Note: Hi. Every Saturday na lang ang update ng HE CAN TELL. This August dapat ilalabas ang book pero nag-decide ang pub na sa MIBF 2018 (September 16) na lang ito ire-release. Kaya mag-a-update ako once a week na lang hanggang sa book release. Anyway, we will have a book signing event there. See you sa mga pupunta.
***
"HOW DARE you hurt Sori, you fucking scumbag," galit na sabi agad ni Melo kay Dante na ngumisi nang makita siya. Naglakad siya palapit dito ng walang takot dahil bukod sa galit talaga siya, ramdam niyang protektado siya ni Jooe na nakatutok na ang pana sa ex-boyfriend niya. Gano'n din 'yong winged-Arrowblood na mukhang kakampi naman nila. "Hindi pa ba sapat sa'yo 'yong ginawa mo sa'kin noon at ngayon naman, pati best friend ko eh idadamay mo?"
"I'm surprised you're still alive, my rose," nakangising bati sa kanya ni Dante, saka siya nito tiningnan mula ulo hanggang paa habang dinidilaan ang mga labi. Pagkatapos, umangat ang malagkit nitong tingin sa mukha niya. "You look more gorgeous than ever."
Ngumisi lang siya, sabay sapak kay Dante na napaatras at nabitawan ang pana nito. Pakiramdam niya ay nabali ang mga buto niya sa daliri nang kumonekta iyon sa ilong ng ex-boyfriend niya. Pero hindi niya ininda ang sakit. Aaminin niya na noon, takot na takot siya sa ideyang magkikita uli sila ng lalaking 'to. Pero dahil sa ginawa nito ngayon kay Sori, nakalimutan na niya ang takot niyang 'yon.
In fact, it felt really good when she hit him.
"Kinalimutan ko 'yong ginawa mo sa'kin noon at hindi kita hinanap kasi ayaw na kitang maging parte ng mundo ko," nanggigigil na sabi niya sa lalaki na nakatayo na uli ng maayos at pinupunasan ng kamay ang dumudugo nitong ilong habang matalim ang tingin sa kanya. "Pero ngayong dinamay mo si Sori dito, hindi kita mapapapatawad. What do you still want with me, Dante? Sabihin mo na nang matapos na 'to."
"I'm glad that you asked, Melody Rose," halatang galit na sagot ni Dante. "Wala na kong ibang sasaktan kapag sumama ka sa'kin ng tahimik."
Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay. "At bakit naman ako sasama sa'yo?"
"We need to talk in private," seryosong sabi ng ex-boyfriend niya. "I have an offer you can't resist, Melody Rose."
"I don't want to hear it," malamig na sabi niya, saka niya tinuro ang exit. "Get out of my face now, Dante Storm."
Umangil ito na parang galit sa kanya. "You–"
"Stop or I'll shoot you," banta ni Jooe kay Dante. "I'm serious, fellow. You've hurt two of my closest friends now. I can seriously kill you for that."
"I'm here, too," sabi naman ng winged Arrowblood. "If you touch Melo, I'll shoot you. You've hurt my best friends' girlfriends and that's unforgivable in my book." Ngumisi ito na halatang ikinagalit naman ni Dante. "Ikaw 'yong Arrowblood na bumali sa pakpak ko, 'di ba? Hindi ko alam ang hitsura ni Hector na nagparusa kay Hook kaya hindi ko alam na kakambal ka pala niya. Anyway, na-distract mo lang ako no'n kaya mo ko naatake. But that same trick won't work again so you better prepare yourself, you punk."
"Siya 'yong assailant mo, Wilde?" nagtatakang tanong naman ni North kay 'Wilde.' "Does it mean he's been lurking at the village for a while now?"
"Nasa village siya noon?" nagtatakang tanong naman niya. "Matagal na niya kong target..."
"Yes," pagkumpirma ni Wilde. "After that night, nagbaon ako ng mga pana ko sa paligid ng village para malaman ko kapag bumalik siya. Fortunately, hindi na siya bumalik." Tiningnan siya ng lalaki at napansin niyang medyo malaki ang pagkakahawig nito sa ilang sculpture ng Greek god na si Eros– lalo na ang curly hair nito. Mukhang lahat ng Arrowblood ay may hitsura, ha? "Base sa qualities ng mga victim ng rogue Arrowblood na matagal na naming hinahanap, isa ka sa mga naisip kong possible target niya sa Paraluman, Melody Rose. And it looks like my hunch is right."
Napasimangot siya sa revelation na 'yon, saka niya binigyan ng nagdududang tingin si Dante. "Now you're a stalker? Ano ba talagang kailangan mo sa'kin, ha? Sabihin mo na sa harap ng mga kaibigan ko dahil hindi ako sasama sa'yo."
"Forget it," halatang iritadong sagot ni Dante habang nagpapalipat-lipat ng tingin kina Jooe at Wilde. "I didn't know that you have two Arrowbloods on your side. Akala ko, co-incidence lang na may Arrowblood na may dugo ni Eros sa village niyo. I didn't expect that you're friends with him." Binigyan siya nito ng matalim na tingin. "I'll come back next time, Melody Rose."
"You're not leaving without giving us a proper explanation, rogue Arrowblood," banta naman ni Wilde dito. "Ipaliwanag mo sa'min kung bakit may pana ka ng Arrowblood na may dugo ni Aphrodite?"
"That's a crime," dagdag pa ni Jooe. "The Arrowbloods from the Erotes' bloodlines aren't supposed to carry an Aphrodite's arrow."
Kumunot ang noo ni Melo dahil hindi na niya naiintindihan ang usapan ng tatlong Arrowbloods. Pero mukhang hindi papayag sina Jooe at Wilde na basta na lang umalis si Dante. This is Arrowblood business.
"I'm different from you, lowly Arrowbloods," aroganteng sabi naman ni Dante. "I am a god. I'll be more powerful than the Arrowbloods with a main god's blood soon." Ngumisi ito habang iiling-iling. "Those "elite" Arrowbloods have always looked down on Arrowbloods from the Erotes' bloodline because they thought we could only use our power with things involving love and sex. I'll make them regret their arrogance."
"You really have a god complex, don't you?" puno ng disgustong tanong ni Melo sa ex-boyfriend. "Dante, I've said this before and I will say it again: you're not a god. You can never be one. 'Yong arrogance mo, walang pinagkaiba sa arrogance ng "elite" Arrowbloods na gusto mong bigyan ng revenge."
"I don't expect a mere mortal like you to understand my purpose but you're really making me angry now, Melo," nakangising sabi ni Dante habang deretso ang tingin sa kanya, saka nito binuka ang kanang kamay kung saan may lumabas na namang gintong liwanag mula ro'n. "It looks like I have to punish you again, my dear rose."
Sa pagbabanta at ginawang iyon ng walanghiya niyang ex-boyfriend, sabay na pinakawalan nina Jooe at Wilde ang kanya-kanyang pana ng mga ito ng walang sabi-sabi. Mabilis ang "paglipad" ng mga pana at hindi naman kumilos ang masamang Arrowblood mula sa kinatatayuan nito kaya inaasahan niyang tatamaan ito.
No, she was hoping and praying for her ruthless ex-boyfriend to be shot.
Pero hindi 'yon ang nangyari. 'Yong gintong liwanag sa palad ng "rogue Arrowblood" ay biglang naging purple. At may kakaibang bagay din ang lumabas mula ro'n.
It's beautiful...
The purple arrow that hovered above Dante's palm was shining and it created a thin, almost-transparent but durable wall around him.
Nang dumikit ang pana nina Jooe at Wilde sa manipis na pader sa paligid ni Dante, bigla na lang naglaho ang mga iyon. Kasunod niyon, bigla na lang napaluhod si Jooe kasabay ng paglalaho rin ng hawak nitong golden bow. Gano'n din ang nangyari kay Wilde na maging ang mga pakpak ay biglang naglaho.
Jooe and Wilde suddenly looked out of breath as if they were hurt. Hanggang mayamaya lang, nawalan na ng malay ang dalawa at bumagsak sa sahig.
Shit.
Akma namang tatakbo si North para siguro tumulong pero nang ikumpas lang ni Dante ang kamay nito sa direksyon nina North at Sori, sabay nang nawalan ng malay ang mga ito.
"Sori!" nag-aalalang sigaw ni Melo pero bago pa siya makalapit sa best friend niya ay humarang na si Dante sa daan niya kaya napilitan siyang huminto. "What did you do to them?" Tinuro niya ang purple arrow na nasa ibabaw pa rin ng palad nito. "And what is that thing?"
"I didn't want to use an Aphrodite's arrow because using this arrow sucks out my life force," paliwanag ni Dante. "But you left me with no choice." Ngumisi ito, saka kinumpas ang kamay hanggang sa nakatutok na sa kanya ang matalim na dulo ng kakaibang pana. "Melody Rose, this time, you're the one who's going to look for me."
BINABASA MO ANG
#NSFW: He Can Tell
Любовные романыShe needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?!