" BITIWAN mo ako sabi!!!" nangangalmot, naninipa, nanununtok habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki.
" manahimik ka!! "
" hindi mo ba ako nakikilala?! Asawa ako ni Congressman Javier, kaya pag nalaman niya ang kawalang hiyang ginagawa mo sa akin, ihanda mo na ang pagtataguan mo dahil hinding hindi matatahimik ang asawa ko hanggat hindi ka niya nahahanap para hatulan ng kamatayan!! " gigil na sigaw niya dito.
" hahahah!! Bago mo pa ako masumbong, aangkinin muna kita pagkatapos itatapon ko sa ilog ang patay mong katawan. "
" hayop ka!! Hayop ka!! "
" tumigil ka! " napipikong biglang sinuntok ng lalaki sa sikmura ang dalaga.j
" aghh!! " nagdilim ang kanyang paningin hanggang sa mawala siya sa karimlan.
" Ayos! Mamaka eskor pala ako nito sa napaka gandang asawa ni Congressman! " nakangising inilapag nito sa damuhan ang walang malay na dalaga at akmang huhubarin ang suot na pantalon.
" Hoy!! "
" Ha? " biglang lingon ng lalaki.
" matulog ka!! "
"Aghh! " sapol ito sa mukha nang matigas na kahoy na hawak ni Greg. " Hayup ka! " pero matibay ito, akmang manunugod pa.
" matigas ka ha! " isang hataw pa ang ginawa ng binata, at sinundan pa ng isa, at isa pa.
Duguan at tulog na bumagsak sa lupa ang lalaki. Agad na naghagilap ng panali si Greg at itinali sa isang puno ang lalaking walang malay saka ibinigay alam niya kay Agent Roa nang nangyari.
" Abi? " pagkuwa'y nilapitan ang walang malay na dalaga.
" uhmm.. " bahagyang umungol si Abigail, anyong nagigising na.
" Abi, Its okay. Naturuan ko na ng leksyon ang salbaheng mama na iyon. "
Naulinigan ni Abi ang buo at baritonong tinig na iyon, dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata.
Sumalubong sakanyang paningin ang guwapong mukha na iyon.
Greg? Hindi makapaniwalang napatitig na lang siya sa mukha nito na ngayon ay kitang kita na niya dahil maliwanag na.
" ligtas kana. Halika, tumayo ka. " nakangiting inalalayan nito patayo ang dalaga.
" S-salamat. "
" ano bang ginagawa mo dito na ganito kaaga? "
" pupuntahan ko sana sila mamang. Eh ikaw? Bakit ka nandito? Sayo ba yung kotse na yun? "
" yeah. Nalasing kasi ako kagabi, antok na antok na ako kaya hindi na ako naka abot sa Hacienda kaya dito nalang ako nakatulog."
" hmmm ganun ba... Maraming salamat talaga, Greg. Kung hindi dahil sayo baka nagahasa na ako ng lalaking yun. "
" walang anuman. Ahm, saan ba ang bahay ng mga magulang mo? Ihahatid na kita. "
" Naku, nakakahiya naman sayo. "
" wala iyon. Sige na, "
" sige, pero paano yung lalaki? "
" tumawag na ako sa kakilala kong NBI Agent, paparating na siya. Siya na ang bahala sa lalaking yan."
" s-sige. "
Nagulat na lang Si Abigail nang bigla nitong hawakan ang braso niya at inakay siya.
Jusko po! Lihim siyang napatutop sa tapat ng dibdib dahil tila nag uunahan sa pagtibok ang kanyang puso nang madama ang init ng palad nitong nakahawak sa kanyang braso.
BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw { Rated SPG }
RomanceSa Isla Mujeres nanatili si Greg matapos ang masalimoot na pangyayari sa kanyang buhay na nagdulot nang poot, pighati at lungkot sakanyang buong pagkatao. Hanggang sa magkaroon siya ng panibagong pagkakataon na harapin ulit ang buhay sa labas ng Isl...