23: Wholesome

6.7K 188 15
                                    

"MALAPIT lang 'yon dito, eh. Wait lang, ha? Ginu-Google ko lang kung sa'n 'yong Korean restaurant na gusto kong i-try."

"Go ahead, pillow," sagot ni North habang nakaupo sa edge ng nakabukas na cargo space ng Chevrolet niya. Habang si Sori naman, nakatayo sa harapan niya habang nakayuko at busy sa pagkalikot sa phone nito. Medyo madilim na sa parking lot pero dahil sa liwanag ng phone nito, nakikita pa rin niya ang maganda nitong mukha. So freaking cute.

Katatapos lang ng pinanood nilang Kpop concert. Nag-enjoy naman siya dahil totoo namang nagustuhan niya ang mga kanta ng Kpop group kahit hindi niya naiintindihan ang lyrics. Pero aaminin niyang mas nag-enjoy siya sa posisyon nila ni Sori kanina.

Dahil nasa VIP standing sila at nagkakagulo ang mga kasama nila sa section sa tuwing sumasabay ng sayaw sa grupo, niyakap niya si Sori mula sa likuran para hindi ito mabunggo at matumba. Hindi naman ito nailang at tumutol. In fact, she even leaned on him.

"Pillow-a," malambing na pagtawag ni North sa babae. Nag-aaral na siya ng Korean language kaya alam niya na ang ibig sabihin ng basic honorifics sa mga ito. "Can I hug you again?"

"No," sagot naman ni Sori habang tutok na tutok pa rin sa phone nito. "Pawis ako, eh. Paki-remind pala ako na dalhin 'yong tote bag ko sa restaurant mamaya. Magpapalit ako ng top later."

Pawisan din siya kanina pero may dala siyang extra T-shirt kaya nakapagbihis na siya sa loob ng kotse. Sinabihan din niya si Sori kanina na magbihis na rin dahil heavily-tinted naman ang mga bintana pero tumanggi ito. Mag-re-retouch din naman daw ito ng makeup kaya kailangan daw nito sa restroom mag-ayos.

"I don't mind even if you're sweaty," giit pa rin niya. "You still smell good anyway."

"Ang clingy mo na, ha?" iiling-iling na reklamo ng babae pero naglakad naman ito palapit sa kanya kahit hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin mula sa phone nito.

He just smiled at her cuteness, then he opened his legs to accommodate her. Pagkatapos, niyakap niya ito sa mga balikat at hinalikan sa tuktok ng ulo. Hindi rin niya alam kung bakit naging hobby na niya 'yon. Was it because he really liked the smell of her shampoo?

"Nakita ko na," masayang deklara nito mayamaya, saka ito medyo lumayo sa kanya para ipakita sa kanya ang phone nito. "Ito 'yong address, ahjussi."

Nanatiling nakapatong ang mga braso niya sa mga balikat nito habang binabasa niya ang nakasulat na address. Kung ganito ka-excited si Sori sa pagkain sa Korean restaurant, sasamahan niya ito kahit pa kailangan niyang sirain ang fasting niya. Saturday night naman na 'yon kaya iisipin na lang niya na cheat day niya ngayon. "Okay. I got it."

"Mag-unli samgyupsal tayo para sulit," excited na sabi nito, saka nito binalik sa slingbag ang phone nito. Pagkatapos, inalis nito ang mga braso niya sa mga balikat nito para hawakan ang mga kamay niya. "Tara na, ahjussi. Gutom na ko, eh. Napagod ako sa pag-fa-fangirl kanina."

"Can we go out again tomorrow?"

"Sunday bukas, eh," nag-aalangan na paalala nito sa kanya. "May church service ako at hindi ka naman nagsisimba. 'Tapos tradition na namin nina Melo unni at Jooe unni na mag-barbecue sa gabi. Tatanungin ko muna sila kung puwede kang sumama sa bonding namin."

"Let's have breakfast and go to the mass together."

"Talaga?" halatang nagulat na tanong nito. "Akala ko, hindi ka na nagpupuntang church."

"Well, I stopped going there after a lot of terrible things happened to me in the past," maingat na sagot niya. Hindi pa siya handang ikuwento ang lahat kay Sori kaya iyon na lang muna ang sasabihin niya rito. One step at a time. "But recently, my heart is really full with happiness and I thought I should visit Him to show my gratitude. And you inspire me to go back to church, Sori. Kaya kung okay lang sa'yo, puwede ba kong sumama sa pagsimba mo next Sunday?"

"Siyempre naman," nakangiting sagot ni Sori na halatang masaya sa desisyon niya. "I'm happy for you, ahjussi."

He smiled at her because he thought it was the best response he could give to the biggest source of his happiness right now. "Sori Kim?"

"Yeah, North Whitfield?"

Lalo siyang napangiti dahil sa pagbanggit nito sa full name niya. I'm glad you know your future surname, my pillow. "Will you be my girlfriend?"

"Do you want to have sex with me?"

"Of course," matapat na sagot naman niya na dahilan siguro kung bakit namula ang mga pisngi nito. Maputi kasi ito kaya kahit may kadiliman sa puwesto nila, kitang-kita pa rin ang pagkakaro'n ng kulay ng mukha nito. "I'd lie if I say that I don't think about it. However, I know that you're inexperienced and I respect your choice. I can wait."

"Baka mainip ka lang sa paghihintay," halatang nag-aalalang sabi naman nito. "I plan to give my virginity to my future husband."

"I will wait," determinado pa ring sagot niya. "Sori, I've already been practicing abstinence since the day I started to pursue you." Wala na siyang pakialam kahit mga kamay na lang niya ang magpapasaya sa kanya simula ngayon. "Believe me, I don't mind if you'd like to keep your virginity until you're married. Your decision won't change my feelings. I still want to be with you, Sori Kim. Hindi kita iiwan dahil lang hindi ka pa handa sa mas intimate na relationship."

Nag-pout ito na parang nagpipigil lang maiyak. "Why?"

"Because I love you, pillow."

"I love you, too, ahjussi," pagtatapat naman ni Sori habang umiiyak. Damn, she still looked so freaking cute even when crying. "Pero hindi ako nag-ko-confess kasi natatakot ako na baka iwan mo agad ako kapag sinabi ko na sa'yo na gusto kong i-save ang virginity ko for my future husband. Gusto kong sulitin 'yong time na magkasama tayo kaya pinapatagal ko ang panliligaw mo sa'kin kahit may feelings na ko for you. Para in case na tigilan mo na ko eh marami na kong memories with you na puwedeng i-reminisce."

Napasimangot siya dahil hindi niya nagustuhan ang pag-iyak nito at ang mga inisip nito tungkol sa kanila. "I wish you could have talked to me about this sooner para hindi na na-prolong ang agony mo sa fear na meron ka," sabi niya, saka niya marahang pinunasan ng kamay niya ang mga luha sa magkabila nitong pisngi. "From now on, kapag may ganitong fear o doubt ka, sabihin mo agad sa'kin, ha? Communication is the key to any good relationship."

"Okay, ahjussi," tumatango-tangong sagot naman nito. Pagkatapos, ito na mismo ang nagpunas ng mga kamay nito. "North Whitfield, ask me that question again."

Napangiti si North at sigurado siyang kung kinikilig nga ang mga lalaki, gano'n ang nararamdaman niya ngayon. "Sori Kim, will you be my girlfriend?"

"Yes," sagot ni Sori. "I'd love to be your girlfriend, ahjussi."

That night, they shared their very first kiss.

#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon