I SWEAR I didn't mean to laugh loudly.
Aminado naman si Hook na nakinig talaga siya sa usapan nina Melo at ng lalaking nagpakilala bilang Chito. Bukod sa naririnig niya ang pag-uusap ng mga ito dahil magkalapit lang ang mga mesa nila, tinalasan din niya ang pandinig. Pero may valide excuse naman siya.
She looked upset and uncomfortable when the guy invited himself to join her table.
Nag-alala siya na baka kung ano ang gawin ng lalaki kaya nakinig siya sa usapan ng dalawa. He wasn't proud of what he did but he had to admit that he enjoyed it.
Melo's witty and offhanded comments are classy.
Damn. Her intelligence, attitude, and poise only made him more attracted to her. Madali lang sanang iwasan ang physical attraction. Pero ibang usapan na ngayong nagustuhan na rin niya ang personality nito dahil lang sa simpleng pakikinig sa pakikipag-usap nito sa ibang tao.
Who can resist a woman with substance?
Definitely not him.
"Excuse me?" reklamo sa kanya ni Chito nang humarap ito sa kanya. Halatang nainsulto ito sa pagtawa niya. "Are you laughing at me?"
Mabilis na naging seryoso si Hook dahil hindi naman niya tinatanggi na may kasalanan siya sa lalaki. "I'm sorry, man," genuine na sabi niya, saka niya tinaas ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "I have no excuse for eavesdropping but I just have to make it clear that I was laughing at Melo's joke and not at you. If I offended you, I sincerely apologize."
Mukhang walang plano ang lalaki na tanggapin ang apology niya dahil nagdilim ang anyo nito at tumayo na parang susugurin siya.
Should I let myself get hit as compensation? That sounds fair since it seems like I hit his ego. But I don't want my face ruined.
Nag-iisip pa siya ng gagawin pero nang makita niya ang papalapit na malaking bulto sa kanila, nakahinga na siya ng maluwag. Mabilis natigilan si Chito nang mabilis na humarang sa daan nito si North (na kababalik lang kasunod si Sori Kim na tumabi agad kay Melo).
His cousin was considered huge even among tall men. Bukod kasi sa matangkad, malaki rin ang pangangatawan nito. North wasn't as lean as him but he wasn't also that bulky. Sapat lang ang bulto nito para maging intimidating ito at masabing kaya nitong bumasag ng mukha sa isang suntok lang. That was the reason this guy earned the 'thug' label back in his college days.
"Do you have a problem with my younger cousin?" kalmadong tanong ni North kay Chito gamit ang "protective older cousin tone" nito.
Ipinaikot naman ni Hook ang mga mata. Hindi na siya bata para protektahan pa ng pinsan niya kaya tumayo na siya at hinawakan ito sa balikat. "It's fine, North. I was at fault," sabi niya para kumalma ito, saka niya hinarap si Chito at tumingin pababa dito dahil well, mas matangkad siya kesa dito. "I'm really sorry. I didn't mean to offend you, man."
Napalunok si Chito, saka ito tumingala habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila ni North. For a model, he was quite small, huh? "F-Fine," sabi nito sa matapang na boses kahit halatang na-intimidate ito sa kanilang magpinsan. "I accept your apology." Pasimple itong tumingin kay Melo na para bang gustong ipagmalaki na tinanggap nito ang apology niya. Pero nang makita nitong walang reaksyon ang babae (na abala sa pag-iipit ng hibla ng buhok sa likod ng tainga ni Sori Kim), humarap na lang uli ito sa kanya. "You're lucky I'm a generous person."
"Sure," sagot na lang niya habang pinipigilan ang sariling ipaikot ang mga mata dahil ayaw niyang lumaki ang gulo. "Thanks, Chito."
Tinitigan lang siya ng matalim ni Chito, saka nito nilingon si Melo na tumingin na rin sa lalaki. "I'm disappointed, Melo. I was just trying to be good to you despite the dirty rumors about you. Pero ganito mo lang pala ako tatratuhin." Tiningnan nito ang katawan ni Melo sa malasawang paraan bago nito tingnan sa mukha ang babae, sabay ngisi. Nang muli itong magsalita, mas malakas na ang boses na para bang sinasadya nitong iparinig sa ibang mga guest ang sinasabi nito. "I shouldn't have been nice to you because a woman who dresses like a slut doesn't deserve respect."
BINABASA MO ANG
#NSFW: He Can Tell
RomanceShe needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?!