"WHERE have you been, mate?" kunot-noong sita ni Hook kay North nang saluhan siya nito sa mesa. "You invited me here but you're late."
Nasa Phase 1 sila ng Marahuyo Street dahil ilang buwan pa lang ang lumilipas ay nagtayo naman ng fast food restaurant si North. Tinatawag iyong Potato Upgrade at siyempre, French fries na may iba't ibang flavor ang main star ng store. Kasosyo nito sa Potato Upgrade si Adrien– isa sa mga chef mates nito.
That he introduced to Melo before, if I may add.
Sa dumaang anim na buwan simula nang iwasan niya si Melo, hindi na niya nakita ng personal ang babae dahil tumatakas na siya sa tuwing nararamdaman niya ito.
Pero updated siya sa buhay ni Melody Rose, salamat kay North. Naging close kasi ang dalawa dahil sa "pagtutulungan". Nilalakad ni Melo si North kay Sori Kim at ipinapakilala naman ni North si Melo sa mga single friends nito.
Kaya alam din niyang nasa grad school din ang babae at pareho pa silang nasa St. Patrick University. Pero buti na lang din at malayo ang College of Arts and Letters (kung nasa'n si Melo) sa College of Business (kung nasa'n naman siya). Dahil do'n, hindi sila nagkita sa halos buong first sem. Akala niya, matatapos niya ang semestre nang hindi sila nagkikita.
But I saw her in my classroom earlier.
"I'm sorry, cousin," kaswal na sagot ni North na halatang maganda ang mood. Sinenyas lang nito sa server ang order nito bago siya muling hinarap. "I just delivered lunch to Sori."
"Since when did you start your food delivery services?"
"My love life is still better than yours, my dear cousin," nakangising sagot nito na halatang walang planong patulan ang pang-aasar niya. "Stay pressed."
Ipinaikot niya ang mga mata. Alam naman niyang kay Melo at Sori nito natututunan ang mga gano'ng salita. "I can't believe you're still pursuing Sori Kim. How long has it been? Five, six months? Wow. That's longer than the longest relationship you had, mate."
"I've never been this serious in my life but I'm not complaining," simpleng sagot nito, saka ito nagkibit-balikat. "Anyway, enough of me and Sori. Ano bang nangyari kanina?"
"I saw Melo in my class," pagkukuwento niya. "Naramdaman ko naman siya agad pero hindi ko in-expect na papasok siya sa classroom. Kaya no'ng nando'n na siya, aalis na sana ako. But damn, she did something awesome again." Napailing-iling siya habang naaalala ang mga nangyari kanina. Pagkatapos, sumubo muna siya ng sour cream fries bago nagpatuloy. "I still have the hots for her, mate."
Halatang may sasabihin si North pero natigilan ito nang dumating ang server at hinain sa mesa nila ang in-order nitong jumbo box ng barbecue flavored fries at canned softdrinks.
Siya naman, biglang napaisip sa mga nangyari kanina.
Kaklase niya si Nelson Fajardo sa Marketing class at kahit hindi siya malapit dito, alam niyang hindi maganda ang reputasyon nito sa mga babae. In fact, he had gotten into several heated arguments with some of their female classmates in the past. To be honest, that wanker was rude most of the time– especially to women.
No'ng umpisa pa lang, hindi na niya nagustuhan ang mga sinasabi ni Nelson kay Melo. Pigil na pigil nga siya sa sarili niyang makialam at hindi 'yon dahil iniiwasan niya ang babae. He was just aware that she could take care of the situation on her own– and she did.
In an amazing way at that.
Pero siyempre, nakabantay pa rin siya lalo na't alam niyang pikon si Nelson. Kaya nga no'ng sinubukan nitong lapitan si Melo na para bang may balak itong saktan ang babae, sinenyasan niya ang mga kaibigan niyang sina Kurt at George na pigilan ito.
BINABASA MO ANG
#NSFW: He Can Tell
عاطفيةShe needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?!