo na pumapayag na akong magpakasal sayo, wag na wag mo lang sasaktan ang mga magulang ko. "

He grin like a handsome devil.

" hmmmm, sabi ko na nga ba eh, mas mahalaga pa sayo ang buhay ng ina at ama mo kumpara sayong kaligayahan.  Napaka mabuting desisyon nyan Abigail. "

"hmmmm, aalis na ako. "

" mamaya na. Ipapakilala muna kita sa lahat ng nandito bilang fiancee ko. So that everyone will know that you are the love of my life. "

" hindi na kailangan, Mike. "

" kailangan, Abi. Kailangan nilang makilala ang magiging First Lady ng San Miguel. "

****************

Lahat ng mga kilala nilang malalaking tao at mayayaman ay kanilang inimbitahan dito sa kanilang mansion para sa malaking pag pipiging ukol sa pista ng San Miguel. Isa na doon sa mga bisita ay si Doktora Guevarra.

Natahimik ang lahat ng tawagin ng Emcee si Congressman Javier na agad namang sumampa sa stage.

" magandang gabi sa inyong lahat, unang una, nagpapasalamat ako sa ating Patron na si San Miguel dahil sa maayos na kapistahan, nagpapasalamat din ako sa aking pinaka mamahal na magulang sina Mr. And Mrs. Emmanuel Javier at maraming salamat sa inyong lahat na nandito ngayon para makipag kaisa sa pista nang aming bayan. Bago matapos ang gabing ito, ipapakilala ko sa inyong lahat ang aking napaka gandang mapapangasawa, walang iba kundi si Abigail Lopez. "

Saglit na natigilan si Natalia sa kanyang narinig. Lalo pa siyang nagulantang ng makita mismo ng kanyang dalawang mata si Abigail na nasa stage na ngayon kasama si Congressman Javier.

" Everyone, please meet my beautiful Fiancee, Abigail. Sa nalalapit naming kasal ay sana makarating kayong lahat. " pahabol na sabi ng binata habang naka pulupot ang kamay nito sa beywang ng dalaga.

Hindi makapaniwala si Natalia sa nakita at narinig.

Paano nangyaring fiancee ni Congressman ang nobya ni Greg?! Alam kaya kaya ito ni Greg na malapit nang ikasal sa iba si Abigail?

Kailangan Ko'y Ikaw   { Rated SPG }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon