SERYOSONG Iniimbistigahan nina Agent Roa at Vincent ang hidden business ni Congressman Javier kasama na ang corruption issue nito. Kumalap pa sila ng mga evidences at mga witnesses na maaaring makakapag pabagsak kay Mike.
******************
Malapit na ang Eleksyon at napag disesyunan nina Natalia na tatakbo si Greg bilang Gobernador. Kailangan ng mga mamamayan ang tunay at tapat na mag lilingkod sa bayan kaya hindi dapat manalo si Mike sa darating na eleksyon.
" sigurado ka na ba Greg? "
" Oo, Natalia. Kailangan kong matalo si Mike at magagawa ko lang yun kapag nailantad ko na sa mga tao ang totoo niyang pagkatao. "
Tila nag aalalang tumingin ang asawa sa kanya.
" nag aalala ako, Greg.Alam kong magagalit si Mike pag nalaman niyang kakalabanin mo siya sa kandidatura. Baka tirahin ka niya pailalim at----- "
" sssshh, my dearest wife, dont be so afraid, okay? Kaya ko to, kaya natin to diba? " anito sabay yapos sa kanyang mga palad.
*×**************
" Dad, thank you for letting us staying here for a couple of weeks, aalis na po kami ni Natalia. Babalik na po kami sa bahay namin, pero wag po kayo mag alala, bibisita parin po ako dito. "
" Hijo, mamimiss kita. Always remember na bahay mo rin ito, okay? "
" Yes, dad. Alright, alis na po kami. "
Tatalikod na sana sila ng biglang natumba sa sahig si Emmanuel habang naka hawak sa dibdib. Gulat na gulat na napabaling sila dito at agad na inagapan ang matanda.
" Dad, anong nangyari?!!! "
Hysterical niyang sabi.Agad namang tumawag ng ambulansya si Natalia.
*************
@ San Miguel Hospital
Nakaratay sa hospital bed ang walang malay na Si Emmanuel. Naka dextrose at naka oxygen ito bilang suporta sa pag hinga.
Hindi naman mapakali si Greg sa nangyari sa kanyang ama. Inatake ito sa puso, buti nalang ay naisugod kaagad nila ito aa ospital. Unconscious parin ito at patuloy pang inoobserbahan ng mga doktor.
Bigla namng bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito si Mike kasama ang asawa. Agad itong lumapit sa ama pagkuway bumaling kay Greg at galit na galit na sinugod ito.
" Anong ginawa mo kay papa??!!! Walang hiya ka!! " anito sabay kiniwelyuhan ang kapatid.
" We are about to leave ng biglang atakihin ang papa mo!! " singhal ni Natalia sabay awat dito.
Umaawat narin si Abi. " tama na mike, hindi nakakatulong yang init ng ulo mo! "
Buong pwersa itong itinulak ni Greg kaya napabitaw ito at napaupo sa sahig.
" matuto kang lumugar, Mike Javier. Sa tingin mo ba hindi ko malalaman ang tunay mong pagkatao kahit na hindi sinabi ni daddy sa akin?! Of course, i checked your personal background bago pa ako bumalik ng San Miguel kaya alam ko na ang totoo. Hindi ka isang tunay na Javier! Isa kang bastado----- "
" bastado karin Greg! Anak ka ni papa sa ibang babae! "
Sarkastikong ngumisi siya rito. " Oo nga pala, pareho tayong bastado, pero ako ang may tunay na karapatan kay papa at sa mga yaman niya dahil ako ang totoo niyang anak. Hindi nga dapat ipinagamit sayo ang apelyidong Javier dahil hindi nababagay ang apelyidong iyon sa ka demonyohan mo! "
Napatayo si Mike at akmang susugurin na sana siya ng bigla itong hinatak ni Abi palayo sa kanya.
" bitiwan mo ako, Abigail! Papatayin ko ang lalaking yan! "
" sige gawin mo! Para patunayan mong isa ka talagang kriminal! " bulyaw ni Greg.
" Tumahimik na kayo!! Hindi ba kayo nahihiya?! Nag sisigawan kayo sa harap ng walang malay ninyong ama?! "
Pareho silang natahimik at nagtitimpi nalang sa sarili.
" Tayo na, Mike. Sa susunod na araw nalang tayo dadalaw kapag kapwa nang malamig ang mga ulo niyo. "
-------------
Alam ni Greg na maraming pagkukulang ang kanyang ama. Pinabayaan siya nito at ipinamigay sa ibang tao. Lumaki siyang hindi nakagisnan ang totoong mga magulang. Masakit ito para sakanya at hindi maiwasang mamuo ang poot sa kanyang dibdib.
Pero sa mga araw na magkasama sila ng kanyang ama ay ramdam niya ang sincere nitong pagbawi sa lahat ng mga pagkukulang. Lagi siya nitong inaalagaan at inasikaso, ibinigay sakanya ang 90% nitong kayamanan habang kay Mike ay 10% lang.
Ramdam niya ang pagsisisi nito sa mga nagawa kaya di niya mapigilang tanggapin ang paghingi nito ng tawad. Natutunan niya ring mahalin ang kanyang ama kahit sa una ay mahirap pero kinalaunan ay natuto din siya. Ngayon mas lalo niyang na realize na gusto niya pang makasama ng matagal si Emmanuel.
Sa mga sumunod na araw ay nagising na si Emmanuel at nasilayan niya ang kanyang pinakamamahal na anak.
" Dad?! Gising kna. "
" G-Greg... Anak ko.. P-patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo. Pinagsisihan ko na ang lahat ng yun, sana---- "
" Dad.... Pinapatawad ko na po kayo. Lets start all over again Dad, kaya wag na wag po kayong bibitaw, lumaban po kayo. Mahal ko po kayo. "
Pumatak ang mga luha ni Emmanuel sa huling sinabi ng anak. Sa wakas ay natutuhan na rin siya nitong mahalin at patawarin.
" m-mahal din kita,anak ko. Ipangako mo sa akin na hinding hindi mo pababayaan ang mansion, ang hacienda at ang kompanya dahil ipapamana mo pa iyan sa magiging anak niyo ni Natalia. "
" Dad.. "
Bigla nalang itong pumikit at hindi na humihinga.
" Dad!!! Pls!! Dont do this to me! Hindi mo ako pwedeng iwan!! Dadddd!!! "Sa huli ay bumitaw rin si Emmanuel. Sa araw ng kanyang libing ay di magkandamayaw sa pag iyak si Greg. Hindi nito matanggap ang pagkamatay ng ama. Minsan na siya nitong iniwan at ngayon tuluyan na nga siya nitong iiwan at hinding hindi niya na ito muling masisilayan at makakasama.
BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw { Rated SPG }
RomanceSa Isla Mujeres nanatili si Greg matapos ang masalimoot na pangyayari sa kanyang buhay na nagdulot nang poot, pighati at lungkot sakanyang buong pagkatao. Hanggang sa magkaroon siya ng panibagong pagkakataon na harapin ulit ang buhay sa labas ng Isl...