WHY AM I not wearing my top?
Nagtaka si Melo nang pagbangon niya kanina ay nalaglag ang comforter na nakapatong sa katawan niya, pagkatapos ay nakita niyang wala na siyang shirt na suot. Sobrang lamig pa naman sa kuwarto. Nang makita niya ang fitted shirt niya sa tabi niya, kinuha agad niya 'yon at sinuot.
This must be Hook's room.
Salamat sa picture frame na nakapatong sa night table hindi siya nag-panic nang magising sa ibang kuwarto.
Nasa litrato kasi si Hook habang yakap ang isang ginang na mukhang mommy nito. Hindi magkamukha ang mag-ina dahil mas lamang ang Western features ng lalaki samantalang very Filipina naman ang mommy nito. But they have the same lovely smile.
"Melo?"
Namalayan lang ni Melo na nasa kuwarto na pala si Hook nang magsalita ito. Hindi niya siguro napansin ang pagbukas at pagsara ng pinto dahil nakatitig siya sa picture kanina habang nag-iisip. Saka siguro, hindi gumawa ng ingay ang boyfriend niya dahil inaakala nitong natutulog pa siya. "Hi, Hook."
Halata sa mukha ni Hook ang relief, saka ito naglakad palapit sa kanya at umupo sa tabi niya. "I was so worried about you, Melo." Hinalikan siya nito sa mga labi. "I'm glad you're awake now. You've been asleep for nine hours straight, you know."
"I'm sorry for making you worry, Hook," sabi naman siya sa nakokonsensiyang boses dahil halatang nag-alala talaga ito. "Pagod lang talaga ako lately."
"Melo, Jooe is downstairs."
Kumunot ang noo niya sa pagtataka, lalo na nang napansin niyang puno ng simpatya ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya. "Why is Jooe here..." Unti-unti siyang natigilan nang nang nag-click na sa kanya ang lahat. "Wait, did she tell you about my... mark?"
"She had to," mabilis na paliwanag naman nito, saka hinawakan ang mga balikat niya na para bang kinakalma siya. "Melo, hindi normal ang "pagtulog" mo kanina. According to Jooe, masyado nang mahina ang life force mo."
"How much do you know, Hook?"
"Everything."
Natahimik siya habang kagat-kagat ang lower lip. Hindi naman siya galit kay Jooe dahil alam niyang hindi nito sasabihin kay Hook ang sekreto niya kung hindi kailangan. "Buti naniwala ka agad kay Jooe?"
"Mahirap hindi paniwalaan ang isang bagay na nakita mismo ng mga mata mo."
Tumango siya bilang pagsang-ayon. Kung hindi niya rin nakita ang kakaibang pana nina Dante at Jooe noon, hindi rin siya maniniwala sa kahit anong sasabihin ng dalawa. "'Yong guy na nagpakilala as Hector Fagestrom kanina, kamukhang-kamukha siya ng ex-boyfriend kong si Dante. I still can't believe that they are twins. I've been with my ex for three years but he didn't tell me that he has a twin brother. Plus, they have different surnames."
"I'm as shocked and bewildered as you, Melo," pag-amin naman nito. "I used to be friends with Hector back when I was in England but he never mentioned having a twin brother." Pagkatapos, marahan nitong pinisil ang baba niya. "It was as if you had a panic attack when you saw Hector earlier. How bad did your ex treat you for you to react that way, Melo?"
"It seems like you already know what happened to me before, Hook," nakangiti pero malungkot na tanong niya. "You wouldn't look at me like that if you haven't had the faintest idea of what I went through when I was still with him."
"I've heard rumors about your past relationship but I will only believe what you'd say." Saglit itong natigilan na parang nag-isip. "Hindi naman kailangang ngayon mo sabihin. Maghihintay ako kung kailan ka magiging ready na i-share sa'kin ang nakaraan mo. I know your past is none of my business and I shouldn't be even asking you to share it with me. Believe me, Melo. Kung ordinaryong tao lang ang ex mo, hindi ako magtatanong at lalong hindi ko siya kikilalanin. After all, I don't want you to relive your trauma." Binigyan siya nito ng apologetic smile. "But unfortunately, I have to know what happened so I could help you. May mga sinabi na sa'kin si Jooe kanina pero hindi niya dinetalye ang mga pangyayari kasi ayaw ka raw niyang pangunahan. That's why I'm asking you directly now." Hinawakan nito ang mga kamay niya at marahang pinisil ang mga 'yon. "I will listen when you're ready, Melo."
BINABASA MO ANG
#NSFW: He Can Tell
RomanceShe needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?!